Chapter 44

349 20 0
                                    

Nakatayo kami ni Dwight sa harap ng main door namin. Kanina ay nagpumilit siyang sumama sa akin pauwi. Bago kami pumunta dito ay dumaan muna kami sa restaurant nina Cailah para bilhin ang lemon cake na ilang araw nang request ni Mommy.

"Are you sure about this?" Ilang beses ko na itong itinanong sa kaniya.

Pinisil niya ang kamay ko. "Tania, this is what I always wanted to do. So, yeah. I am sure about this. I am ready for this." If he is ready, then I am ready, too.

Kumatok ako sa pinto. Pinag-buksan kami ni Manang. Nagulat siya nang makita kung sino ang kasama ko. Tiningnan niya kami pababa sa magka-hawak naming mga kamay. Nanlaki ang mga mata niya.

"Dios mio! Pumasok kayo! Tatawagin ko lang ang Mommy at Daddy mo, Tania!"

Nagmadaling tumungo si Manang sa hagdan. Tumawa ako at iginaya papunta sa salas si Dwight.

Nakarinig kami ng kalabog sa taas. Tumayo ako at 'agad din napa-upo nang hilahin ako pabalik ni Dwight.

"Calm down. Nagulat siguro ang mga iyon," natatawa niyang sinabi.

Hinigpitan niya ang pagkaka-hawak sa kamay ko. Maya-maya ay nakarinig kami ng mga yapak. Huminga ako ng malalim. This is it! Ipapakilala ko si Dwight kina Mommy at Daddy bilang boyfriend ko!

Tumayo kaming dalawa nang masilayan ang mga magulang ko. Naka-kapit si Mommy sa braso ni Daddy at nakangiti. Si Daddy naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin ni Dwight.

"I'm nervous," bulong ko.

Nagulat ako nang hinalikan niya ang kamay ko. "Don't be. I love you, okay?"

Pulang-pula na ang mukha ko. Nakita nila 'yon!

"I love you, too!" Mabilis kong sinabi dahil nasa harapan na namin ngayon sina Mommy at Daddy. Nakangisi naman sa likuran nila si Manang.

Lumapit ako sa mga magulang ko para humalik. Nag-mano naman si Dwight. Pagkatapos ay bumalik na kami sa pwesto namin. Hindi maalis ang titig nila sa mga kamay namin.

"Umupo kayo," para kaming tuta ni Dwight kung sumunod sa utos ni Daddy.

Inutusan ni Mommy si Manang na maghanda ng merienda. Ibinigay namin kay Manang ang biniling lemon cake ni Dwight. Hindi nakaligtas sa akin ang malaking ngisi na iginawad ni Mommy kay Manang bago ito tumungo sa kusina.

Tumikhim ako. "D-Dad, Mom... Si Dwight po..."

Gusto kong iuntog ang ulo ko ngayon! What did I just say?

Narinig ko ang hagikgik ni Mommy. Kinagat ko ang labi ko at napa-yuko.

"Alam namin 'yon, anak. Matagal na naming kilala si Dwight," Daddy said
sarcastically.

Hindi ako makatingin sa kanila. Muling pinisil ni Dwight ang kamay ko bago niya pinaglaruan ang mga daliri ko.

Hinawakan ni Dwight ang baba ko para mapatingin ako sa kaniya. "Let me do this..."

Ma-drama'ng tumikhim si Daddy kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin.

"Tito... Tita..." panimula ni Dwight habang nakikipag-eye contact kina Daddy at Mommy.

I thought he would maintain that eye contact, but when he turned his head to look directly into my eyes...

"I am in love with your daughter. I love her so much. Nothing has ever made me happier when she said those words that I've been longing to hear. And it made me even happier because I could finally say that she's mine."

I couldn't take my eyes off of him. Kahit siya ay tila nakalimuta'ng sina Mommy at Daddy ang kausap niya.

"Dwight..." Sinunod ko ang utos ng puso't isip ko. Hinila ko siya papunta sa akin. I hugged him so tight, as if this was the first time that we hugged each other like this.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon