C A I L A H
I lifted my hand to shade my eyes from the sun. Tirik na tirik ang araw at nandito ako sa main gate para salubungin ang mga tao. It's exactly 12 in the afternoon. Today's also the first day of September.
Tumungo ako sa canopy tent na naka-set up sa labas ng main gate. Kumaway si Danielle. Siya ang kasama ko dito.
Bumalik ako sa pwesto ko. May dalawang long table. Tag-isa kami ni Danielle. Nakatalikod kami sa isa't isa. She's facing North, while I'm facing South. In other words, ka-harap niya ang mga taong papasok sa Alfheim habang ka-harap ko ang mga lalabas.
"Kamusta ang water break?" Tanong niya habang pinapaypayan ang sarili.
Nilingon ko siya. "It was good, Danielle! Sa sobrang gutom ko ay nagkaroon ng lasa ang ininom kong tubig!" Sabi ko na ikinatuwa niya.
"Silly, Cailah," aniya at inabutan ng gate pass ang lalake sa harap niya.
Simple lang naman ang trabaho namin dito, si Danielle ang magbibigay ng gate pass sa mga taong papasok sa loob ng Alfheim. At 'pag lalabas na sila, ako ang kukuha ng ipinahiram na gate pass ni Danielle.
May grupo ng mga babae na nilagpasan ako nang hindi man lang binabalik ang mga gate pass.
Tumayo ako. "Teka lang mga Miss!" Sigaw ko. Napalingon ang isa sa akin at umirap.
Nilapitan ako ni Danielle. "You need to return those," tinuro niya ang mga gate pass na naka-sabit sa mga leeg nila.
Lumapit ang limang babae sa amin. The nerve of these girls!
"Who do you think you are? Gate pass lang ayaw niyo pa ibigay?" Sabi ng isa.
"That's the rule. Now, if you don't really want to give them back, take them home then," wika ko.
Nilapitan ako ng babae na umirap sa akin kanina. "Ano'ng sinabi mo? Ito ba?" Hinubad niya ang gate pass. "Isaksak mo sa baga mo!"
Ngumisi ako. Dumami na ang mga nanonood sa amin. Nakita ko pa ang papalapit kong mga kaibigan.
"Would you rather give it back when you could have these?" Binagsak ko ang box na puno ng gate pass sa harapan niya.
Hinawakan ni Danielle ang kamay ko. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Umiling ako. Dinampot ko 'yung hinubad na gate pass ng babae at inilagay iyon sa loob ng kahon.
"You might want a souvenir from us. Here you go. Don't be shy. I know you want them," tinawag ko ang mga kasama niya gamit ang aking hintuturo.
Lumapit ang apat na babae. Aangal pa sana yung isa kaya lang ay pinigilan siya ng mga kasama niya.
"Take the box with you and go home," utos ko.
Hindi na sila nakapag-salita. Binuhat nila ang box at hinila ang kasama nila palabas. No one dared to look back. Good for them.
"What was that, Cailah? You can't just give them away like that! Mamaya ay maubusan tayo ng gate pass!" Ani Tania.
I rolled my eyes. "Tss. 'Wag ka nang dumagdag, Tania."
"Oh, no. You're being a bitch, Cailah. Hindi tatalab sa akin 'yan. Sino na ang magpo-provide ng mga gate pass? Ikaw? I don't think so."
My cousin left me dumbfounded. What's with her sassy attitude? And what did she just say?
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako makikipag-away sa kaniya. Tania is Tania. Matigas ang tuktok niya. Ni hindi nga iyon natitinag man lang.
Lumapit sa akin si Matthew. Inabutan niya ako ng bottled water na malugod kong tinanggihan.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...