"Manong, baka naman po pwedeng pakihinto muna 'yung sasakyan sa gasoline station na 'yon."
"Sige po, Miss Tania," 'agad akong bumaba sa sasakyan pagkarating namin sa gasoline station. Nagmadali akong pumasok sa CR.
Ewan ko ba naman dito kay Cailah? Para namang malala na 'yung kondisyon ni Dwight kung hatakin ako palabas ng bahay namin. Hindi man lang ako pinayagan mag-banyo!
Gusto ko pa sanang magtagal doon. Kaya lang ay tinawagan na ako ng magaling kong pinsan. Naglalakad na ako papunta sa sasakyan nang mapatingin ako sa tattoo shop na nasa harap ng gasolinahan. Lumabas ang isang pamilyar na lalaki galing sa loob. At dahil curious ako, bahagya pa akong lumapit para makita ng malinaw kung sino 'yon.
Malinaw na malinaw na si Johnny ang nakikita ko. Ilang sandali pa, may lalaking lumabas galing sa loob ng shop at lumapit sa kanya. Pagkatapos nilang mag usap ay sumakay na sila sa itim na Fortuner at umalis.
Kumunot ang noo ko. Palaisipan pa rin sa akin ang nakita habang naglalakad.
"Tara na po," sabi ko kay Manong pagka sakay sa sasakyan.
Ngumit siya at tumango saka niya ito pina-andar.
Pagdating kina Dwight ay umalis 'agad ang driver. Nakatayo na ako dito ngayon sa harap ng isang malaking tarangkahan. Lumapit ako sa gate at pinindot 'yung intercom.
"Good afternoon, Miss Tania. Please come inside."
Psh. May CCTV kaya nakilala 'agad ako. Hindi na ako pinagsalita pa.
Kusang bumukas 'yung gate kaya pumasok na ako sa loob.
"Hello, Miss Tania!" Bati ng kasambahay na sumalubong sa akin sa main door.
Ngumiti ako. "Hi po! Nasaan si Dwight?"
"Nasa kwarto niya po. Pasok po kayo," tumango ako. Sinundan ko siya sa loob.
Nilibot ko ang paningin ko. Ang daming nagbago sa bahay nila. Ilang taon na rin ang nakalipas noong huli akong pumunta dito.
Huminga ako ng malalim. Bago ko makalimutan ang pakay ko, tumungo na ako sa grand staircase para mapuntahan ang kwarto niyang nasa ikalawang palapag.
Nasa huling baitang na ang paa ko. Dahil sa gulat, napahawak ako sa banister upang hindi malaglag. Kitang-kita ko ang bulto ng isang babae na nakatayo sa harap ng kwarto ni Dwight. Suot niya ang puting bestida na nakapag-pataas sa balahibo ko. Halos walang nagbago sa kanyang itsura.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Marahil ay malalim ang iniisip niya kaya hindi man lang ako napapansin. Huminto ako sa 'di kalayuan upang titigan siya.
Sa tuwing nakikita ko ang babaeng nasa harap ko ay halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Siya ang nagpa-paalala sa akin sa taong iyon.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi nang nagtama ang aming mga mata. Naglakad siya papunta sa akin. Taas noo siyang huminto sa harapan ko.
"Long time no see. What are you doing here?"
"Napadaan lang. Nabalitaan ko na may sakit si Dwight, eh." I answered.
She rolled her eyes. "Really? Pati ikaw, alam na may sakit siya?"
"How is he?" Seryoso na ako ngayon.
Ngumuso siya. "I don't know. Kararating ko lang galing sa bakasyon at hindi pa kami nagkikita ni Kuya. Ang sabi sa akin ng mga kasambahay, may sakit siya kaya nag alangan akong pumasok sa kwarto niya."
"Sige. Samahan mo na lang ako," nauna na akong maglakad papunta sa kwarto ni Dwight. Sumunod naman si Cassidy.
"Dwight!" Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang sumasagot.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...