Chapter 50

343 21 1
                                    

T A N I A

Pinapapak ko 'yung kamote fries. Nakiki-kain si Dwight sa akin. Kaming apat nina Matt at Cailah ay pinanonood ang pagtatalo nina Ranie at Stacie.

"Rosa! Upo ka dito!" Tinapik ni Cailah ang pwesto sa tabi niya. Binigyan niya ito ng chocolate.

"Salamat po, Ate Cailah!" Binahagian ni Rosa ang kaniyang mga kapatid nang napadaan ang mga ito.

"Stacie! Saglit lang! Magpa paliwanag ako!" Ani Ranie habang inaabot ang kamay ni Stacie.

"Listen to him, Stacie," napatingin si Stacie kay Dwight. "We know the truth."

"What truth, Dwight? That he lied to me? That he cheated on me?" Galit na tugon ni Stacie.

Tinakpan ni Cailah ang mga tainga ni Rosa. Si Matt naman ay sinenyasan si Rania na magsalita na bago pa mahuli ang lahat.

"I had to pretend as Dana's boyfriend so the boys won't bug her anymore. Nagpanggap din si Clifford bilang boyfriend ni Danielle. I did that for the sake of our friend, Stacie. I'm sorry," nanlulumo, hinawakan ni Ranie ang kamay ni Stacie.

Binalik ni Stacie ang tingin kina Matt at Dwight. Tumango ang dalawa.

Napalunok si Stacie at binalingan naman si Ranie. "Naniniwala ako. I'm sorry, too," aniya.

Like a bunch of idiots, we clapped our hands. We all stood up. The show is over now.

Bago kami bumalik sa paglilinis ni Dwight ay pumasok ang topless na si Clifford.

"Naayos ko na ang ihawan ninyo. Pwede na kayo magtinda," sabi niya kina Cailah at Stacie.

Tumulong sina Matt at Ranie sa pagbubuhat ng mga paninda nila. Binuhat naman ni Clifford ang mga sawsawan at lumabas na.

"Are we gonna clean the whole house?" Tanong ni Dwight habang tinutulak ang mga upuan sa salas.

"Oo, Dwight. Mamaya ay darating na ang mga mag-aayos sa bahay. Kailangan natin maglinis."

Kinuha ko ang mga kahon na pinadala ko kay Clifford kanina. Nilagay ko sa mga iyon ang mga picture frame, trophies, medals, at house decorations.

Tinulak ko ang mga kahon papunta sa pinto. Sunod na lumabas si Dwight. Buhat niya 'yung malaking kutson.

"Dahan-dahan, Dwight. Baka mapilayan ka," hinawakan ko 'yung dulo ng kutson para ma-balanse ang pagbubuhat.

"Thank you," hinihingal niyang sinabi.

"You're welcome!" Hinalikan niya ang noo ko bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Kinuha ko 'yung mas malaking kahon. Inilagay ko doon ang mga kagamitan sa kusina. Tinulungan ako ni Clifford pagpasok niya. Siya na ngayon ang nagtutulak sa mga kahon palabas ng bahay.

Habang nagtutulungan sila ni Dwight sa pagbubuhat ng box type TV ay kinuha ko na ang walis tambo at dust pan. Sinimulan kong walisan ang mga sulok papunta sa gitna.

Nadagdagan ang tutulong sa kanila pagpasok nina Ranie at Matt. Sila ang humila sa mga upuang kahoy, divider at lamesa papunta sa pinto. Hihilahin naman ang mga 'yon nina Dwight at Clifford palabas ng bahay.

Pagkatapos kong magwalis, pumasok naman ako sa mga kwarto para ilagay sa mga kahon ang mga unan at mga kumot.

"Tania..." Napatingin ako sa pintuan. Nakahilig doon si Dwight.

"May kailangan ka, Dwight?" Tanong ko habang tinitiklop 'yung kumot.

Hinawi niya ang kurtina para makapasok siya. I looked at him. Sweat was dripping all over his body. I could see his biceps tightened as he reached for the blanket beside me.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon