Ang pamilya na lang ni Dwight ang naiwan sa bahay nang nagising ako kinabukasan. Hindi 'agad ako nakabangon gawa ng hangover. 3 AM na kami nakatulog. Hindi ko masisisi ang alak. Naging pabaya ako. Hindi ko na-control ang sarili ko kagabi sa sobrang saya namin.
Kinuha ko ang cellphone ko. Our pictures and videos last night were all
over my feed and notifications. Naka-tagged pa sa akin ang ibang pictures kahit pa wala naman ako sa mga 'yon.Nang kumatok si Manang ay bumangon na ako. I was about to enter the bathroom, but I saw something in the bedside table.
Nilapitan ko iyon. Baso na may tubig at gamot para sa hangover ang nakalagay sa tray. There's a note, too.
Good morning, Young Lady!
Young Master sent us here. Would you mind if we tell you to drink us? This is for your own good—for a brighter day and for a better future :D
P.S. He's waiting downstairs. Make it fast, please? He misses you.
That emoticon in the end made me laugh. Ang corny corny ni Dwight!
Dinampot ko 'yung tableta at inilagay na sa loob ng bibig ko. Inubos ko rin 'yung laman ng baso.
I did all my morning rituals as fast as I could. Maingay sa living room pagbaba ko. Dinungaw ko sila. Nakita 'agad namin ni Dwight ang isa't isa.
"Mabuti naman at gising kana, anak!" Ani Mommy habang sumesenyas na puntahan ko sila.
"Good morning po!" Bati ko sa kanila.
I sat beside my boyfriend. Ngumuso siya habang tinitingnan ang katawan ko. Napa-awang ang bibig ko. Kinuha ko ang throw pillow sa likod ko at niyakap iyon.
"What?" Angat-baba na ang balikat niya dahil sa kakatawa.
Inirapan ko nga. Kinuha ko ang coffee mug sa harapan niya. Sumimsim ako habang pinakikinggan ang usapan ng mga magulang namin.
Napag-alaman ko na maagang umalis si Drei para samahan si Dana at Danielle sa photoshoot nila.
"Where's Cassidy?" Tanong ko nang mapansin na hindi namin kasama ang kapatid niya.
He grinned and leaned closer. "She went home to study."
Oo nga pala. Homeschooled si Cassidy. Siguro ay sa Alfheim Academy siya mag-aaral pagtungtong niya sa High School.
"Tara na sa dining room mga bata! Kakain na tayo!" Ibinaba ko ang coffee mug nang ayain kami ni Tito Dwayne.
Dwight and I sat next to each other. Our parents are eyeing us every time, but I didn't mind them. Eksaherada pa nga'ng umubo si Mommy lalo na nang nilagyan ni Dwight ng pagkain ang plato ko.
"How was your sleep?" Aniya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"It was fine. Medyo masakit nga lang ang ulo ko paggising. How about you?" Nilagay ko sa plato niya 'yung beans. Ayaw ko talaga ng lasa ng beans.
Kinain niya naman iyon ng walang reklamo. "Mine was fine, too. Did you drink the medicine?"
Tumango ako. Napansin ko na masyadong malaki ang isusubo niyang bacon kaya hiniwa ko muna iyon.
"Ang sweet ng girlfriend ko!" Ngiting-ngiti siya. Halatang ipinarinig niya iyon kina Mommy kaya bigla na lang silang nanahimik.
Patago kong inapakan ang paa niya. Nabitawan niya ang hawak na tinidor sa gulat. Bumungisngis ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Hindi nagtagumpay ang pagkukunwari niyang galit sa akin dahil nahawa siya sa tawa ko.
"You, evil!" Aniya at hindi na mahiwa ng maayos ang mushroom sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...