Sina Dwight at Matt ang nagbayad sa lahat ng inorder namin. Pagkatapos ay lumabas na kami sa bar para puntahan si Ranie na busy sa pakikipag-usap kay Clifford.
Kinawayan 'agad kami ni Ranie nang nakita kaming naglalakad patungo sa kanila. Lumingon sa amin ang naka-topless na si Clifford at ngumiti.
"Siya ba talaga 'yon? Grabe! Mas gwapo pa siya kay Ranie! At ang abs?
Kanin na lang ang kulang!" Ani Danielle habang pinagmamasdan si Clifford.
Pasaway na Danielle. Nung nakaraan si Troy, ngayon naman si Clifford.
"Sixteen palang si Ranie, Danielle. Hintayin mong maging ganap na binata 'yan. Tingnan lang natin kung hindi lumuwa 'yung mga mata ng mga babaeng makakakita sa kanya," sabi naman ni Cailah.
Ang alam ko, mas matanda ng apat na taon si Clifford kay Ranie. Kung titingnan silang dalawa ngayon, lamang lang sa hubog ng katawan itong si Clifford. Siguro ay madalas ito sa gym kaya naman naging ganiyan ang kanyang pangangatawan. Pero hindi siya 'yung tipo na mukhang barumbado. Tama lang ang laki ng katawan niya para sa kanyang edad.
"Ngayon niyo lang din ba nakita sa personal si Clifford?" Tanong ko kina Dwight at Matt.
"Oo, Tania. Puro kwento lang naman si Ranie tungkol kay Clifford 'di ba?" Sagot ni Matt.
Tumango ako.
"E ikaw, Dwight?" Sabi ko sa katabi ko.
"First time lang din, but Ranie showed us some of his cousin's picture kaya namukhaan ko 'agad si Clifford kanina."
"Ang daya naman! Por que tropa tropa kayong tatlo?" Biglang sumabat sa amin si Cailah na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.
The two idiots stuck out their tongue at her. Muntik pang mag dirty finger si Cailah. Mabuti na lang at nahawakan ko 'agad 'yung kamay niya.
Sina Ranie at Clifford na mismo ang lumapit sa amin nang malapit na kami sa dalampasigan. Nakipag apir sina Dwight at Matt kay Clifford na para bang matagal na silang magkakilala.
Nakatingin ako kay Clifford habang siya ay nakikipag-usap kina Dwight. Mas maputi siya kaysa kay Ranie. Sakto lang ang kapal ng kanyang kilay. Ang mga mata niya ay malalim at nangungusap. Parang isang patibong at nasa iyo kung mahuhulog ka o hindi. At nasa kanya ang perpektong halimbawa ng labi na pangarap halikan ng mga kababaihan.
Nag-iwas 'agad ako ng tingin kay Clifford nang mapansin ko ang matalim na titig ni Dwight sa akin.
"This is Clifford Lyndon Lopez, pinsan ko," pormal na pagpapakilala ni Ranie sa kanyang pinsan.
Ngumiti sa amin si Clifford. Kakaiba ang isang ito. Mukhang marami nang napaiyak na babae. Pero malay natin kung kabiliktaran pala ng iniisip ko ang totoo.
"King Kong..." Tawag ni Ranie kay Clifford. "Sila ang mga kaibigan ko," tinuro niya kami. "Siya naman si Cassidy, kapatid ni Dwight," napatingin si Clifford kay Cassidy. "At ito naman si Andrei, kababata nina Cailah at Tania," ani Ranie sabay turo kay Drei.
Ngumisi siya kay Drei pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang iba. "Hello, guys! Nagkita din tayong lahat sa wakas!" Aniya.
Ang ganda ng speaking voice ni Clifford! Hindi masyadong malalim at hindi rin masyadong maliit. Siya 'yung tipo na kapag nagsalita ay mapapalingon ka talaga at hindi mo magagawang manghinayang lalo na kapag nakita mo ang kanyang mukha.
Magsasalita na sana si Clifford nang magtama ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya na para bang kinikilala niya ako ng mabuti.
"You must be Tania. The new Miss Alfheim?" Tumango ako. "Wow! It's an honor to meet you!" Aniya na ngayon ay hindi na matanggal ang ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...