T A N I A
One day left before Miss Alfheim 2016. Wala kaming ginawa sa mga nagdaang araw kundi ang maghanda para sa pageant. Ang aking isusuot para sa casual wear, swimwear at ang evening gown ay nakahanda na. Thanks to my dearest family and friends dahil hindi magiging posible ang lahat kung wala sila.
Sasayaw dapat ako para sa talent portion. I am very passionate about dancing kaya iyon ang pinili ko para walang sabit. But I've changed my mind, iba ang aking gagawin sa mismong araw ng pageant.
"Tania!" Napangiti ako nang makita ang mga kaibigan ko na naghihintay sa garden.
Binilasan ko ang lakad ko. Parang matataggal na ang magkabilang hita ko dahil sa aking ginagawa. Katatapos lang ng practice ng lahat ng candidates. Sasayaw kami para sa opening ng program. Ilang beses pa akong napagalitan ng bading na choreographer.
Ang bading na 'yon! Sino ba namang hindi matataranta kung ako at ako na lang ang lagi niyang tinitingnan?! Twenty kaya kami doon! My goodness!
Naabutan ko na pinapaypayan ni Ranie si Stacie habang sila ay nakaupo sa isang bench. Sina Dana at Danielle, tuluyan nang nilamon ng Snapchat. Nagmistulang paso na naman sila dahil sa effect' na ginagamit.
"Anong itsura 'yan, Tania? At bakit ba nagmamadali ka? May hinahanap ka?" Sinamaan ko ng tingin si Cailah. Por que medyo okay ka na ngayon, huh?
Bilib din naman ako dito kay Matt, lahat talaga ginagawa niya para mapasaya si Cailah. Lagi niya itong kinakausap at inaaliw. Kung saan saan pa niya dinadala ang pinsan ko.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cailah. Pagod akong tumabi sa kanya. Naririnig ko pa ang tibok ng puso ko dahil sa pagod.
"Drink this. I know you're tired," inabot ni Dwight 'yung bottled water. Umupo siya sa tabi ko.
"Thanks," hinihingal kong sinabi.
Sumilip sa amin si Matt. "Dude, lumipat kayo sa ibang bench! Sa amin 'to ni Cailah."
Lumipat kami ni Dwight sa bench sa tapat. Habang iniinom ko 'yung tubig, napalingon ako sa gilid ko at nakitang nakakunot ang noo ni Dwight habang nakatitig sa akin. Napatayo ako nang may tubig na pumasok sa loob ng ilong ko.
Shit!
"I didn't know that there's a mouth inside your nose! Amazing, Tania!" Ani Dwight na tuwang-tuwa pa sa nangyari. Tumayo siya at lumayo.
Nilagyan ko ng takip 'yung bote. Pinindot ko ang ilong ko gamit ang kaliwang kamay. Masakit talaga. Nasa loob pa 'yung tubig!
Nilakad ko 'yung distansya namin ng unggoy na tawa pa din ng tawa hanggang ngayon. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. Sakto namang humarap siya nang ihahampas ko na 'yung bote kaya 'agad niya itong naiwasan.
"Bwisit ka! Tawa ka pa ng tawa! Tuwang tuwa ka pa dahil nasinghot ko 'yung tubig! It was your damn fault! May patingin tingin ka pang nalalaman!"
Tumawa ulit siya. "Watch your mouth, beautiful. It was your fault! Kung sana ay hindi ka tumingin, hindi mo makikitang nakatingin ako. Hindi dapat masisinghot ng ilong mo 'yung tubig."
Aba! Nag explain at nangbola pa talaga?!
Hawak ko ang aking ilong habang hinahampas siya. Hindi man lang siya natitinag! Tawa pa din siya ng tawa habang sinasalag ito.
Nakakainis! Bakit ayaw tumama?! Kahit sa mukha man lang!
Umirap ako. Babalik na sana ako sa bench, pero bigla niyang hinigit ang braso ko.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...