Chapter 23

537 34 52
                                    

Nagising ako sa pagtapik ni Dwight sa pisngi ko. Aniya'y may pupuntahan kami. Ito na daw ang surpresa sa amin ni Ranie—ang premyo noong nanalo siya sa palaro sa anniversary ng restaurant nina Cailah. 

Halos hindi ako makabangon kaya kinailangan akong buhatin patayo ni Dwight. Hirap na hirap ako dahil isang oras lang ang tulog ko. Nag shower muna kami ni Cailah bago bumaba. Naka-messy bun lang ang aking buhok. I wore a monki striped crop top, studded high waisted shorts, and white sneakers. Inilabas ko din ang aking sling bag. Nasa loob na nito lahat ng mahahalagang bagay na kailangan ko.

Napatingin ang lahat pagdating namin ni Cailah sa living room. I could feel Dwight's gaze traveled up and down my body.

"You're showing too much skin," blong niya pagka-upo ko sa tabi niya.

Sumandal sa balikat ko si Cailah. Nakapikit ang mga mata niya. Antok na
antok talaga siya.

"Okay na 'to, Dwight. Ito na ang nahatak ko, eh."

Nakipag titigan pa siya sa akin na para bang gusto niya akong magpalit ng damit. Umiling ako.

He sighed. "Fine. Fine." Bumulong-bulong siya. "Sexy na nga, sexy pa yung suot."

Ngumuso ako, pero nauwi rin 'yon sa ngiti.

Inilapag ni Danielle 'yung tray sa center table. "Coffee muna kayo."

"Thanks!" Sabay-sabay naming sinabi.

Kinuhanan muna ako ni Dwight ng sa akin bago siya kumuha ng kape niya.

"Ano'ng trip ng parents natin?" Papungas-pungas na sinabi ni Ranie. Hinilot-hilot niya pa ang kanyang sentido. Malamang masakit ang ulo niya ngayon.

Pagka-uwi namin galing sa school, alak na 'agad ang inatupag nila. Isang bote lang ng San Mig Light ang ininom ko dahil binabantayan ako ni Ddaddy. Wala namang kaso kay Mommy kaso ang KJ talaga ni Dad. Sina Cailah naman, naubos 'ata 'yung pinaka-malaking bote ng Jack Daniel's kaya sabog silang lahat ngayon. Samantalang pa-wine wine lang ang mga magulang namin. Si Dwight ay hindi uminom, nag kwentuhan lang kami hanggang sa nakatulog ako.

"Basta nag sama-sama sila, hindi malabong mangyari ang mga bagay na kagaya nito," si Stacie na nakapikit sa tabi ni Ranie.

"Dude, alam mo ba kung saan nila tayo dadalhin?" Tanong ni Matt kay Dwight.

Nag-abang ang lahat sa isasagot niya. Ako naman ay hindi na kumibo. Marahil ay magkukunwaring walang alam sina Dwight at Ranie para ma-surpresa ang iba.

Umiling 'yung katabi ko. "Sorry guys. They didn't tell me where we are going."

Hinihintay na lang namin ang aming mga magulang. Nasa taas pa rin silang hanggang ngayon. Ang sabi ni Dwight, wala na kaming dapat alalahanin dahil nakahanda na ang mga kakailanganin naming lahat para sa trip to wherever na 'to.

Napunta ang atensyon naming lahat sa pinto. Napako na 'ata 'yung mga pwet namin sa couch kaya walang tumatayo. Tiningnan ko ang patay malisya na si Drei. Umiling siya saka naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan 'yung kumakatok.

Ang tagal niyang nakatanga habang nakatingin sa kung sino man ang nasa labas.

"Come in," aniya.

"Good morning, guys!" It's Dana!

Umuwi nga pala sila. Ang sabi niya sa amin ay may business trip ang parents niya kaya sasama siya. Nginitian niya ako nang madaanan. Siguro si Danielle ang pumilit sa kanya kaya nandito siya ngayon.

"Good morning, Dana!" Everyone greeted.

She sat beside Danielle. Ang nasa kaliwa naman niya ay si Drei. Inalok siya nito ng kape na 'agad niyang tinanggap.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon