Chapter 51

335 23 1
                                    

Isinabay sa araw ng Bagong Taon ang araw ng fashion show nina Dana at Danielle. Ang ilan sa mga kinikilala sa fashion industry ay imbitado. Even the Dubai-based Filipino designer is here, too. May mga miyembro ng media na pakalat-kalat sa paligid. Ang iba ay mga miyembro na ng security team.

"Tania, okay ba itong suot ko? Itong bulaklak kaya? Magugustohan ba ni Dana?" Hindi mapakali ang nasa harapan kong si Drei. Kanina pa niya inaayos 'yung coat and tie na suot niya.

I snapped. "You look great, Andrei! And how many times do I have to tell you na paborito ni Dana ang tulips?"

"Fine. You don't need to shout," kinarga niya 'yung bouquet na parang sanggol at bumalik na sa upuan niya.

Ang pwesto namin ay sa kanang bahagi ng runway. Ang mga magulang naman namin ay nasa kaliwa. Nasa kaliwa ko si Cailah. Ang upuan naman sa kanan na para kay Dwight ay bakante pa rin hanggang ngayon.

I checked the time. The fashion show is about to start. Where the freakin' hell is he? Kahit ang mga magulang at kapatid niya ay wala pa rin.

"Cailah, sumagot ba si Dwight sa text o tawag mo?" Nag-aalala kong tanong.

"Hindi, eh. Sorry, Tania," aniya at kinausap ang mga kaibigan namin para tulungan akong ma-contact si Dwight.

Kinuha ko 'yung cellphone ko kay Cailah. Nakaka-ilang tawag na ako sa numero ng buong pamilya ni Dwight. Kagabi ay kinumpirma niya pa sa akin na pupunta sila. Natitiyak ko na may hindi magandang nangyari.

Nang umakyat sa stage ang Mommy ni Danielle na magsisilbing host ay kinabahan na ako.

Kinagat ko ang daliri ko. "C-Cailah, magagalit ba sina Dana at Danielle kung aalis ako?"

Pinatayo kaming lahat. Ang likot likot ko na sa pwesto namin. Napansin na rin iyon nina Daddy at Mommy. I texted them immediately.

To: Mommy; Daddy

I have to go, Mom and Dad. I'm sorry, mamaya na lang po ako magpapaliwanag.

"Magtatampo, oo. Bakit? Pupuntahan mo ba si Dwight? That is suicide, Tania!" Hinawakan ni Cailah ang braso ko para pigilan ako.

"Tania, patapusin mo muna ang show bago ka umalis. Our friends needed our support. On behalf of Dwight, you need to stay here," ani Stacie.

Bigo akong umupo. Dumilim ang mga ilaw. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga modelo suot ang mga gown na dinisenyo nina Danielle at Dana.

Binasa ko ang reply ni Mommy sa text ko.

From: Mommy

Akala ba namin aalis ka, anak? -Mommy and Daddy

Binilisan ko ang pag-re-reply ko.

To: Mommy

Naudlot po. Mamaya na lang pala.

Itinutok ko ang atensyon ko sa runway kahit blangko ang utak ko. Pinapalakpakan ko 'pag maganda 'yung suot na gown ng modelo. Lahat naman ay magaganda, pero mayroon talaga na namumukod-tangi sa lahat.

Nang lumabas sina Dana at Danielle ay tumayo kami. Maging ang Filipino designer sa 'di kalayuan ay napatayo nila. Humihiyaw ako habang kinukuhaan sila ng video. They carried themselves with beauty and elegance. No wonder... They really are supermodels!

"Beautiful!" Sigaw ni Clifford habang nakatutok ang kaniyang cellphone sa runway.

Isa-isang lumabas ang mga naunang modelo kanina. Tumayo na ang lahat ng tao para pumalakpak. Bigla na lang bumuhos ang mga confetti galing sa itaas. May mga dumikit pa sa katawan ko dahil sa inilagay na body lava na inilagay nina Katy at Perry kanina.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon