Chapter 35

338 24 34
                                    

Tahimik ang lahat. Walang nagtatanong at ang tanging naririnig lang ay ang ingay na nagmumula sa air con. Lahat ay nagpipigil na magpakita ng kahit na anong reaksyon.

I clenched my fist. Johnny... I couldn't forget what you did. I will never forget everything.

Tapos na ang pagtuturo ko kay Johnny para sa araw na ito. Natutuwa naman ako dahil napakalaki ng improvement niya simula nang turuan ko siya.

"Thank you, Tania. Mauuna na 'ko, ha? Aniya at nagsimula nang magligpit ng kanyang mga gamit.

Tumango ako. "Sige. Ingat ka, Johnny."

Pinanood ko siya hanggang sa matapos siya sa pagliligpit. Tumayo ako para sabay na kami maglakad pabalik sa tambayan.

"Hindi ka na ba kakain, Johnny?"

"Sa bahay na lang, Tania. Nagmamadali ako, eh."

Pababa na kami sa pavilion nang mapansin ko ang maliit na bagay na nakadikit sa guitar keychain na nakasabit sa bag ni Johnny. Napakaliit niyon kaya hindi mapapansin kung hindi ito lalapitan at tititigan ng mabuti.

"Ah, Johnny..." Napalingon siya sa akin.

Mukhang hindi niya alam iyon kaya nag-seryoso ako.

"Wala lang. Gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka."

Ngumiti siya. "Oo, Tania. Salamat!"

Naglakad na ulit siya. Nagpa-iwan naman ako at saglit na natulala. Bakit may tracker sa keychain niya? Kanino galing 'yon?

"Tania!"

Napatingin ako sa patio. Nandoon si Cailah at tinatawag niya na ako. Nakapasok na rin sa loob ng tambayan si Johnny.

"Eto na!" Tumakbo ako papunta sa kanya.

Sumimangot siya. "Ang tagal mo naman! Ba't tulala ka?"

Pinilig ko ang ulo ko. Hahayaan ko na lang muna ang nakita ko...

Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa cellphone. Alam kong nakikinig si Johnny kahit hindi siya nagsasalita. Tanging malalalim na paghinga lang ang aming naririnig mula sa kanya.

"Tania, what are you talking about? Walang ebidensya na magpapatunay sa lahat ng paratang mo sa akin!" Bakas na ang galit sa tinig niya pero wala akong pakialam.

"Umamin ka na lang Johnny dahil baka kung saan pa mapunta ito."

"Ano ba'ng sinasabi mo, Tania?" Tumawa siya. Nagmamaang-maangan ka pa, Johnny.

Napatingin ako kay Dana. Tulala ito, tila hindi pa nagsisink-in ang lahat sa kanya. Gulat naman ang mababakas sa mga mukha nina Stacie.

"Paano mo 'ko nagagawang husgahan?" Johnny added.

Tumawa si Ranie. Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil siya sa pagtawa. Alanganin naman ang tingin ni Matt sa akin.

Maaga kaming umuwi sa araw na 'yon. Pagkatapos kumain ay kasama ang ibang estudyante ay umuwi na kami. Pagkarating ko sa bahay ay 'agad akong nagpalit ng damit dahil sasamahan ko si Mommy sa ospital. Ngayon kasi ang appointment niya sa kanyang doktor.

"Kinakabahan ako, anak," ngumiwi si Mommy habang naglalakad kami papasok sa ospital.

Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay. "Don't worry, Mommy. Everything's gonna be alright. Ako muna si Daddy ngayon."

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon