Chapter 33

380 23 1
                                    

C A I L A H

We arrived in the school at exactly six in the morning. Baka sakaling nandito na si Tania kaya inagahan namin. Pero bago kami pumunta dito, dumaan muna kami kina Dwight para ihatid si Cassidy.

Nagpaalam 'agad sa amin si Dana. Tinitigan ko siya habang naglalakad palayo. The deafening silence that took over us is shrilling. Sigurado akong magulo na rin ang isip ng mga kasama ko dahil sa nangyayari sa amin ngayon.

"You might want to take a look at this..." Napalingon kaming lahat kay Stacie. Hawak niya ang isang maliit na piraso ng papel habang naka-talungko sa harap ng isang paso.

Lumapit kaming apat sa kanya.

"Ano 'yan, Stacie?" Tanong ko habang pilit na binabasa ang nakasulat sa papel.

Tumayo siya at ibinigay sa akin ang papel. Sabay-sabay naming binasa ang nakasulat doon.

Clothing brand

Clothing brand?

"Sulat ni Tania ito," sabi ni Danielle.

"Sa tingin niyo, kagabi pa ba 'yan nilagay sa paso o ngayon lang?" Tanong ni Matthew habang nakatingin sa papel.

"Ngayon lang ito. Kung kagabi pa, wala nang oras si Tania para ilagay ang papel sa paso," I said while I was scratching my thumb on the ink. "See? Kumalat ang tinta ng sign pen na ginamit niya."

Pinagkaguluhan nila ang papel para masiguro kung totoo nga ang sinabi ko.

"Kung anu-anong sinulat ni Tania! Sana 'Hi, guys! Miss ko na kayo kaya babalik na 'ko!' na lang!'" Now, Ranie is furious.

Sinamaan siya ng tingin ni Stacie. "Manahimik ka nga, Ranie. Obvious naman na clue ang nakasulat diyan sa papel." 

Bago pa man kami makapagsalita ay bumuhos na ang malakas na ulan.

"Tara na sa tambayan, guys!" Ani Matthew.

Wala kaming choice kundi ang takbohin ang pathway. Kanya-kanya kaming punas nang makarating kami sa maindoor. Si Ranie naman ang nagbukas ng pinto.

Kumuha 'agad ako ng mga tuwalya pagkapasok sa tambayan. Ang iba naman ay dumiretso sa living room.

Naligo ulit sina Ranie at Matt dahil silang dalawa ang pinaka-nabasa sa aming lahat. Hinubad kasi nila ang mga coat nila para ipahiram sa aming mga babae.

"Gagawa muna kami ng hot chocolate ni Stacie, Cailah," paalam ni Danielle.

Bago sila tumungo sa kusina, pina-hubad ko muna sa kanila ang mga coat nila para maisampay ko. Kasalukuyan kong hinuhubad ang coat ko nang tumunog ang door bell. Binuksan ko agad ang pintuan. Tumambad sa akin ang basang-basa na si Audrey.

"Good mo—" Bigla siyang bumahing. "S-Sorry."

"Okay lang. Pumasok ka na, Audrey," tumango siya at sumunod sa akin papunta sa living room.

Kinuha ko ang isang tuwalya at ibinigay sa kanya. Pagkatapos ay sabay kaming umupo.

"Magpunas ka muna. Gumagawa pa sina Stacie ng hot chocolate."

"Thanks," aniya.

Pulang-pula ang ilong at ang ilalim ng kanyang mga mata. Bukod doon ay maluha-luha rin ang mga ito.

Pinagmasdan ko siya sa kanyang ginagawa. "Bakit ba basang-basa ka? Malapit lang naman ang main gate sa tambayan."

"Galing kasi ako sa meeting room. Bigla na lang umulan ng malakas kaya tumakbo na lang ako papunta dito," patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng kanyang buhok. Siya pala ang pinaka-nabasa sa amin.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon