Chapter 37

356 22 15
                                    

Panay ang interview ko kay Dwight habang nasa biyahe at kahit nakarating na kami kina Cailah ay hindi ko siya tinigilan.

"Kailan ka pa naka-uwi?"

Tinulungan niya ako sa mga gamit ko. Umakyat kami sa second floor at binuksan ang pinto ng isa sa mga guest rooms doon.

"Ngayon lang, Tania," nakangisi niyang sagot sa akin.

"Sinabi mo sa akin na bukas ka pa makaka-uwi, ah!" Pabiro kong hinampas sa kanya ang unan.

He smirked. "I wanted to surprise you, that's why..."

Kinuha ko sa kanya ang bag ko. Inilabas ko ang mga gamit ko at inilagay ko ang mga iyon sa loob ng closet.

Nang matapos ako sa mga gamit ko ay napagpasyahan naming bumaba na. Sabi ni Dwight ay doon din siya matutulog dahil dalawang kama naman ang nandoon.

Naabutan namin sina Tita Mae at Tito Cyle sa baba. Kumaway ako. Kakarating lang nila galing sa restaurant. Ang sabi ni Cailah ay magiging abala ang kanyang parents sa mga susunod na buwan dahil sa bagong branch ng kanilang restaurant. Kasalukuyan itong under construction. Magkakaroon din sila ng sariling cooking show sa isang sikat na TV channel.

"Tania, hija! How's your mom?" Salubong sa akin ni Tita Mae. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nag-mano naman ako kay Tito Cyle.

Ganoon din ang ginawa ni Tita Mae kay Dwight. Hinila ni Tito Cyle si Dwight at kinausap ito. Panay ang sulyap sa akin ni Dwight.

"She's fine, Tita. Apat na buwan na ang tiyan niya bukas."

Nagningning ang mga mata ni Tita Mae. "Excited na ako! May bago na kaming pamangkin!" Kinurot-kurot niya pa ang pisngi ko.

Inawat ni Tito Cyle ang asawa. Hinawakan ko ang namamanhid kong pisngi. Napa-kamot na lang sa ulo si Tito.

"'Wag mong panggigilan ang bata," may ibinulong siya kay Tita Mae. Nanlaki ang mga mata ni Tita Mae saka siya tumango at tumingin sa amin ng nakakaloko.

"O siya mga bata! Magpapahinga na kami ng Tito niyo. Maaga pa kami bukas, eh. Kayo na ang bahala dito ha," ani Tita Mae at binigyan ng halik si Cailah. Ganoon din ang ginawa ni Tito Cyle sa anak.

Hindi sinasadya ng mga mata ko na mapatingin sa boys. Naka-ngising aso ang tatlo habang pinagmamasdan sina Tito at Tita na umaakyat sa hagdan.

"Cailah, may kakaiba sa parents mo," mahinang sinabi ni Danielle.

Ngumiti si Cailah. "Hayaan niyo na! Gan'yan sila gabi-gabi," puno ng kahulugan niyang sinabi. 

Naiintindihan namin ang sinabi ni Cailah kaya tumango na lang kaming lahat.

Nagpaalam sa amin sina Cailah at Matt. Magluluto na daw sila. Kami naman ni Dwight ay tumabi kina Stacie. Abala sila sa paglalatag ng board game sa center table.

"Wala kaming nabiling alak for you, girls," saad ni Ranie. "Kung gusto niyo ng Blue Label, pwede kayong maki-join sa amin."

Nag-reklamo 'agad sina Dana. Tumawa naman si Stacie kaya napatingin ako sa kanya.

"Meron silang binili. Sira ulo lang talaga si Ranie," bulong niya sa akin.

Dinampot ko ang dice at ibinato iyon kay Ranie. Doon napag-tanto nina Dana na niloloko lang sila ni Ranie.

"Fuck—ouch! Tania?! Masa—" tumikhim si Dwight kaya nanahimik si Ranie.

"Sinungaling ka talagang loko-loko ka!" Sinimangutan ni Danielle si Ranie.

Itinigil ni Ranie ang pag-alog sa mga dice at hinarap si Danielle. "Aba, Danielle! Dapat ay namnamin natin ang moment na 'to coz we're here to celebrate! Dana's back so we should be thankful for that!"

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon