Hiding my true feelings for three years was never easy. Ika nga ni Stacie, I am not a great pretender. There were times when I couldn't sleep at night. Ang gagawin ko ay tititigan na lang ang picture namin ni Dwight at iiyak magdamag.
That was my routine before. And I wasn't expecting that it would change. The right time has come for me and Dwight. We are officially in a relationship. Ang nakakagulat pa ay hinayaan na kami ng lolo niya. I have no idea what had happened between them, but I am more than happy because finally, we could be together.
Hindi namin malalagpasan ang lahat ng pagsubok kung wala ang tulong ng aming mga pamilya at ng aming mga kaibigan. We are truly blessed to have them. They knew how hard I cried for him and they didn't leave me. They helped me realize that I should not give up on him. We fought for our love and this is what we deserved—to be happy.
Marami akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan namin. Those experiences served as an eye opener not just for us, but for everyone. Life is really great so, we value every single moment while it lasts.
The person you will love the most is the same person who will cause you so much pain. At si Dwight? He is one of the greatest decisions I've ever had, no matter what. I've wanted him so badly, and finally, I have him. More than he could ever imagine. Naniniwala ako na kakayanin naming harapin ang lahat ng pagsubok basta ay magkasama kaming dalawa.
"Tama na 'yung pag-e-emote mo diyan, Tania!" Lumagpas 'yung lipstick sa labi ko. Bigla na lang pumasok si Cailah. Kahit kailan talaga ay istorbo siya.
She gracefully walked towards me kahit na bigat na bigat na siya sa suot na pulang ball gown.
"Saglit lang, Madame. Matatapos na," umismid siya sa sinabi ko. Kinuha niya 'yung pulang lipstick at siya na ang naglagay sa labi ko.
"Kung ikaw ang maglalagay nito, aabutin ka pa ng isang taon," aniya.
Pinagdikit ko ang mga labi ko pagkatapos niya akong malagyan. Tinulungan niya pa ako sa pagtayo dahil masyadong mabigat ang ball gown na suot ko.
"Nasa venue na 'yung iba. Most punctual talaga 'yung mga 'yon," iilingiling siya habang bumababa kami sa hagdan.
Tumikhim ako nang nakita si Dwight sa paanan ng hagdan. Sa kabilang gilid naman ay si Matt na inaabangan din si Cailah.
Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. "Ang pogi mo naman po!" Tukso ko sa kaniya.
Sanay na akong nakikita siyang naka-tuxedo, pero iba talaga ang dating niya ngayong gabi. Maybe because he's just really happy. Magaan na ang pakiramdam niya dahil wala nang problema.
"I'll bet, you are the most beautiful girl tonight," aniya at hinalikan ako sa pisngi.
Ngumiti ako. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako 'pag PDA kami. Mukhang sanay naman na ang mga magulang at ang mga kaibigan namin.
"Punta muna tayo sa garden para sa picture!" Ani Tita Mae. Hawak na ni Tito Cyle 'yung tripod. Kanina pa nila pinaghahandaan ito.
Tumulo ang luha ng emotional kong Mommy. "This is your last prom, anak. Hayaan mo, pwede pa rin kayong mag-prom dito sa bahay natin."
Nagtawanan kami. Inakbayan siya ni Daddy at binulungan. Mukhang rated SPG 'yon kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.
Pagdating namin sa garden ay nandoon na sina Tito Dwayne, Tita Duane at Cassidy. Niyakap ko si Cassidy.
"Sana ay kasama niyo ako ngayon. I wanted to experience it, too!" Nalukot ang mukha niya.
I tapped her head. "Malapit kana rin mag-prom, Cassidy. You'll experience this, too. Twice pa nga, eh."
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...