Chapter 9

636 37 19
                                    

T A N I A

Pagdating namin sa bahay ay kausap ni Mommy ang mga magulang ni Drei. Humalik ako sa aking mga magulang at nagpaalam muna na aakyat sa kwarto. Naiwan si Drei doon dahil kakausapin pa siya ng mga magulang niya.

Drei's my childhood friend. Bumalik siya dito para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Ang sabi niya ay nababagot na siya sa England kaya siya umalis doon.

Kanina ay sinamahan ko siya sa mall para bilhan ng regalo ang kanyang nakababatang kapatid. Kaarawan kasi niya sa isang linggo kaya ipinadala na 'agad ni Drei 'yung regalo kanina. Biniro pa ako ni Drei na lipstick ang ibibigay niya, pero umalma ako. Ang bata pa ng kapatid niya para doon. Katwiran niya'y pareho kami ng hugis ng labi kaya niya naisipan iyon.

Kinabukasan ay isinama ko si Drei sa tambayan. Sina Stacie, Cailah, Ranie, at Matt pa lang ang naabutan namin doon.

"Good morning sa inyo!" Bati ni Drei sa kanila.

"Good morning!" Sabi ni Cailah habang nakatitig sa amin ni Drei. May mali sa titig niya.

"Hi! Good morning din!" Stacie greeted back.

Tumango lang si Matt. Si Ranie naman tahimik lang na nakatitig sa kasama ko.

Umupo ako sa couch na inuupuan ni Stacie. Uupo na sana si Drei kaya lang ay naunahan siya ni Ranie.

"Hi! Tania, kamusta?" Kausap niya ako, pero kay Drei siya nakatingin.

Sa kabilang couch na lang umupo si Drei dahil pina-ulanan siya ni Ranie ng matatalim na titig.

"Okay na sana ako kung hindi mo lang siniksik 'yung katawan mo sa tabi ko!"

Humagalpak naman siya. "Oh! Come on! Ayos lang 'yan! Ano nga pala nangyari sa lakad niyo kahapon?"

Nang dahil sa tanong ni Ranie, nasamid si Cailah sa iniinom niyang strawberry juice. To the rescue si Matt at 'agad lumitaw ang panyo sa harap ni Cailah.

Binaling ko ang atensyon ko sa pinsan ko na hindi mai-pinta ang mukha habang nakatingin sa nananahimik na si Ranie.

Ang weird nila!

"Drei, lipat kana dito," sinunod naman niya ang utos ko kaya magkatabi na kami. Umirap si Ranie dahil pinaalis ko siya.

"Stacie, anong oras darating sina Danielle?" Tanong ko.

"I don't know. Late 'ata sila," sagot niya sa kalagitnaan ng pagkain.

Tumango na lang ako at humarap kay Drei. "Twenty minutes pa bago kita ihatid sa room mo."

"Ano siya, bata?"

Lahat kami ay napatingin kay Dwight na kararating lang. Napansin ko naman na mabilis na umalis si Stacie sa inuupuan at lumipat sa kabilang couch.

"Hindi niya pa alam kung nasaan ang room niya."

Umupo siya sa pwesto ni Stacie kanina. Nasa gitna nila akong dalawa ni Drei.

He smirked. "Really? Then, what's the point of having a school map?

Hindi ba siya marunong gumamit niyon?" "Oo nga naman!" Sabat ni Ranie.

Narinig ko si Matt na tumatawa sa gilid ni Ranie. Samantalang napabugha na lang ng malalim na hininga si Stacie.

Bumaling ako sa kanya. "Hayaan mo nga ako. Manahimik ka na lang dyan. Hindi naman ikaw ang maghahatid eh, ako."

"Tania, alis na kaya tayo," bulong sa akin ni Drei.

Lumapit ako sa kanya para bumulong rin. "Mamaya na. Excited ka."

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon