Sabay- sabay kaming lahat pumasok sa school. 'Agad kaming pinalibutan ng ibang estudyante para batiin. Ang iba ay nakuha pang magpa-picture.
Nahagip ng paningin ko si Ian. Kasama nito ang bagong girlfriend niya. Lantaran sila kung maghalikan. Para silang may sariling mundo. Napa iling na lang ako. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko si Cailah. Nakatingin din siya kina Ian. Sobrang lungkot ng mga mata niya. Nagpa-ganda pa naman ang pinsan ko, umaasa na mapapansin ng crush niya.
"Guys, pupunta lang ako sa library. Mauna na lang muna kayo," paalam ko. Umalis 'agad ako para hindi na sila sumama.
Pagdating ay tiningnan ko ang kabuuan ng library. 'Tulad ng inaasahan, kaunti pa lang ang mga estudyante na nandito. I heaved a sigh. College na kaming lahat sa susunod na taon. Ito ang pinaka-mamimiss ko bukod sa tambayan namin. Madalas akong pumupunta dito para makapag-isip ng mabuti.
Umupo ako sa pinaka dulo. Tanaw mula dito ang mga estudyanteng pumapasok sa main entrance ng Alfheim Academy.
Isinandal ko ang aking likuran sa upuan at humalukipkip. Hindi maalis sa isip ko 'yung eksena kanina. Nag-aalala ako para kay Cailah. Sana'y matalo ng kanyang katalinuhan ang nakaka-tanga'ng pag-hanga niya kay Ian.
Ilang minuto na ang lumipas nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ang aga mo, Tania," lumingon ako. Si Johnny pala. Umupo siya sa upuan na nasa harap ko.
Nginitian ko siya. "Ikaw din. Ang aga mo."
"Ah, Tania?" Napakamot siya sa ulo niya.
"Ano 'yon, Johnny?" Napapansin kong may gusto siyang sabihin kaya lang parang umuurong ang dila niya.
"A-Ano, pwede ka ba sa S-Sunday?" Balak ba niyang makipag-date sakin?
"Hindi siya pwede..."
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Johnny.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Bulong ko pagka-upo niya sa tabi ko.
"Sinusundo kita," ang mga mata niya'y nananatili kay Johnny.
Bumaling ako kay Johnny. Ramdam ko kasing naiinis na siya. "Pwede ako sa Sunday," nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Salamat, Tania. Susundui—"
Dwight interrupted him. "Narinig mo ako 'di ba? Hindi siya pwedeng makipag-date."
Ngumisi si Johnny. "At bakit hindi siya pwede?"
Nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila. Nakatingin na rin ang ibang estudyante sa amin. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang sumusulpot ang isang 'to?
"Simple lang. May importanteng bagay siyang gagawin," kinuha ni Dwight ang bag ko saka ako hinila palabas ng library.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Hawak niya pa rin ako sa braso.
"Malalaman mo pagdating sa bahay," he said calmly.
Nakatingin sa amin ang mga estudyanteng nakaka salubong namin. Kung anu-ano na sigurong iniisip ng mga 'yon. Pambihira talaga!
"Tania! Good news!" Iyan 'agad ang bungad sa akin ni Ranie pagka pasok namin sa tambayan.
"Maupo ka, dali!" Balak pa akong hilain ni Danielle.
Bakit excited silang lahat?
"Bakit ba 'yon? May nangyari ba?" Tanong ko pagka-upo sa couch. Umupo sa tabi ko si Dwight.
"Wala naman. May mangyayari pa lang!" Nakangiting tugon ni Dana.
Nagtataka akong tumingin sa kanila. "Ano'ng ibig niyong sabihin?"
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...