S T A C I E
Papunta na kami sa bahay ni Dana. Pagkatapos kasi ng lunch, nag-aya na silang dalawa ni Danielle. As usual, kasama na naman si Andrei.
"Hindi ka naman siguro spy 'no?" Napatingin kami kay Ranie. Si Andrei
pala ang kausap niya. Nasa likod siya kasama si Matt at si Dwight."Bakit mo naman nasabi 'yan?" Si Tania ang sumagot.
Natawa ng bahagya si Ranie. "4-B siya. Malay ba natin kung inutusan 'yan ng mga kaklase niya."
May point siya...
Dwight butted in. "That's what I'm thinking right now."
"Oo nga naman! Nako, siguraduhin mo lang na walang makaka alam nito, ha?" Ani Matt.
"Hindi ako spy. Gusto ko lang talaga sumama. Hindi naman siguro masama 'yon 'di ba?" Pinagtanggol ni Andrei ang sarili niya.
"Pwede ba, wag niyong pag-isipan ng masama si Andrei. Kaibigan namin siya ni Tania," sabi naman ni Cailah.
Natahimik 'yung tatlo sa likod. Walang kaalam-alam sina Dana na may naganap na pagtatalo dahil mas malakas pa 'yung kanta na pinakikinggan nila sa mga headphones nila kaysa sa mga boses namin.
Pagdating kina Dana ay nagpa-iwan ako sa sasakyan. Napansin ko kasi na nawawala ang isang pakaw ng hikaw ko. Mabuti na lang at pagka-yuko ko, nakita ko 'agad ito. Lalabas na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Binasa ko ang text message.
From: Unknown
You should smile often. Mas lalo kang gaganda :)
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako pagka-basa sa text na 'yon.
To: Unknown
I will. Thank you!
"O, bakit ang tagal mo?" Bungad sa akin ni Cailah. Nandito silang lahat sa living room.
"May hinanap lang ako saglit," sagot ko bago umupo sa tabi niya.
Nahagip ng paningin ko si Dwight na nakatingin lang kina Tania at Andrei. Napansin ko din na panay ang tingin niya sa dibdib ni Tania. Minamanyak ba niya ang kaibigan ko?
Dahil curious ako, tumabi ako kina Matt. Sinadya ko talagang mag-iwan ng kaunting espasyo sa pagitan namin ni Dwight.
"Masikip na kami dito, Stacie!" Reklamo ni Matt. Napatingin tuloy sa amin si Cailah.
Bumulong ako sa kanya. "May gagawin lang ako. Lumipat kana doon sa tabi ni Cailah, solo—" Tumayo 'agad siya at tumabi kay Cailah. Hindi man lang ako pinatapos magsalita.
"Ano'ng pinag-usapan ninyo ni It-Logan?" Bigla na lang nagsalita si Ranie kaya napalingon ako sa kanya.
"Basta. Wala ka na doon."
Dahan-dahan akong lumapit sa tabi ni Dwight. Mukha namang wala siyang pakialam dahil na kina Tania ang atensyon niya. Mabuti na lang din at nakaheadphones siya.
Takang- taka naman si Ranie sa ginagawa ko kaya lumapit din siya sa akin. Kaya ang nangyari, heto kami at naka siksik kay Dwight.
Pa-simple akong tumingin sa dibdib ni Tania. Ano ba'ng meron doon? Sadyang manyak lang 'ata talaga itong si Dwight!
"Bakit mo ba 'yon tinitingnan?" Nagulat ako nang bumulong si Ranie.
Nilingon ko siya. Muntik ko pa talagang mahalikan 'yung pisngi niya!
"Umusog ka nga!" I said through gritted teeth.
Napansin ni Cailah ang ginagawa ko. Tumingin siya sa pinsan niya saka ibinalik ang tingin sa akin habang naka-kunot ang noo. Sumenyas na lang ako na 'wag niya akong intindihin.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...