Chapter 29

415 30 63
                                    

Gabi na nang nakauwi kami ni Drei sa bahay. Nagkaroon kasi kami ng kaunting salu-salo sa tambayan para sa matagumpay naming pagtuturo sa ibang estudyante sa loob ng limang araw.

"Tania, I'm so tired. Matutulog na ako," tired daw si Drei, pero nasa cellphone ang kanyang atensyon.

Palagi nalang busy sa cellphone. Hmmm...

Bago ako pumasok sa kwarto ko, naisipan kong pumunta muna sa master's bedroom. I opened the door. Nakaharap si Mommy sa television. Hawak ng kaliwang kamay niya ang iniinom na Chuckie. Sa kabila naman ang telepono. Sigurado akong kausap niya si Dad and it looked like they were having a serious conversation.

"Loves!" Napatalon ako sa biglaang pag sigaw ni Mommy. "Wag ka na muna umuwi! Hin—What?! Sa itsura kong ito? Anong kabit?! Gago! Tanong mo pa sa anak natin kung meron, eh!"

I shook my head. Dahan-dahan kong sinara ang pinto. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng aking kwarto.

Dumaan ang araw ng Sabado at Linggo. Dapat ay puspusan na ang pag-aaral ko, pero hindi 'yon ang nangyari. Tuwing mag-aaral ako ay natutulala lamang ako. Tititigan ko ang mga reviewer tapos mawawalan na ako ng gana. Palaging ganoon ang nangyayari kaya hindi na lang ako nag-aral para sa darating na pagsusulit.

Araw ng Lunes. Ang araw na pinakahihintay ng iba at ang araw na hinding-hindi gugustuhing dumating ng karamihan.

"Good morning," napahinto ako sa paglalakad. Boses at amoy pa lang ay kilala ko na kung sino ang nasa likuran ko.

Lumingon ako. I greeted Dwight with a smile. "Good morning, Dwight!" 

Tinanggal niya ang mga kamay sa loob ng mga bulsa ng pantalon at lumapit sa akin. Napatalon ako nang hinawakan niya ang badge ko kaya bumaba ang tingin ko doon. Tabingi iyon kaya inayos niya. I looked up and I noticed that serious expression on his face.

"You didn't fix it properly. Ingatan mo ng mabuti ang badge mo," he said in a serious tone.

Tumango ako. "I-I will. Thank you..."

Dwight finally looked at me. He patted my head and smiled. "Silly... No problem. I don't want you to lose your badge. That's your treasure."

Our eyes met. May kung ano akong naramdaman... The rivalry between the two of us is over. Long time ago...

"Ang aga naman niyan!"

Pareho kaming napalingon ni Dwight sa likuran namin nang narinig ang boses ni Ranie. Kumpleto na kami!

"Good morning, guys!" Kinawayan kami ni Danielle.

"Good morning!" I greeted back.

Sinilip ko ang nasa likuran niyang sina Dana at Stacie. May binabasang libro si Stacie. Nakikibasa naman si Dana. Napatingin ako kay Cailah na mukhang inaantok pa. Nasa tabi niya ang humihikab na si Matt.

Para maiwasan ang kanilang panunuya, tinalikuran ko sila at naglakad na.

Naging abala ang lahat sa pag-aaral. Pahapyaw lang ang ginawa kong pagbabasa. Hindi ko maintindihan dahil kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang proctor na magbabantay sa amin. All eyes turned to her. She looked like a corporate chairman who's ready to give an annual report.

Tinago ko kaagad ang aking libro. Sumabog pa ang mga reviewer ni Ranie dahil sa sobrang pagka-taranta niya.

"Good morning, 4-A. I'm Mrs. Maria Josefina Galvan. No cheating, alright?"

Nagkatinginan kami ni Dwight. He smiled at me. Nginitian ko rin siya. 'Agad kong ibinalik ang aking atensyon sa proctor. Nilapag niya sa table na nasa harapan ang kanyang mga gamit. Kinuha ko rin sa aking bag ang lapis at pambura na gagamitin.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon