Si Mommy ang dahilan kung bakit nandito si Dwight kasama ang parents niya. Close kasi ang parents namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung gaano katagal na silang magkakilala. Basta ang alam ko, walang makakatibag sa kanila.
"Kamusta naman ang pag aaral ninyo?" Tanong ni Tito Cyle, Daddy ni Cailah.
"Ikaw muna, anak," sabi naman ni Tita Mae, ang mommy niya.
"Well, okay naman po ang pag aaral ko. Ako pa din ang Rank Four sa buong school!" Masaya talaga si Cailah dahil walang maka-agaw ng titulo niya sa pagiging Rank Four.
"That's good! Ipagpatuloy mo lang yan, hija," ani Tita Duane, ang mommy ni Dwight.
"How about you, son?" Bumaling si Tito Dwayne sa anak na si Dwight.
"Rank two," matipid niyang sagot. 'Yon na 'yon?!
Nakita ko na kinurot ni Tita Duane si Dwight sa tagiliran, kaharap ko kasi siya.
He took a deep breath. "Rank Two pa din po ako at maayos naman ang lahat."
"Talaga?! Ang galing mo, Dwight! Pagbutihan mo pa lalo! I'm so proud of you!" Kung makapagsalita ito si Mommy ay parang si Dwight ang anak niya.
"Eh ang baby ko? Kamusta?" Kailangan ba talagang tawagin mo kong "baby" sa harap nilang lahat, Dad?
Tumikhim ako. "Tulad po nila, nag aaral din po ako ng mabuti. Rank One pa din po ako."
"Wala na talagang makaka-talo sa 'yo, Tania. Even my son!" Inaasar pa ni Tita Duane ang anak niya.
"I'm so proud of you, anak! Hindi talaga ako nagkamali!" Masaya si Dad nang sabihin 'yon. Si Mommy naman ngiting-ngiti dahil sa sinabi ko.
"Okay, here's the deal," napatingin kaming lahat kay Tito Cyle.
"Actually, napag-usapan na namin lahat ito," said Tito Dwayne.
Nagkatinginan kaming tatlo nina Dwight.
"Ano po 'yon?" Tanong ko.
"Pagkatapos ng exam niyong lahat, 'pag nanatili pa din kayo sa mga rank ninyo ay may surprise kami!" Paliwanag ni Daddy. Nakangiti lang sina Mom, Tita Duane at Tita Mae.
"Deal," bumigay 'agad si Dwight.
"You mean, kaming walo? As in?" Hindi maka-paniwala si Cailah.
"Yes! Lahat kayo!" Sagot naman ni Mommy.
"Deal! Excited na ako!" Sabi pa ni Cailah.
"How about you, Tania?" Ani Tita Mae. I smirked. "Deal."
Pagkatapos namin kumain, umakyat muna ako sa kwarto ko. Kinuha ko 'yung picture frame na nakatago sa drawer. Then tears suddenly fell on my cheeks. Ito ang nangyayari sa akin tuwing gabi. They could tell that I am happy, but I am not...
"Tania!" Si Cailah, kumakatok.
Ibinalik ko 'agad 'yung picture frame sa drawer. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Baka mahalata ni Cailah na umiyak ako.
"Tagal mo naman!" Sabi niya nang makapasok. She stared at my face for a few seconds.
Tumikhim ako. "Sorry na. Dito ka ba sa kwarto ko matutulog?" Tumabi ako kay Cailah na prenteng nakahiga sa kama ko.
"Oo, pero may pupuntahan pa ako. Pahinga muna," busy na naman siya sa pagti-text.
"Saan ka pupunta? Gabi na, ah?"
She took a quick glance at me. "Diyan lang. Alam naman nina Mom."
Nanood lang kami ni Cailah ng Disney movie. Medyo inaantok na ako kaya kinulit ko siyang umalis na. Pumayag naman siya at nakuha pang manghiram ng damit sa akin.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...