Binitawan lang ni Dwight ang kamay ko nang nakapasok ako sa front seat. Umikot siya at sumakay na sa driver's seat. Sinuot ko ang seatbelt. Hinila ko pa iyon para masiguro na hindi lilipad ang katawan ko sa labas kung sakaling may mangyaring hindi maganda.
"Pupuntahan ba natin 'yung bus?" Sinilip ko si Danielle. Tumango ako.
Minanipula ni Dwight ang kambiyo at pina-andar na ang sasakyan. I pulled down the mirror. Nilabas ko 'yung cream para sa pasa sa pisngi ko. Epektibo naman ito kaya kaunti lang ang nilagay ko.
"Nandoon na daw 'yung mga maleta natin sabi ni Ma'am Andrea," ipinakita sa amin ni Matt ang screen ng cellphone niya.
"Nasaan na si Clifford?" Sinadya kong lakasan ang tanong ko kay Dwight.
Ang maingay na si Danielle ay bigla na lang nanahimik. Tumawa si Dwight at tumingin sa akin saglit.
"Nasa bus na siya," sagot niya.
Gasgas na siguro ang lalamunan nina Cailah at Dana sa kakatikhim nila. Si Ranie at Matt ay pa-pito pito lang. Si Stacie naman ay hindi umiimik.
Umikot ako at umayos ng upo. Sinusundan namin ang sinasakyan nina Mommy, Daddy, at Ma'am Andrea. Ihahatid daw muna kami ng mga magulang ko doon bago sila umalis.
Ipinarada ni Dwight ang sasakyan sa tabi ng bus pagdating namin sa munisipyo. Sinalubong kami ng Mayor at iba pang may katungkulan sa munisipyo.
Pinagpagan ko ang palda ko. Suot namin ngayon ang aming mga uniporme para sa araw na ito. Sina Mommy at Daddy ang naghatid ng mga uniporme namin sa ospital.
"Magandang araw po sa inyo! Ako po si Victor Pilar, ang alkalde. Ikinagagalak ko pong makilala kayo!"
Nakipag-kamay kami kay Mayor Pilar at sa iba pang naroon.
"Sumunod po kayo sa akin para mapag-usapan po natin ng maayos ang proyekto na tinutukoy niyo," aniya.
Sumunod si Ma'am Andrea, si Mommy, at si Daddy sa Mayor.
"Saglit lang! Tatawagin ko lang 'yung unggoy sa lungga niya!" Ani Ranie.
Pinuntahan ni Ranie ang bus. Kinatok niya ang pinto. Maya maya ay lumabas na mula doon si Clifford. May bitbit itong suitcase.
"Oh my—" Napansin ni Danielle na nakatingin ako sa kaniya kaya nagtago siya sa likuran ni Dana.
"Happy birthday, Tania!" Niyakap ako ni Clifford.
I hugged him back. "Thank you, Clifford!"
Nang tumikhim si Dwight ay humiwalay na ako kay Clifford. Nakipagapir siya kay Dwight, pero sapak ang natamo niya.
"Ouch! Dahan-dahan naman, Boss!" Hiniholot niya 'yung braso niya habang naglalakad kami. Binabati niya rin ang iba habang ginagawa iyon.
Binangga ni Ranie si Clifford sa braso. "Mamaya ka na mag-inarte! 'Di naman bagay sa 'yo!" Hahawakan sana niya ang kamay ni Stacie, pero inunahan siya nito sa paglalakad.
Napatingin ako kay Dwight. He just shook his head. Maniwala ako. May alam 'to, eh.
Clifford rolled his eyes. "Served you right!"
"Damn! She would be the death of me... Hoy! Shy type! Bumalik ka rito! Don't you dare leave without my hand holding yours!" Sigaw ni Ranie habang hinahabol si Stacie.
Nginuso ni Cailah ang dalawa. "Nakapanood ako ng live brawl kaninang umaga."
"Alam mo ba kung bakit sila nag-away?" Tanong ni Dana. Ang katabi niyang si Danielle ay aakalaing sinampal gamit ang blush on. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...