A U D R E Y
Ginalaw ko ang inuupuang swivel chair. Nasa kamay ko ngayon ang recorded video sa bahay nina Johnny noong gabi nang natapos ang Miss Alfheim 2016. Sigurado akong may miyembro sa 4-A na alam na si Johnny ang dahilan kung bakit natanggal si Dana sa 4-A.
Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone. Hirap akong huminga habang naglalakad palabas sa meeting room ng Student Council.
Pauwi na ako sa bahay nang mapansin ko si Johnny sa parking lot. Sinisipa niya ang gulong ng kanilang sasakyan!
After 10 minutes, pumasok na siya sa loob. Maya maya pa ay umandar na ang sinasakyan niya.
"Manong, sundan mo ang sasakyan na 'yon!" itinuro ko sa driver ang sasakyan ni Johnny.
Alam na alam ko kung saan kami papunta ngayon. Imbes na isipin ko ang pagka-talo ko sa Miss Alfheim ay mas inisip ko kung bakit gano'n si Johnny?
"Dito na lang sa tabi, Manong," sabi ko sa driver nang makarating kami sa kanto
ng subdivision nina Johnny. Nasa bungad ang bahay nila kaya lalakarin ko na lang.Bago bumaba, kinuha ko ang phone ko sa pouch. Ugali ko na kasing mag-video tuwing magkasama kami ni Johnny. Malapit na ang birthday niya kaya naisipan kong gumawa ng video greeting. Kahit hindi niya ako pinapansin sa school at halos itaboy niya ako, may gift pa rin ako sa kanya.
Kilala ako ng mga tao sa bahay nila kaya nakapasok agad ako. Nasa hagdan pa lang ako patungo sa main door nang marinig ko ang pagka-basag ng isang bagay.
"Oh my God! Johnny?!" Tumakbo ako papasok. Hindi ko na ininda ang pagtama ng paa ko sa muwebles dahil sa pagmamadali.
Nakasalubong ko ang kasambahay. Itinuro niya ang hagdan. Tumango ako at mabilis na umakyat sa hagdan.
"Are you out of your mind?! You've ruined everything!" Narinig kong sumisigaw si Johnny.
'Pag ganito magsalita si Johnny, kausap niya ang stepdad niya.
Nasa tapat na ako ng kwarto niya pero hindi ko alam kung papasok ako.
"No! Hindi ko ito palalampasin! Makikita nila! Lalo na ang Dwight na 'yan! At ang buong 4-A!"
Lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Tama ba ang narinig ko?!
Napatalon ako nang may biglang kumalabog sa pinto. Kinabahan ako sa pag-aakalang bubuksan ni Johnny ang pinto.
Dahan-dahan akong humakbang. This isn't the right time, Audrey.
"Manang, wag mo sasabihin kay Johnny na pumunta ako dito," sabi ko pagkababa ko.
Pumunta ako sa control room at binura ang cctv footage na nahagip ang pagpunta ko dito. Inutos ko din na burahin ang footage ng paglabas ko sa bahay na ito.
Hindi ko napansin ang pagkaka-tulala ko dito sa garden. Naalala ko na naman...
Hindi ko binura ang video dahil ipapakita ko ito kay Johnny. Gusto ko lang naman maliwanagan kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya lang, hindi ko na siya nakausap lalo na nang naging tutor ang buong 4-A. Tuwing kakausapin ko siya ay lalagpasan niya lang ako. May mga pagkakataon na malayo siya sa akin para hindi ako makalapit sa kanya.
Alam kong si Johnny ang dahilan ng lahat at hindi ko 'yon matatanggap. Kahit siya ang best friend ko, hinding-hindi ko ito palalampasin. Lumagpas na siya sa linya. Maraming naapektuhan dahil lang sa pagiging desperado niya.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...