D A N I E L L E
Ang katahimikang bumabalot sa amin ay talagang nakakakilabot. Napahawak ako sa aking buhok dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin.
"Creepy," Cailah murmured. I looked at her and she's already staring at me.
"Super!" I said. Binalot ko ng maigi ang aking sarili ng suot kong jacket.
Kumapit sa braso ko si Cassidy. "How long do we have to stay here? Nilalamig na po 'ko."
Narinig siya ni Tania. She stood up and walked towards us. "Saglit na lang, Cassidy. All we can do right now, is to just wait," hinubad niya ang coat niya saka ito isinuot kay Cassidy.
"Thanks, ate!" Ani Cassidy.
She smiled. "You're welcome."
Tumingala ako. 6PM pa lang naman, pero madilim na ang kalangitan. Nakisabay pa itong bagyo sa problema namin.
"Hindi pa rin sila tapos?" Boses 'yon ni Stacie. Dumating na pala silang dalawa ni Dana.
Isa-isa kaming inabutan ng coffee-in-can ni Stacie. Tumayo naman sa tabi ko si Dana.
"Hindi pa, eh. Ano kaya kung pumasok na rin tayo?" Sabi ni Cailah.
Hindi sumang-ayon si Tania. "Binilin sa 'tin nina Ranie na maghintay tayo dito hanggang sa makalabas sila."
Iinumin ko na sana ang kape nang mapansin ko ang panginginig ng kamay ni Dana.
"Are you okay?" Kinuha ko ang can niya at ako na mismo ang nagbukas nito. "Here."
"Thank you, Danielle," napangiti ako.
I am definitely happy dahil nakasama at nakausap ko na ulit si Dana. I missed her so much!
"Guys!" Napatingin kaming lahat sa pintuan ng aming tambayan. Humahangos sina Matt at Ranie.
Sinalubong namin silang dalawa. Pagod at mukha silang frustrated. Ano ba'ng nakita nila sa loob?
"Ano'ng nangyari? Nakita niyo ba kung sino ang may gawa niyon?" Nag-aalalang tanong ni Cailah.
Kinuha ni Matt ang kape ni Cailah at ininom iyon hanggang sa maubos. Natulala naman si Cailah sa ginawa ni Matt.
"Ranie, ano'ng nangyari?" Kalmadong tanong ni Stacie.
Tumikhim si Ranie. "Wala kaming naabutan na ibang tao sa loob, pero may napansin kaming kakaiba ni Matt..." Tumingin siya kay Tania. "Ang kwarto lang ni Tania ang bukod tanging magulo sa lahat ng kwarto sa second floor."
Napasinghap kami. 'Agad akong napalingon kay Tania. Nakatingin lang siya sa bintana ng kwarto niya.
"Sobrang gulo ng kwarto ni Tania! Kasing gulo ng buong first floor! Sigurado ako na may hinahanap ang loko-lokong nanloob sa tambayan natin!" Ani Matt.
"Kailangan ko ito ipaalam kay Kuya Dwight," inilabas ni Cassidy ang cellphone niya.
Nagulat ako nang pinigilan siya ni Tania. Tumingin siya ng seryoso kay Cassidy saka umiling.
"Wag muna, Cassidy."
Ayaw niyang malaman ni Dwight? Bakit kaya? Nagkatinginan kami nina Cailah. Maging sila ay nagtataka.
"Ako na lang ang magsasabi sa kanya," sabi pa ni Tania.
"Kaso lang nakalimutan kong sabihin na nasa meeting nga pala si Kuya ngayon," hindi na 'ata narinig ni Tania ang sinabi ni Cassidy dahil mabilis itong naglakad papasok sa aming tambayan.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...