Nagsasalita ang emcee sa stage ngunit wala sa kanya ang atensyon ko. Kanina pa ako nakatitig sa water goblet na nasa harapan ko.
Tinawag ng emcee sina Tito Cyle at tita Mae para magbigay ng kanilang talumpati. Kahit sila hindi ko magawang pakinggan ng maayos.
"Are you alright?" Napatingin ako sa katabi kong si Stacie.
I faked a smile. "Of course. I'm fine, Stacie," napangiwi siya sa sinabi ko.
"Tania, may itatanong ako," bulong ng nasa kaliwa kong si Dana.
I looked at her. "What is it?"
"Nasaan si Andrei?"
Bahagya akong natulala. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
Ngumiti ako. "Nasa photoshoot kaya hindi siya nakasama dito. Hindi ko alam kung makaka habol pa 'yon. Kayo kasi ni Danielle ang may sala kung bakit feel na feel niya na ang pagiging model ngayon."
Tumango siya. Pagkatapos ay nilagok niya ang tubig na nasa goblet. Mas lalong lumapad ang ngiti ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko sa table. Sinadya ni Cailah na maglaan ng table para sa aming walo. Pero kulang kami dahil wala 'yung isa.
Tiningnan ko naman ang table kung saan naroroon ang mga magulang namin. Nakita ko doon sina Tito Dwayne at Tita Duane. Nginitian nila ako. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya kasama. Siguro may sakit pa din 'yon hanggang ngayon. Kahit si Cassidy ay hindi ko alam kung bakit wala.
Binigyan namin sina Tito at Tita ng masigabong palakpakan pagkatapos nilang magbigay ng talumpati. Ngiting aso ako habang pumapalakpak. Ilang beses pa akong tumango para kunwari naintindihan ko ang sinabi nila.
"Ladies and gentlemen... I need five participants for this exciting game! Please join me here on stage. Secret muna kung ano ang price. Come on, this is fun!" Anunsyo ng emcee.
"Dude, this is your time to shine! Akyat na!" Natatawang sinabi ni Matt kay Ranie.
Napatingin ako kay Ranie. Ngumiti siya sa aming lahat bago tumayo sa inuupuan.
Pumalakpak si Cailah. "Ayun oh! Dali, akyat na. Promise, masaya 'to!" Aniya habang tinutulak si Ranie papunta sa stage.
"Wish me luck, guys!" Sigaw ni Ranie habang umaakyat sa stage.
Sinigaw namin ang pangalan ni Ranie. Napatingin sa amin ang ibang bisita dahil sa ingay na nagmumula sa table namin. Nakigaya din sina Mommy. Si Ranie ang sinusoportahan nila.
May nilagay na long table sa stage. Makikita ang numero 1-5 na nakapatong dito. May limang upuan din. Sunod naman na lumabas 'yung limang lalaki na may hawak ng silver plate. Hindi makikita ang nasa loob dahil sa food dome. Pagkatapos ay naglagay sila ng limang bottled water sa tapat ng bawat numero.
Nang makumpleto ang mga kalahok, isa-isa silang pinaupo ng emcee. Number 1 ang pambato namin na si Ranie. Dalawang babae at tatlong lalaki ang kasali sa laro.
"So, ito ang mechanics ng ating game. Kailangan ninyong ubusin kung ano man ang nasa loob niyan sa loob ng limang minuto. Kung sino man ang mauna, siya ang tatanghaling panalo para sa larong ito," nagsimula na naman ang ingay ng dahil sa sinabi ng emcee.
Pumunta si Cailah sa gilid ng stage para makuhaan ng video si Ranie. Grabe pa kung mag project sa camera ang loko.
"Ready na kayo?" Tumango ang mga kalahok. "Paalala lang, pwedeng umayaw kung hindi na kaya. 'Pag nagsimula na ang timer saka niyo pa lang pwedeng buksan at kainin 'yan. So, here we go. Timer starts now!"
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...