Chapter 13

544 32 4
                                    

T A N I A

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong ka-salo namin sa table. Unexpected talaga ito. Feeling ko nga ay may mali sa nangyayari. Kilala ko ang mga kaibigan ko at natitiyak kong may ginawa na naman silang kalokohan.

"Tita, Tito... Thank you po sa libre," ani Ranie habang kinukuhanan ng litrato ang plato niyang puno ng pagkain.

Natawa si Mommy. "Wala 'yon, Ranie. Hindi naman na kayo naiiba sa amin."

"Maiwan muna namin kayo dito. Pupuntahan lang namin ng Tita niyo ang mga kaibigan namin," paalam ni Daddy.

Napatingin kaming lahat sa table na nasa dulo kung saan naroroon ang mga kaibigan ng parents ko. Dapat ay kanina pa pupunta sina Mommy doon, kaya lang ay dumating bigla sina Dana.

Pinagmasdan ko ang katabi kong si Drei na tahimik lang na kumakain. Alam kong naiilang siya sa presensya ni Ranie. Pag-iwas ko ng tingin, nagtama ang mga mata namin ni Dwight. Siya na ang nasa harapan ko ngayon dahil lumipat si Cailah. Bakit ang sama naman 'ata niya kung maka tingin?

"Guys, wag niyong kalimutan 'yung party bukas, ha? I already sent you an invitation. Check niyo na lang e-mails niyo for more details," napunta ang atensyon namin kay Cailah.

Oo nga pala. Bukas na ang celebration para sa 16th anniversary ng restaurant nila.

Nagliwanag bigla ang mukha ni Matt. "Sa wakas! Medyo matagal na noong huli akong nagpunta sa party!"

"It-Logan, talbog ka sa akin bukas!" Nagyabang si Ranie. Hindi pa siya na kuntento at tinapik- tapik pa niya 'yung ulo ni Matt.

"Ranie, manahimik ka nga. Hindi red carpet ang pupuntahan mo," saway sa kanya ni Cailah.

"I'm excited!" Ani Dana.

Tumango si Danielle. "Me too! Pag hahandaan ko 'yan Cailah!" Haaay! Basta party ang usapan, buhay na buhay silang lahat!

"Dwight, pupunta ka ba?" Tanong ni Matt.

"Not sure," I looked at him. Namumutla siya at mukhang nanghihina.

"Dude naman, tatlo na nga lang tayong lalake tapos wala ka pa?" Reklamo ni Ranie.

"I'll try," ani Dwight tapos hindi na siya namansin.

"Stacie, make sure na makakapunta ka," sabi ni Cailah kay Stacie na tahimik lang na kumakain.

Ngumiti siya. "Pupunta ako."

"Kailangan pa ba magsuot ng long gown?" Tanong ko kay Cailah.

She nodded. "Of course. Whether you like it or not, you have to wear something formal. Don't worry, ako naman ang bahala sa isusuot mo."

"Pwede bang dress na lang? Formal din naman 'yon," nagbabakasakali pa din ako.

She shook her head. "Depende sa dress. Long gown, Tania. That's final."

Sinandal ko na lang ang likod ko sa upuan. Hindi talaga ako komportable sa dress code.

"Tania, sa 'yo na lang 'to," nilagay ni Drei sa plato ko 'yung choco lave cake niya.

Natuwa naman ako. Wala na kasi nito kanina. Naubos 'agad dahil talagang masarap.

"Thanks!" Tinusok ko ng tinidor 'yung gitna. Ang cute lang tingnan nung chocolate habang kumakalat sa plato ko.

Kinuha ko 'yung dessert spoon na ginamit ko kanina. Isusubo ko na sana 'yung cake nang hinawakan ni Ranie ang braso ko. Teka, nasa dulo siya kanina, ah?

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon