Chapter 40

347 19 0
                                    

Maaga pa lang ay nakahanda na si Tania sa pagpasok niya sa Alfheim Academy. Ngayon ang unang araw niya bilang isang high school student. She felt nothing, but excitement.

Kumatok ang Mommy niya. "Anak, your cousins's waiting downstairs! Bumaba ka na!"

Napangiti si Tania sa narinig. Isinukbit niya sa magkabilang balikat ang kaniyang backpack at lumabas na.

"What are you? A turtle?" Iyan ang salubong kay Tania ng pinsan niyang si Cailah pagpasok nito sa sasakyan.

Hinila ni Tania ang pinto ng sasakyan bago niya sinagot si Cailah. "Who are you? Ikaw ba ang magbubukas ng gate ng Alfheim at kailangan nating dumating ng maaga?"

Tumawa si Cailah. Nang umandar ang sasakyan ay inilabas niya mula sa bag ang ginawa niyang chocolate chip cookies.

"Tikman mo, Tania! Nag-bake ako kagabi!" Proud na proud si Cailah sa ginawa niyang cookies.

Tania cringed. Alam niyang hindi masarap ang ginawa ni Cailah. Ibinalita kasi ng kaniyang Tita Mae sa kanila ng Mommy niya na palpak ang unang chocolate chip cookies na ginawa ng anak.

"Okay. Isa lang, ah?" Kumuha si Tania ng isa at isinubo iyon ng buo.

Hindi humihinga si Tania habang nginunguya niya ang cookie. Nakangiti naman si Cailah habang pinapanood ang reaksyon ng pinsan niya.

"To be honest," panimula ni Tania pagkatapos lunukin ang cookie. "Hindi masarap, Cailah. Sama ng loob 'ata ang main ingredient ng cookies mo. But, hey! First time mo pa lang naman. Eventually, your baking skills will improve lalo na 'pag palagi kang nagpa-practice."

Humagalpak ng tawa si Cailah. Alam niya sa sarili niya na hindi masarap ang cookies na ginawa niya. She's glad because her cousin didn't lie about how bad it was.

Hawak-kamay na naglakad ang mag-pinsan papasok sa Alfheim Academy. Nahihiya silang dalawa dahil nasa kanila ang atensyon ng mga estudyante.

Ang walong estudyante lang na nakakuha ng mataas na average noong grade school ang napa-bilang sa 1-A. Cailah and Tania belongs to 1-A. They are wearing a different uniform as to why the other students are looking at them.

"Yumuko ka na lang, Cailah," bulong sa kaniya ni Tania.

"Hindi ko makikita ang daan!" Reklamo ni Cailah.

"Just walk, Cailah! Ako na ang bahala," naiinis na sinabi ni Tania sa kaniya.

Iginaya ni Tania ang pinsan patungo sa sarili nilang building. She was looking at the school map just to make sure if they're walking on the right direction.

"Where are we? Ito na ba ang building natin?" Tanong ni Cailah kay Tania
nang makarating sila sa harap ng isang palapag na gusali.

"I guess we're here. Sinunod ko lang ang nasa mapa," ipinakita ni Tania kay Cailah ang hawak na mapa.

Naglakad sila papalapit sa gusali at sabay na itinulak ang double doors. They stepped inside the building. Lumipas pa ang ilang segundo bago nila ipinagpatuloy ang paglalakad. They are fascinated. The building looked extraordinary.

"Wow! Ang ganda dito, Tania! Parang gusto ko nang pumasok arawaraw!"

Panay ang puri ni Cailah sa lahat ng nakikita nila ni Tania sa pasilyo habang naglalakad.

"Magsasawa ka rin dito, Cailah. Ngayon lang 'yan," biro ni Tania.

Tumingin si Tania sa ibinigay na schedule sa kanila. English ang una nilang asignatura para sa araw na iyon.

"Pumasok tayo dito, Cailah," tumingala si Tania habang nakahinto sa tapat ng isang silid.

Si Cailah na medyo napalayo na kay Tania ay bumalik upang makita ang tinitingnan ng pinsan niya.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon