Papunta na ako sa classroom namin. Mag-isa lang ako dahil iniwan ako ng magagaling kong kaibigan. Parang pumunta lang sa banyo. Akalain ninyong paglabas ko ay wala na palang tao?
Okay, hindi 'yon totoo... May taong naiwan bukod sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya sa tambayan at naiwan siya doon. At dahil wala akong pakialam sa kanya, iniwan ko siya at pumunta na dito.
"Ah, Tania?" Nilingon ko 'yung tumawag sa akin.
May makapal na salamin, may braces, may ibibugha pagdating sa itsura, at mukha namang mabait. Kilala ko 'to, kabilang siya sa class 4-E.
"Bakit, Johnny?" Naka-tingala siya dahil mas matangkad ako sa kanya.
"E-Eto... Nag bakasyon kasi kami sa Hong Kong. Pasalubong ko sa 'yo," kinuha ko 'yung paper bag na inabot niya. Mamaya ko na lang titignan ang nasa loob.
"Nag abala ka pa, Johnny. Salamat!" Nginitian ko siya. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Wala 'yon... Congrats nga pala! Wala talagang makakatalo sa 'yo. Rank One ka pa din, Tania!" Napangiti naman ako ng malapad dahil sa sinabi niya.
"Salamat na—" Nalaglag 'yung hawak kong paper bag. Pinulot ko 'agad ito. Mabuti na lang at hindi ako natumba sa lakas ng pagkaka-tabig niya sa aming dalawa.
"Hoy! Halika nga dito!" Tawag ko sa nilalang na naglalakad na parang wala lang sa kanya ang nangyari.
Huminto siya at humarap sa amin. "Ako ba 'yung tinutukoy mo?" Nakangisi siya habang tinuturo ang sarili niya.
Tumingin pa siya sa gilid at likod niya para tingnan kung may iba pa akong pwedeng tawagin.
"Obvious ba? Dalian mo, halika dito!" Nauubos na ang pasensya ko.
Lumapit naman siya sa kinaroroonan namin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pants niya.
"Bakit? Ano'ng kailangan mo?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa katabi ko.
"Bakit mo kami binangga? Bulag ka ba? Ang lawak ng daanan!" Tinuro ko pa 'yung buong hallway.
"Kaya nga daanan, eh. Kasalanan niyo 'yon," he said calmy.
"Kung hindi ka ba naman bastos, bakit ka dadaan sa gitna naming dalawa?!" Medyo napa-taas 'yung boses ko.
Hindi siya nakasagot. Naglakad na lang siya palayo sa amin. I took a deep breath and exhaled heavily.
"A-Are you okay?" Nag aalala talaga si Johnny.
"Don't worry. I'm fine," I faked a smile.
"Ah, Tania, mauna na ako. Sorry sa abala. Nag-away pa tuloy kayo ni Dwight dahil sa akin. Minabuti kong ngayon na ibigay 'yan kasi mahirap kana hanapin mamaya, eh," aniya.
"Wala 'yon. Salamat ulit," tumango lang siya saka umalis.
"Hi Tan—" Hindi na naituloy ni Dana ang sasabihin dahil binagsak ko pasara ang pinto.
Padabog akong umupo sa upuan saka ko sinalampak sa mga tainga ko yung earpods. Makikinig na lang ako sa One Ok Rock. Inis kong inialis ang mga ito dahil kinalabit ako ni Cailah.
"Who gave this?" In-angat pa niya ang paper bag at masugid na tiningnan kung ano ang nasa loob nito.
"Johnny," I replied without looking at her.
Nagulat ako nang hinila ni Danielle ang isang upuan papunta sa harapan ko. "Hey! Kayo, ha? Hindi kayo mahilig mag share!" sabi niuya habang nakikisilip sa laman ng paper bag.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...