Chapter 27

417 31 49
                                    

Pagdating ko sa tambayan ay nagulat ako nang nakitang nandoon na si Audrey. Ang tahimik ng mga kaibigan ako at nakatingin lang kay Audrey habang sila ay kumakain ng French toast.

Sinalubong ako ni Dwight. Siya ang kumuha ng bag ko sa balikat ko. Nahuli kong sinundan kami ni Audrey ng tingin hanggang sa makaupo kami ni Dwight.

"Kakausapin ko lang si Cailah," bulong ko. Tumango siya at hinayaan akong umalis.

Pinuntahan ko si Cailah sa kitchen. Naabutan kong sinusubuan siya ni Matt ng pancake. Tumikhim ako. Nagmadali sila sa paghihiwalay.

"May sasabihin lang ako kay Cailah, Matt," sabi ko. 

Pinagbigyan naman ako ni Matt na ma-solo ang pinsan ko kahit saglit. Umupo ako sa kitchen stool at naki-kain sa pancakes ni Cailah.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang pakiramdam mo ngayong si Ian pala ang tuturuan mo," diretsahan kong sinabi.

Bigla siyang nag-seryoso. "Syempre, nagulat ako nung nalaman ko. Sa totoo lang ay nagpapasalamat pa nga ako dahil siya ang napili ko."

Alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang malaman sa sarili niya kung talaga bang naka-move on na siya kay Ian.

"There's no pain that will last forever, Tania. Tama nga naman kasi saglit lang akong nakaramdam ng sakit. At ngayong makakasama ko na naman ulit si Ian, gusto kong patunayan sa sarili ko na talagang tapos na ako sa kanya at wala na akong nararamdaman pa," nakangiti niyang sinabi.

Masaya ako para sa pinsan ko. Sana lang ay bigyan niya ng pagkakataon 'yung taong gagawin ang lahat para sa kanya.

Dahil natuwa ako, pinahiran ko siya ng whipped cream sa pisngi. Ang tindi ng ganti niya sa akin dahil maple syrup ang pinahid niya. To the rescue naman si Dwight at siya mismo ang nagtanggal niyon sa mukha ko.

Niyaya na namin sina Ranie sa dining room para mag-agahan. Hanggang ngayon ay wala pa din si Drei. Subukan lang talaga niyang mahuli sa pagdating mamaya.

"Dito ka na sa tabi ko, Audrey," sabi ko.

Tutal ay wala pa naman si Drei kaya sa tabi ko na lang siya. Tumikhim si Cailah bago siya umupo sa pwesto niya.

"Sure," ani Audrey at umupo na sa tabi ko.

Nagdasal muna kaming lahat bago kumain. Pagkatapos ay nilagyan na ni Dwight ng kanin at ulam ang plato ko. Nakatingin si Audrey habang ginagawa 'yon ni Dwight.

Nairaos namin ng maayos ang agahan. Tinatanong nila paminsan-minsan si Audrey. Sinasagot naman ni Audrey ang mga tanong nila. Si Cailah naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.

Dumating si Drei ilang minuto bago pumunta ang ibang estudyante dito sa tambayan. Hindi pa daw siya kumakain kaya pinakain muna siya ni Cailah.

Napag-usapan na namin kung saan ang magiging pwesto namin mamaya. Kailangan naming maghiwa-hiwalay para hindi kami maka-istorbo sa isa't-isa.

"Guys, punta lang ako sa room natin. Saglit lang ako," paalam ko.

Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nila. Lumabas 'agad ako at nagmadali sa paglalakad. Pinindot ko ang pass code para makapasok ako sa loob ng room. Pinuntahan ko 'agad ang cabinet ko para kunin 'yung limang folder na naglalaman ng mga kopya ng aking reviewer sa lahat ng asignatura.

Pagkatapos ay tinahak ko naman ang daan papunta sa garden. Napapalingon ako dahil nararamdaman ko na naman na may nagmamasid sa akin mula sa malayo. Hindi maaari. Malabong mangyari ang iniisip ko...

Marami nang naghihintay sa akin pagdating ko sa garden. Nakakahiya! Na-late ako!

Ngumiti ako. Sila ang mga estudyanteng nakiusap na turuan ko sila. Hindi naman pu pwede 'yon dahil isa lang ang dapat naming turuan. Ibibigay ko na lang sa kanila ang mahalagang bagay na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon