S T A C I E
Panay ang hampas ko sa aking braso dahil kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Mabuti na lang at nandito sa tabi ko si Ranie na bumubugaw sa mga lamok gamit ang hawak na pompoms.
'Agad lumapit si Dwight kay Tania nang makita niya itong bumababa sa hagdan na bakal. Umakyat din siya para alalayan sa pagbaba si Tania. Hindi ko alam kung anong sinasabi sa kanya ni Dwight dahil panay ang pag-iling niya.
Napansin ko na iika-ika siya sa paglalakad. 'Agad kong tiningnan ang kanyang paa nang nasa harap ko na siya. May dugo doon.
Lumuhod si Dwight. Inilabas niya ang kanyang panyo at bandaid. Boyscout! Buong puso niyang pinunasan 'yung dugo. Pagkatapos ay inilagay niya na 'yung bandaid.
Sinilip ni Cailah 'yung paa ni Tania. "Nasugatan pa 'yung paa mo dahil sa takong ng feeling Aphrodite na 'yon!"
"Tama! Mali 'yung ginawa nung bruha sa 'yo! Gusto mong ipakita namin 'yung video sa mga judge para zero agad ang score niya?" Itinaas pa ni Danielle 'yung kamay ni Dana na may hawak na camera.
"Oo nga! Nakuhanan ko lahat, Tania!" Ani Dana.
"Pumayag kana, Tania. Sinadya niya 'yon!" Sabi naman ni Cassidy.
Umiling si Tania. "No need, guys. Hindi niya naman siguro sinadya."
Tania is Tania. Of course, sasabihin niyang hindi sinadya ni Audrey para hindi na lumaki ang gulo.
Hinatid namin siya sa kanyang tent. Nandoon ang mga magulang namin,
nakikigulo. Hindi rin kami nagtagal dahil maikling oras lang naman ang ibinigay sa mga kandidata para magpalit ng damit at makapag-ayos.Tatlong minuto na lang ang hihintayin bago namin makita ang mga kandidata sa kani-kanilang casual wear. Nakabalik na kami sa dati naming pwesto. Maging ang mga magulang namin ay nakabalik na din.
Ang pwesto namin ay sa first row, left side. May malawak na espayo sa aming harapan na nagsisilbing daanan. Ito ang pumapagitna sa mga monoblock na inuupuan namin ngayon at sa tables and chairs kung saan naroroon ang aming mga magulang, mga importanteng tao, mga bisita at pamilya ng ibang kandidata.
Pinili kong umupo sa pinakadulo. Nagpalit kami ni Dana kaya siya na ang
nasa aisle. Magiging katabi niya kasi si Danielle kaya hindi na siya nag reklamo.Ang nasa kaliwa ko naman ay ang bleachers na nakaharap sa amin na pinuno na ng mga tao. Ang props nina Ranie ay hawak ng karamihan. Lumingon pa ako sa aking likuran at nakita kong may mga taong nakatayo dahil wala ng upuan.
"Oh my God! Troy?!"
Nagulat ako sa sigaw ni Danielle. Nakatayo si Troy sa tapat ni Dana. Kung
hindi pa siya napansin ni Danielle ay hindi niya kami makikita.Siniko ako ni Cailah. Nginuso niya ang naka simangot na si Dwight.
"Danielle! Kanina ko pa kayo hinahanap!" Ani Troy.
Dinaig pa ng mukha ni Danielle ang Meralco sa liwanag nito. "B-Bakit mo k-kami h-hinahanap?"
Literal na napa-face palm ako. Halata ka masyado Danielle!
"Oo nga! Bakit nga ba?" Mataray na tanong ni Ranie.
Hinahanap nga si Danielle! Kung nakikinig ka ng maayos, dapat alam mo.
"Nandito ako para manood. I heard na kasali si Tania. Gusto ko siyang suportahan. Sana hindi niyo masamain kung sa inyo ako sasama," may sinseridad na sinabi ni Troy.
"Sure! U-Upo ka sa tabi ko," ani Danielle ang bakanteng upuan sa kaliwa niya.
Seryoso? Nakakaasar 'yon sa part ni Dwight dahil siya ang magiging katabi ni Troy.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...