Chapter 1 - Stare

28.7K 436 6
                                    

I tried blocking out the voice in the room. I always do this and it always worked out for me but I guess today is just not my day.

"Ano! Let's go. Don't be such a killjoy." Tiffany nudged me.

"Ayaw ko nga. Wala naman akong kilala doon, Tiff." Sagot ko habang busy sa paglalaptop.

"You've met Rhian and Joseph already. Akong bahala sayo, i-oop ba kita? Kakatapos lang ng finals ayaw mo man lang ba magenjoy?"

"Bakit mo ba ako pinipilit kasi? Dito nalang ako sa dorm."

Niyayaya niya kasi akong pumunta sa bahay ng kaibigan niya. I already tried everything to shut her out pero hindi kaya ng powers ko ang pangungulit niya. Kanina ko pa rin sinasabi na hindi ko kilala 'yung kaibigan niya pero parang hindi niya ako naririnig.

"Dorm magisa? Hello, like I'm gonna let you do that. Basta sumama ka na ha. Pag hindi ka sumama wala ka nang dorm na uuwian sa pasukan sige ka.."

I shot her a look. What? Saan naman ako kukuha ng pangbayad ngayon? Kakainis naman 'to.

"Are you seriously using that to blackmail me?" Because it's working.

She just shrugged. "It's your choice."

"Oo na, sige na!" Napipilitan kong sabi. "Wala naman akong choice eh. Basta ha next time ko na babayaran utang ko."

"No problem." She smiled wickedly. How I hate that smile.

Once makabayad lang talaga ako ng utang free na free na akong tumanggi! Note to self: una kong gagawin pag nakuha ang pera ay bayaran si Tiffany.

Kung bakit ba naman kasi hindi ako pinanganak na mayaman!

"Don't worry, Jade. Sagot ko na lahat."

"Dapat lang. Pinilit mo kaya ako."

Tumawa lang siya habang naghahanap ng susuotin.

Hinayaan ko lang siya at binalik ang tingin sa laptop.

Nilibre na rin ako ni Tiff ng dinner bago kami pumunta sa bahay ng kaibigan niya. Unang tingin pa lang sa bahay ay mahahalata nang mayaman ang nakatira. Kanila ang may pinakamalaking bahay sa loob ng village and I'm actually going in.

Tsk, just why the hell am I surrounded with rich people.

"Hoy Michael! Buksan mo ang gate!" Sigaw niya sa kausap sa cellphone.

Minutes later the gate opened. Pumasok sa loob ang kotse. Wow the inside looks much bigger. At ang ganda talaga! The house is the combination of brown and white. Sobrang simple pero sobrang ganda.

"Ang ganda ng bahay." Sa sobrang tuwa ko ay nasabi ko 'yun ng malakas.

"Buti nalang pinilit kitang sumama, ano?"

Sinalubong kami ng isang matangkad na lalaki. Nakasandal siya sa may pinto sa passenger seat kaya hindi ako makalabas dahil tatamaan siya ng pintuan. Naunang bumaba si Tiff at nakita kong pinalo niya ang lalaki at tumabi naman ito pero bago iyon binuksan niya ang pintuan.

Nahihiya akong lumabas. I was greeted by a tall and super handsome guy.

"Pinakilala na ba niya ako sayo? Anyway I'm Michael."

"Jade."

I secretly thank Tiff for blackmailing me to go with her. Gwapo pala talaga 'tong si Michael.

"Wag kayong magtinginan. Tara na!"

I immediately blinked and avoid his gaze. Holy shit did I stare too much?

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon