I didn't know I could be this shy. Quota na ako sa pagblush dahil sa mga lalaking kasama ko. Nagtataka ako kung bakit hindi naiinlove sila Rhian sa kanila samantalang ang gwagwapo naman nila at ang babait.
Nagoffer si Joseph na siya na ang humawak ng board at magbalik. Hindi na ako tumanggi pero nahihiya ako kaya sinabayan ko nalang siya ng lakad.
Hinatid rin nila ako sa room bago sila pumunta sa kanila. Wala sila Tiffs kaya hindi ko alam kung saan sila pumunta. Ano na kayang nangyari dun sa dalawa?
Nagtext ako kay Tiff na nasa room ako at magpapalit lang bago dumiretso ng shower.
Tinignan ko ang phone pagkatapos pero wala naman reply.
May kumatok naman sa kwarto. Pagbukas ko ay si Michael.
"Tapos ka na? Meet nalang daw tayo sa kinainan kagabi nila Rhian."
"Yup. Wait lang."
"Sure, hintayin ka namin. Sa kwarto lang kami."
Inayos ko lang sa bun ang buhok ko at nagpunta na sa kwarto nila.
We met outside the restaurant pero namili kami ng ibang restaurant na kakain ngayong last night namin.
"Grabe lang ah ang tagal!" Pabirong reklamo ni Tiffs sa amin.
"Alam mo naman girl." Ngumiti ako.
Madalas kasi ay kung ano ano pa ang ginagawa ko kaya nalilate. Kilalang kilala na ako ni Tiffany sa tatlong taon ba naman naming magkasama.
This time sa grill house kami kumain. Malayo palang ay naaamoy na naming 'yung amoy ng inihaw. We ordered a platter of grilled seafood at iba pang mga filipino foods.
After dinner of course we just had to go sit by the beach again but unlike yesterday mas walang tao ngayon kaya mas tahimik. You can only hear the waves and feel the cold air.
"Anong oras tayo bukas?" Tanong ko.
"Let's not talk about leaving. May isang gabi pa tayo."
"Papakalasing na ba tayo?"
"Ayaw ko. Nako bahala kayo hindi magising." Pagtanggi ni Tiffs.
"Dapat talaga iniwan na natin 'to sa Manila eh. Ang daming arte!" Ani Michael.
"Sorry masyado niyo akong mahal kaya hindi niyo gagawin 'yun sa akin."
"Sa susunod sa bahay ka nalang ah?" Sumagot pa ulit si Michael.
Nagmake face si Tiffany while mocking him.
"Oh baka magkatuluyan kayo niyan?" Tristan blurted out which made everyone teased them both.
"Tangina hindi ko papatulan 'yan!" Parang diring diri si Michael sa idea.
"Wow ah? Kamusta ka naman? Yuck lalong hindi kita papatulan, 'no." Pero hindi papatalo si Tiff sympre.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang dalawa with our knowing smile.
"Girl ha.." Pangaasar ko pa.
"Kadiri. Kung si Joseph baka pwede pa--" Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang nagreact naman agad si Joseph.
"Sabi na crush mo ako." He flashed a smile. "Pero sorry bros before hoes, Tiff."
Umakbay siya kay Michael na tumatango tango. Nagtawanan naman ang dalawa.
Tumatawa rin kaming dalawa ni Rhian kaya naiwan siyang walang kakampi.
"Pati kaibigan ko binebrainwash niyo. Hoy Jade tatlong taon tayong magkasama hindi mo man lang ba ako kakampihan?"
"What? Michael na kaysa naman sa ex mo." Pinilit kong hindi tumawa.
Nanliit ang mata niya sa amin bago niya inagaw ang beer ko sa kamay. "Nasstress ako sainyo! Inom nalang ako."
"Ayun iinom naman pala. Oh order na tayo!" Oliver stood up to buy more.
xx
Mas maaga pa sana namin balak umalis ng La Union pero dahil sa mga ganap kagabi late kami nagising at check-out time na kami natapos.
Ang ginawa namin ay iniwan muna ang mga gamit sa kotse at dito na rin muna kumain bago bumyahe pauwi.
"Inom pa more guys." Rhian laughed.
"Oy nagenjoy tayong lahat walang sisihan." Sabi ni Joseph.
Nasa loob na kami ng kotse habang inaantay nalang ang boys na ilagay sa likod ang gamit.
"Sige sunod ako maya." We could hear them talking.
"Sige sige. Text mo kami."
Hindi naman mapigilan ni Rhian na hindi magtanong. Sumilip siya sa bintana at sumigaw, "Aalis kayo mamaya?"
"Boys night out. No girls allowed."
"Daya." She pouted. "Saan kayo pupunta?"
"Secret. Boys lang." Naramdaman namin ang pagsara ng compartment tapos lumapit siya sa driver. "Mauna na kayo kuya. Susunod kami."
Hindi na kami nakapagtanong kung saan ang lakad nila at for sure hindi rin nila sasabihin. Binluetooth ni Tiffs ang phone niya sa kotse para magplay ng kanta. Una ay napapakanta pa ako pero nakatulog rin ako. Nagising nalang ako na malapit na kami sa Manila pero hindi ko alam exactly ang lugar pero hindi na nakasunod ang kotse ni Tristan.
Sa condo ang uwi ko samantalang si Tiff ay umuwi sa bahay nila dahil ilan araw nalang ay pasukan na naman. Isang araw bago magpasukan ko sana balak bumalik kaya lang dahil sa outing ay napaaga.
Since I'm alone and really tired nagbukas lang ako ng de lata for dinner. Habang kumakain ay nagbrobrowse ako ng Facebook at tinitignan kung may update regarding enrollment. Tinignan ko rin mga photos from the outing. There's this one shot of Tristan na nagsusurf that is really cool. Makes me wanna like the picture but I didn't because it's Tristan.
Bakit nga ba ako galit sa kanya? Kasi nilagyan niya ng bubblegum palda ko? Kasi nagvandal siya at sinabing ako ang nagsulat sa pader? Well that was elementary days. Hindi ko rin siya nasisi kasi bata pa kami nun but there is also one time in highschool when a ball hit me hard on the back of my head. So hard na gusto ko nang umiyak sa sakit and when I turned I saw him standing there with this look on his face and I can't help but to hate him starting that day.
Hindi ko nga alam kung bakit tandang tanda ko pa rin ang nangyari. I could just let it go but seeing his face while he's pushing the blame to me and the ball thing, ugh I hate him.
Pinaglinis ako ng pader ng principal namin at napagalitan rin ako ni Mama dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. He wrote my name on the wall of course everyone believes him when he said I was the one who did it and not him.
We were what, 8 years old at that time. And I'm already 21 but I still remembered.
I just know that I have to get back at him. But how can I do that if 13 years and he's still getting the upper hand?
I have to do something.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.