Chapter 13 - Signature

6.5K 168 2
                                    

Tinotoo nga ni Tristan ang sinabi niya na tutulungan niya ako sa sponsor. But I still refuse to believe that he's a changed person.

There's also this possibility that maybe he's really nice and he just chose to be jerk towards me. That's all.

"Buti ka pa ang bilis mo makakuha ng sponsor. 'Yung akin nililigawan ko pa para sa 20k niya." Nagchat sa akin si Carol nang magupdate ako sa leader namin.

"Hindi pa naman sure."

Hindi ko sinabi kay Carol na family nila Tristan ang may ari ng company na 'yun dahil aasarin lang niya ako. Hindi pa naman talaga sure dahil hindi pa nakakapirma ang Daddy niya at hindi pa napagusapan.

Nahihiya nga rin ako sa Daddy niya dahil kay Tristan ko lang sinasabi tapos siya ang nagsasabi sa Daddy niya when in fact I'm the one who needed him. Magkikita kami mamaya para ibigay sa kanya ang papapirma.

Yup, magkikita kami at dalawa lang kami. May gagawin pa kasi si Tiffany at may class naman si Rhian.

Gusto kong icancel sana at ischedule kung kailan pwede sila Tiffs pero nakakahiya naman dahil ako na ang may kailangan aarte pa ako.

Siya na ang nagbigay ng place at sinabi niyang sa Starbucks sa baba ng condo. Nagulat nga ako sa place na sinuggest niya dahil akala ko 'yung malapit sa kanya ang gusto niya. Lahat naman tayo ayaw nahahassle diba.

Maaga akong bumaba para makakuha na ng pwesto. Palagi pa naman puno ang Starbucks dito.

Sa salamin pa lang ay nakikita ko nang puno ang loob at itetext ko na sana siya na sa ibang lugar nalang nang makita ko ang familiar na figure sa bandang dulo. I went in to make sure that it was him I saw and it is.

"Kanina ka pa?"

"Hindi."

"Magtetext na sana ako na walang pwesto. Nandito ka na pala." Umupo ako sa tapat niya.

"You want to order something?"

"Hindi na. Okay lang." Umiling ako. "Anyway dala ko na 'yung ipasign."

Kinuha niya iyon at sandaling tinignan tapos nilapag ulit. "When do you need this? Pwede ko nang ipasign mamaya but I don't know when I can give it back to you."

"Hindi pa naman kailangan. Kung kailan nalang ulit tayo magkita or pwede rin iabot kay Tiffs kung magkikita kayo." Ngumiti ako pero nag iwas rin agad ng tingin.

Why is he looking at me like that?

"Okay lang ba talaga? Baka busy rin kasi 'yung Daddy mo tapos ito pa.." Tinignan ko ang mga papel. "Baka busy ka rin."

"He's used to signing papers." He chuckled. "And you need this to pass. I'm your only chance right?"

Agad akong umiling. "Wag kang maniwala kay Tiffany. Alam mo naman 'yun."

Hindi niya pinansin 'yung sinabi ko. "So I'll get Dad to sign this. I just have a question."

"Hmm?"

"I have this feeling that you don't like me. Dahil ba sa dati?" And he's giving me this weird smile of his.

Kumunot ang noo ko. So he knew. He remembered me. All this time alam pala niya. Awkward man pero sinasadya ko naman talaga 'yung pag irap irap ko sa kanya kaya there's no point in denying.

"Tingin mo?"

"I don't know."

Umayos ako ng upo at tinignan ko siya.

"Okay lang kasi talaga sa akin 'yung dinikitan mo ako ng gum sa palda. Lalo na 'yung sa vandal? Actually hindi ko na maalala." Sarcastic kong sagot.

I watched him pursed his lips para mapigilan ang ngiti sa labi pero halata ko pa rin.

"Anong nginingiti mo?"

"Am I?" Playing innocent.

Nag make face ako.

"Galit ka pa ata, e."

"No, no. Bakit naman? Tagal na nun."

"Okay I have to explain." Tumawa siya.

"About the gum I didn't mean it. Hindi ko naman alam na gagamitin mo 'yung upuan na 'yun. Who uses that chair anyway?"

"So mali ko pa pala?"

Nagkibit balikat siya but I know it means yes to him.

He's talking about the chair at the corner of the room. Palaging nandoon 'yun. Extra chair lang siya para in case na kulangin or masira. Sakto naman na medyo umuuga 'yung akin kaya naisipan kong magpalit ng upuan. Who would've thought that someone will put his gum there.

"It's still wrong to stick a gum there you know." I said as a matter of fact. "Ano palang use ng basurahan?"

"It was stupid." He agreed. "About the writing,"

Tumaas ang kilay ko hinihintay ang so called "explanation" niya. Tignan ko paano ka lulusot ngayon.

"I might have did it on purpose." He scratched his head.

"Of course you did. You wrote my name."

Nakuha pa niyang tumawa. "I just want to get your attention at that time. Masyado ka kasing tahimik at hindi ka nagsasalita sa room. So I thought I might hear you talk to defend yourself but you didn't."

"Yeah I didn't kaya pinaglinis ako noh? Thank you very much. I had an amazing childhood because of you." Napairap ako. "You could have saved so much effort kung kinausap mo nalang ako kung 'yun lang pala gusto mo."

Naiinis ako na ewan. Saan ka makakakita ng ganyan klaseng tao? Ang daming ways para magpapansin pero iyon pa talaga ang naisip niya.

"Why didn't you defend yourself? Bakit hindi mo sinabing ako 'yun?" He looked really curious.

Iniisip ko kung ibibigay ko ang satisfaction sa kanya.

"Why would I? Ang laki laki ng pangalan ko nakasulat sa pader. Whole name ko pa talaga ah."

Fine. Credits for getting my whole name right.

"Sorry na."

Tumaas ang kilay ko.

"I'm serious. I'm sorry kung galit ka pa rin dahil dun. Tahimik mo lang kasi."

Kasalanan na pala maging tahimik ngayon?

"What about the ball?"

His head tilted and knitted his brows together. "What ball?"

"What ball? Your ball, my head. Binato mo tapos tinamaan ako. Sounds familiar?"

Dahan dahan siyang umiling. Then realization hit him. "It wasn't me. Promise hindi ako 'yun. I'm not the type to hit a girl." Now he even look disgusted by the thought.

"Tinawanan mo pa nga ako."

Pinagdikit ni Tristan ang dalawang kamay, "Jade, promise hindi talaga ako 'yun. And if you're mad at me because of that, I'm sorry. Really really sorry."

"Alam mo, kung hindi ko kailangan ng pirma ng Daddy mo, hindi na kita kakausapin." Nanliit ang mata ko.

"Well thanks to this then." Tinaas niya ang folder na binigay ko.

Umirap ako pero natawa na rin ako.

It was awkward at first but we didn't know that this will be the start of our friendship.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon