Naging busy na kami ni Tiffany pagdating ng midterms. Wala rin siyang oras asarin ako which is great for me.
We were at her house right now pero hindi pa namin inuumpisahan magaral. Saturday ngayon so may Sunday pa naman at maaga pa.
Balak pa nga ng boys mamaya mag crash dito. Pumayag naman si Tiffany basta magdadala sila ng pagkain.
Okay lang rin sa akin dahil hindi naman ako palaaral na tao at lalong hindi ako grade conscious. Kung hindi ako sumama dito bukas ko pa talaga balak mag-aral since hindi naman mahirap ang test ko sa Monday.
"Ano daw gusto niyong food?" Rhian asked while talking to Joseph.
"Any ako. Parang gusto ko nga lang ng fries." Sagot ko at tinawag si Tiffany.
"Pizza? Okay. Si Jade daw fries. Yup, thanks. Bilisan niyo!" Then she hung up.
"Shet, tinatamad ako magaral guys." Sabi ni Rhian.
Tumawa ako. "My line every time makikita ko papers ko."
"True. Pero kailangan. Ugh."
The struggle is real. Lalo na ngayon na magkakasama kami. Feels like an after party sleepover and not study sleepover. Madalas mag isa lang ako pag nagaaral so hindi ko alam kung makakaaral ba ko.
"Let's not talk about study please." Tiffany groaned.
Ngayon pa lang tinatamad na kami sympre lalo na nung dumating na sila. Sa baba pa lang ay naririnig ko na ang mga boses nila paakyat sa hagdan.
"Nandito na mga bwisitors natin." Pumasok si Tiffs.
"Bwisitors na nagdala pa ng pagkain." Joseph entered the room with boxes of pizza.
"Thank you!" Rhian and I said in reply.
Wala si Oliver dahil ngayon ang event na pupuntahan niya. Sino kaya ang sinama niyang babae para pagselosin 'yung babae niya? I'm excited to see the photos because I'm sure he looked handsome.
"Oh fries mo." Inabutan ako ni Tristan ng mcdo paperbag.
"Naghanap pa kami ng mcdo para dyan." Sabi ni Michael.
"Thank you." Ngumiti ako. He nodded towards Tristan na kinakausap ni Rhian.
Well it's not that bad. Maingay sila but they made the "stu-dying" fun.
Kinuha nila ang laptop at nakikibasa rin sila ng powerpoints at papers.
"Sus. Wag na kayo magaral. Madali lang 'yan! Ako nga alam ko 'yan." Pagyayabang ni Michael nang tignan niya ang powerpoint.
"Really? Nalaman mo agad 'yun sa first slide ng powerpoint?"
"Well," He wiggled his brows then shrugged. "Ganon talaga pag matalino."
"Pahiram naman ng utak mo, Michael. Kahit isang araw lang." I joked.
"Kung utak ang paguusapan, kay Tan ako. Sure pa akong may laman." Sabi ni Rhian.
Tumawa kami sa sinabi niya at nagcomment pa si Joseph. "Basag!"
"Wait wait. Totoo ba 'to?" Pinakita ni Tiffany ang phone niya kay Michael.
Ngisi ngisi si Michael. "That's my man!"
"Lakas ni Oliver."
Tinutukso nila si Oliver kaya nakitingin ako at napangiti.
Kasama niya sa event 'yung nililigawan niya at may picture na nakatag siya. It was the girl who uploaded the photo and captioned heart emoji.
And this only mean one thing..
"Uy si Michael papainom." Sabi ko bigla na nagpaalala sa barkada.
"Hindi nga kayo kasama doon."
"Oo nga. Yabang ka pa ah? After midterms namin Michael."
Humalukipkip siya at tumango, "Oo na. Oo na."
Dumaan lang talaga sila para magdala ng food at makigulo sandali pero iniwan rin nila kami agad after sometime.
Takot lang nila na bumagsak kami. Tsaka nandito rin ang parents ni Tiffany kaya nahihiya silang magtagal because it's exam week.
Naging tahimik nanaman ang kwarto at bumalik nanaman kami sa study mode. Inayos ko lang ang notes ko tonight at bukas talaga ako magaaral.
Si Rhian ay sinisimulan nang magbasa habang kami ni Tiffs ay chill life lang.
She's just scrolling through Facebook while I'm busy texting.
Ang kulit rin kasi nitong si Tristan. Sinabi ko na ngang kaya ko naman ang magcommute on Monday pero pinipilit niyang ihahatid na niya ako.
Sinabi ko na ang lahat ng pwedeng sabihin para lang hindi siya makasama alone dahil baka mangyari nanaman 'yung last time na mapatitig ako. Nakakahiya talaga!
Tumawag rin siya sa huli dahil hindi niya ako maconvince sa text.
"Bakit ka ba kasi dadaan dito?"
"Ihahatid ko si Mama sa kaibigan niya. Isasabay lang kita. On the way naman ang bahay ni Tiffany."
"Bakit mo naman ako isasabay?"
Naisip ko na baka isa nanaman 'to sa lies niya like last Christmas. Ang dami kaya niyang excuse palagi kaya tinatanong ko talaga ng maigi.
Ayaw ko naman na gigising siya ng maaga para lang ihatid ako.
Actually, baka nga totoo. Kasi bakit naman niya ako dadaanan kung hindi. Alangan sadyain pa niya talaga dito diba.
"Hassle ang magcommute. Magtatawag ka pa ng tricycle on your way out and that's a waste of time."
I'm very sure it's my time I'm wasting and not his pero parang mas irita pa siya kaysa sa akin.
"Edi gigising ako ng extra early. Tristan, wag na kasi."
"You can review on your way too."
"Magcocommute nalang ako." I said sternly.
Sa totoo lang ay ayaw ko rin magcommute. Sino bang may gusto diba. Kaya nga ako nagcondo malapit sa school dahil ayaw ko ng hassle ng pagcocommute. Ayaw ko lang talaga magpahatid sa kanya dahil ayaw kong isipin na may something.
Baka kasi iba ang maging interpretasyon niya at ng mga kaibigan namin. Isa pa, hindi naman niya ako kailangan daanan kahit na on the way dahil kaya ko naman mag-isa.
Alam ko naman sa sarili ko na hassle dahil gigising ako ng mas maaga kaysa sa usual gising ko which I can use to review pa pero sumama pa rin ako dito so it's a consequence I have to take.
"Fine. Okay." He sighed. "What time is your exam again?"
"9 pa naman."
After that akala ko okay na because he didn't ask the next day but when Monday comes, nagulat ako nang paglabas ko sa gate ng bahay ay nandoon nakaparada ang kotse niya.
"Jhedea."
What the hell.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.