Chapter 19 - Trust

6.9K 142 0
                                    

Agad napagdesisyunan na magwawater activities pagkatapos magmerienda. Okay lang naman sa akin pero mukhang ayaw ni Tiffany dahil ayaw niyang umitim.

Wala lang naman sa akin ang umitim dahil mabilis naman bumalik ang kulay ko. And for some change rin.

"Game na, Tiffs!" Inaalog ni Rhian ang braso niya.

"May pa akong party pagkatapos nito. Ayaw ko naman maging nognog dun."

"Maligo ka nalang sa sunblock. Okay lang 'yan."

"Dapat hindi ka na sumama." Malakas na sabi ni Michael.

Alam namin na papayag rin siya dahil pag si Michael ang nagsabi ay napipikon siya. Palagi kasi siyang trip nito.

"Sana hindi ka na rin sumama." Sagot naman ni Tiffs.

"Para date kayo? Para-paraan ka." Sabi ni Joseph.

"Yuck. Kadiri lang talaga."

"Sasamahan ko nalang 'to dito. Kayo nalang magactivities. Kawawa naman, e." Balewalang sabi ni Michael at tinapik sa balikat si Tristan.

The five of us exchanged knowing looks and smiles.

"Ikaw kasama ko? Nako wag na. Sasama nalang ako. Sabihin mo pa crush kita." Maarteng sabi ni Tiffany at kunyari pang nasusuka.

Bangayan ng bangayan 'tong dalawang 'to, kung hindi mo sila kilala aakalain mong magjowa kaysa mag best friends.

"Ano palang problema? Tara na. Aarte pa kasi. Tsk."

Nasa dagat lang kami buong araw. Island hopping, banana boat, jetski. Halos lahat ay ginawa namin. Inabot na kami ng paglubog ng araw.

Naligo at nagbihis na kami pagkatapos. Naunang natapos sila Tristan kaya nauna na silang umalis para maghanap ng makakainan. Samantalang ako ay hindi pa alam kung ano ang isusuot.

"Kung pinagdala niyo kasi ako ng damit diba."

"Wag ka nang ano, wala ka naman choice. Tsaka pareho naman tayo ng taste."

Buong trip ko ata kailangan pagtyagaan mga damit ni Tiffany. They are pretty but I don't think it suits me.

After dinner we all got our own free time. Kung anong gustong gawin. May balak atang maghanap ng chicks sila Michael kaya sinuggest niya iyon.

May boys talk nanaman kasi silang ganap kanina.

"Saan kayo?"

"Babalik ng room. Ikaw saan ka?"

"Lakad lakad lang then babalik na rin siguro."

Hindi naman nakakatakot dahil marami ring tao at may mga ilaw naman.

Naglalakad lakad ako nang makita ko si Tristan sa malayo. I know it's him base sa silhouette na nakikita ko. Pero sinigurado ko pa rin kaya lumapit ako.

Ginulat ko siya pero hindi man lang siya napatalon o ano. He just looked weirded by me.

"Oh. Sila Oliver? Hindi mo kasama?" Sabi ko nalang since pahiya ako sa stunt ko.

Umiling siya, "Hindi ko alam."

"Bakit hindi ka sumama?"

Nginitian lang ako at umupo buhangin kaya ginaya ko rin siya.

Imagine the first time na sumama ako sa outing nila naiinis pa ako sa kanya at iniirap irapan ko pa siya. But look at us now. Sitting side by side.

Time flies so fast they say. Who would have thought na darating 'tong araw na 'to na magiging close kami. Never in my life maiisip ko 'yun. For me he's just this annoying chubby boy that I hate.

Hindi ko rin napansin na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Buti nalang hindi pa niya napapansin dahil malayo ang tingin niya.

"Pwede ba ako magtanong?"

"That depends."

"Damot. Pero itatanong ko pa rin ha?" Sabi ko. "Ano palang nangyari sa inyo ng ex mo?"

His brows shot up immediately.

"Uhh actually nevermind. Hindi ko na pala gustong malaman." I waved.

Bakit ko ba 'yun tinanong. I know he's sensitive when it comes to that.

"Really? Are you always this curious?" His reaction surprised me though. Akala ko maiinis siya but he look rather amused to me.

Okay. I'll just ask then. "Diba mahal mo pa siya? Why let her go?"

"You want a serious answer?"

I rolled my eyes. "Of course."

Tumagilid ang ulo niya sa akin at ngumuso. "Why are you asking when you know what happened?"

"Itatanong ko ba kung alam ko?"

I tried avoiding his knowing look. Tinawanan lang niya ako.

"Let me tell you this. Once someone lose my trust, they never really get it back," He shook his head. "No matter what they say."

"Paano pag nagsinungaling ako sayo?"

"Did you?" He turned to me.

Agaran ang pagiling ko. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya diba? Hindi ko na tinuloy so that means okay na 'yun.

Tumawa lang siya sa reaksyon ko. "I trust you, Jade."

Awkward lang akong tumawa. I immediately shift the subject.

"So if she didn't have your trust anymore bakit tinanggap mo pa rin siya?"

"Honestly? I have no idea. It just happened." I know he don't want to talk about it anymore pero sinasagot pa rin niya mga tanong ko.

"And then? Nakita ko lang siya sa bahay ni Michael. Nagtaka lang ako bakit wala siya sa La Union."

"Don't believe when someone says third time's the charm." He chuckled. "I'm not stupid, Jhedea."

My name sounds great when he's the one saying it.

"I'm sorry but you give off that vibe so.." I trailed and grinned.

I just love how this conversation is going.

xx

We ended up being pulled by Oliver and Rhian. Apparently kanina pa nila kami hinahanap dahil mag-iinom sila at wala kami.

"Tara dito! Nagsosolo nanaman kayo." Tinawag kami ni Michael.

Natawa lang ako. "Ano ba ginagawa niyo?"

Tinaas ni Joseph ang bote. "Inom tsaka laro."

"Truth or dare?" Tawa ko. Ang walang kamatayang truth or dare.

"Truth lang."

Umupo ako sa tabi ni Tiffany at ni Joseph.

Then it's Michael's turn. "Brad ito ah seryoso, maganda ba si Tiffs?" Tanong ni Oliver.

Hindi nagsalita si Michael. He just nodded and drank his beer.

Ginaya siya ni Rhian. "Ano 'yun? Yes or no lang."

"Edi yes."

"Uyyy ganda ka daw." Pangaasar ni Joseph sa kanya.

"Maganda naman talaga ako." Humalakhak si Tiffany.

"Ano tingin mo. Gwapo ba 'tong kaibigan natin? Pwede na ba?" Tristan teased.

Nginisian niya si Tristan. "Nope, not falling for that shit." She waved her finger at him. "Not my turn yet."

Inikot ni Michael ang bote at saktong natapat ito kay Tristan. Hindi na siya nakaisa tapos natapat pa sa kanya. Hah, lucky guy.

"It's you man." Tinampal ni Michael ang dibdib ni Tristan.

"Kung may pagkakataon, would you date Jade?"

It was Tiffany's turn to get back at him.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon