What I've learned these past few weeks is that happiness and sadness co-exists but sadness is not actually the opposite of happiness. I realized that it's emptiness.
Honestly it feels like I have to force myself to wake up from a good dream. 'Yung feeling na ayaw ko pang gumising but I have to.
Parang zombie tuloy ako na hindi ko alam kung ano nang gagawin. Hindi ako motivated gumawa ng mga bagay bagay. I just.. I don't know how to explain this emptiness but you know the feeling when suddenly you lost interest in doing anything anymore. Kaysa lumabas at tumambay mas gusto ko nalang magstay sa condo. And I used to complain a lot about school but now I just go to school without complaining and do everything that I have to do just to keep myself busy.
And again I checked my phone if there's a text from him but there's none.
His last message was the day we last talked. Nagtext lang siya saying nakauwi na siya and after that hindi na siya nagparamdam.
Hindi rin ako nagreach out because like he said he needs time and I respect his decision.
There's a part of me that is still hoping that he'll forgive me and everything will be okay again. After all he said he just need a few days but we didn't break up, right?
Maybe he really just needs few more days. Yup, that's it. Sana nga tulad ng sabi ni Tiffany na hindi niya ako matitiis.
Tamad na tamad akong tumayo para magbukas ng pinto at sinalubong ako ni Tiffany at ni Rhian na may dalang pagkain at kape.
"Surprise! We're having girls night out."
Tumingin ako kay Tiffany. Siya nanaman ang nagpasimuno nito sigurado ako.
She just shrugged at me saying, "Wala eh, ayaw mong lumabas edi ininvite ko nalang si Rhian."
"Alam mo pagmalungkot ako, kumakain lang ako at pagkatapos, feeling ko okay na ako." She sets the food on the floor.
I even have to force myself to smile. Tingnan ko ang pagkaing dala nila. May fried chicken, fries at pizza.
Hindi ko alam kung maaalis ba ng pagkain ang lungkot ko pero ayaw ko naman sayangin ang effort nilang dalawa para pasayihan ako.
"Dapat talaga alak ang dadalhin namin pero girl no one can handle the three of us drunk. Imagine paano na tayo pag nagkataon?" Tumawa si Tiffany.
This time natawa rin ako because it's true. Baka palayasin na kami kinabukasan dito ni Tiffany.
"And no alcohol allowed here baka mahuli pa tayo so we bought coffee instead" Tinaas ni Tiffs ang cup niya at binigay ang isa kay Rhian.
Inabot naman ni Rhian sa akin ang cup na hawak niya. "This is yours since you don't like coffee. Hot chocolate for the kid."
"Thanks."
Nakaupo kaming tatlo sa sahig habang nakapaligid naman sa amin ang mga pagkaing binili nila.
"Wala pa rin?"
Umiling ako.
"Feeling ko nagiinarte lang 'yan si Tan. Hindi halata pero maarte kaya iyon!"
"Magkikita ata sila ni Michael ngayon I'm not sure. Tawagan natin?" Rhian suggested.
"Bakit tatawagan? Wag na!" Umiling ako.
"Wala naman masama. Ako tatawag. Hindi naman niya alam na kasama kita."
Magproprotesta pa sana ako pero hindi siya nagpapigil at tinawagan na nga niya.
"Saan ka?"
She put the phone in loudspeaker mode and motion us to keep quiet.
"Bakit?"
"Walang magawa tara tambay!" Sabi ni Rhian.
"Saan?"
"Anywhere. Coffee? Si Jade kasama mo? Tinext ko na si Tiffany kanina. G daw pero wala si Jade."
There was a pause. Halos hindi ako makahinga dahil nabanggit ang pangalan ko.
"No I'm not with her. Saan daw siya pupunta?"
Nakita ko ang pag ngisi ni Rhian.
"Sino, si Jade? Hindi ko alam. Ano go ka ba sa tambay?"
"Pass. May lakad ako ngayon."
Nag high five ang dalawa pagkababa ng phone.
"Gusto ko 'yung ginawa mo ah!" Sabi ni Tiffs.
Nakatanggap agad ako ng mensahe sa cellphone. Nagkatinginan kaming tatlo.
Kinuha ko naman agad ang phone ko at tinignan ang message.
Tristan:
Saan ka?"Si Tan ba 'yan? Sabi sayo hindi ka matitiis nun."
"Sabihin mo kasama mo blockmates mo. Ahh," nagisip si Rhian. "Sabihin mo paparty ka!"
Pero nagdalawang isip ako. "Ayaw ko. Magsisinungaling nanaman ako sa kanya?" Umiling ako.
"Hindi naman niya malalaman! Tignan lang natin kung anong sasabihin niya."
"Hindi magagalit 'yun. Mas magagalit pa 'yun pag nalaman na niloko ko siya. Isipin niya pinagtritripan natin siya."
"Ayaw ko! Madagdagan pa kasalanan ko."
"Sige na nga. Sabihin mo nalang pauwi ka na, ganon."
Me:
Pauwi na sa condo.Tristan:
Saan ka galing?Mabilis ang reply niya.
Me:
Kumain lang.Tristan:
Okay. Ingat ka.It was a short conversation but it's enough for me. I would say Rhian lying to him was worth it because I got to text him.
"At least now we know hindi siya galit sayo. See he still cares for you."
"Medyo nadisappoint lang ako kasi ineexpect ko tatawag siya. Well.."
"Sa totoo lang ah, ang arte talaga niya. Para sa akin it's not really a big deal tsaka hello ang saya saya niyo kaya sa company ng isa't isa tapos sabay ganito. Magbabati rin kayo. Nawitness ko kaya mga moments niyo," Sabi ni Rhian. "Literally nandoon ako sa tabi. So carry lang girl."
"Kaya nga. 'Yun nga sabi ko. Wag ka masyadong magemote dyan, hindi bagay sayo, Jade."
"Tristan needs to wake up. Pag hindi pa 'yun nagparamdam sayo nako lagot 'yan sa amin!"
"Uy friend ngayon lang kita nakitang ganyan!" Inasar ni Tiffs si Rhian.
"Alam mo 'yan!" Tumawa si Rhian.
"Kung alam mo lang Jade! Never pinagtanggol ni Rhian si Erielle. Not once. Salbahe kaya 'yan. Siya pa ang nagpupush kay Tristan na hiwalayan na daw si Erielle."
"Hoy anong ako ikaw rin kaya! Ako lang nagsasabi but that was your idea!"
I'm thankful to have friends like them. Although mas matagal silang magkaibigan ni Tristan and I'm the one who screwed up here, nandito sila para sa akin.
My friends might be crazy and mean sometimes but they are my friends and I love them.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.