Chapter 10 - Half B

8.8K 152 1
                                    

Hindi ko alam bakit pero ang sarap ng tulog ko. Perhaps it's the alcohol? But I didn't even drink that much that last night. Or maybe it's Tristan? Just maybe.

Let me get this straight, hindi dahil sa may gusto ako sa kanya pero kasi feeling ko for once, after last night that I get to know him, medyo tolerable naman pala siya. If I didn't know him before hindi ko iisipin na may ganon side siya because he's been nothing but a charming and a cool guy last night.

Tiffany was right. He is indeed very charming. He's attractive in his own way especially his weird head banging.

Hindi ko inexpect na uuwi dito sa condo si Tiffany ngayon. Madalas kasi Monday na siya bumabalik and it's just Sunday.

"Bakit nandito ka na?"

"Bawal? Nagbayad naman ako ah?" Biro niya.

"Parinig ba yan?"

Tumawa lang siya at tumabi sa akin sa kama.

Nginingitian niya ako ngayon ng nakakaloko. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Bakit?"

"Lasing ako pero naalala ko. Sumayaw kayo ni Tantan! Ano iyon girl?" Inasar ako ni Tiffany.

I knew she was gonna tease me about it. And here I am hoping that she wouln't remember. Oh well..

"For one, he didn't dance naman. And two it's because he looked left out. Mabait nga kasi ako diba?" Nagiwas ako ng tingin kasi ganon pa rin ang tingin niya. It's making me uncomfortable.

"Bakit ka ba gumagawa ng issue? Hinila ko rin naman sila Oliver." Dagdag ko pa to defend myself.

"Parang hindi, e. Parang may something." She teased more. "So tell me, kasama ba 'yun sa befriending-Tristan plan mo?"

"No!" That sounds too defensive but I don't care. "I mean it's your birthday so hindi ko muna inisip 'yun. Nagkataon lang na day off ang bitchy side ko."

"Edi may something nga? Nako girl ha. Ano, sabi sayo he's not that bad diba! Nainlove ka na ba?"

"Pwede ba, Tiff! Hindi noh pero yup. Pwede na, not that bad, except the fact that he doesn't know how to dance." Tumawa ako ulit dahil naalala ang gabing iyon. "Pero hindi ibig sabihin na gusto ko na siya." I reiterated.

"Sabi mo eh." She shrugged. "But I wouldn't mind you liking him. Sa totoo lang, I ship you two."

I know she would push this topic.

"Yuck. Okay stop na."

"But if ever,"

I made a disgusted look.

"Hindi ka naman diring diri noh? If ever lang naman! Masasabi ko lang mas gusto kita kaysa kay Erielle."

"Kahit sino naman ata gusto mo wag lang siya."

She rolled her eyes. "She's bitchy. Not likable at all. Ewan ko anong nagustuhan na Tan dun. Buti nalang break na sila."

"And I'm not bitchy?" Tumaas ang kilay ko.

She chuckled. "You are pero sabi mo nga at least sayo may day off."

"Actually I wanna know more about them. Ano bang nangyari?"

"Bakit ka curious? Akala ko ba.." She trailed.

And she is putting a meaning into this again. Gusto ko lang malaman so that I know how to get back at him. More information, the better.

"Basta. Dali na! I need more info. You know, para naman makabawi ako baka naman mali mali pa ang information ko nakakahiya naman."

"I don't think using this is a good idea. Sensitive talaga siya pag ito ang topic so I suggest to think of another. Kaya nga never namin pinaguusapan diba."

"Bakit naman? Past naman na. Ikaw nga eh.."

"Hindi ka pa kasi nagkakaboyfriend and you have never been cheated kaya hindi mo maiintindihan." She sighed. "Anyway, ikekwento ko pa rin para lang malaman mo and para naman hindi ganon kasama ang tingin mo sa kanya."

xx

After knowing all of that. Well.. Isa lang talaga ang masasabi ko. Tanga siya. Imagine niloko na siya nung ex niya pero binabalikan pa rin niya. Tapos paulit ulit nalang nangyayari. No wonder ayaw nila sa kanya.

But can I really judge him if I haven't even been in love before? Lahat naman kasi nagpapakatanga para sa pag-ibig. Who knows? One day I might be one of those people.

Tanga ba siya kung all he ever did was love Erielle? I don't know. I don't want to know.

"Basta ha? Don't mention this in front of him. Unless siya mismo magsabi."

"Bakit hindi? Okay nga 'yun eh. Pag ginawa ko 'yun edi masasaktan siya."

"Gaga ka! Wag ka nga. Malaman pa na kinwento ko sayo."

"Sabihin ko hula ko lang."

Tinignan lang niya ako at sumimangot.

"Oo na. Joke lang! Pasalamat lang siya at kaibigan kita. Kung hindi nako!"

"See, sabi na half bitch ka lang." Tumawa si Tiff. "Matulog na nga tayo. Diba maaga ka pa bukas? Goodnight roomiebells."

Pero hindi ako agad nakatulog kasi iniisip ko pa rin 'yung sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung gusto ko pa rin makabawi sa kanya. Baka karma na niya 'yung sa kanila ni Erielle sa nga ginawa niya sa akin and maybe sa ibang tao pa.

Nang dahil sa kanya hindi ako makatulog dahil tinatamaan ako ng konsensya. Kakasar ah, kahit na wala pa naman akong ginagawa nagiguilty na ako.

On the second thought, hindi ko naman kasalanan na niloko siya ni Erielle. All I can do right now is hate her too. Maganda siya pero hindi naman sobrang ganda para gawin 'yun and even though sobrang ganda siya hindi pa rin tama.

Palakpakan ko nalang siya. I don't know what's going on her mind pero nagawa niya 'yun kay Tristan? Naalala ko mga babae sa school namin dati gwapong gwapo sa kanya. Halos lahat ng lower batch ay may crush sa kanya. Pagtatawanan nalang siya ng schoolmates namin pag nalaman na nagpakatanga siya.


Hay Tristan! Sayang ka. Gwapo ka pa naman. Pero hindi pa rin sapat na niloko ka ng ex mo para mapigilan ako sa gusto kong gawin sayo. At lalong hindi uubra ang kagwapuhan mo sa akin.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon