Nope, wala akong gusto sa kanya. Hindi ko siya gusto. Hindi ko gusto si Tristan.
"Aminin mo na kasi. Gusto mo si Tan."
I keep telling myself that despite hearing Tiffany's voice inside my head.
"I will keep on reminding you para hindi mo makalimutan." She said one time.
True enough hindi ko nga nakalimutan. I couldn't because every time I try to deny her voice pop up.
Hindi ko naman talaga siya gusto.
"Denying won't make things easier, Jade."
Oo na. Gusto ko si Tristan.
This is the first time I'm saying this. May gusto ako kay Tristan. Kahit kailan hindi ako umamin na may gusto ako sa isang tao. Kahit na crush ko ay hindi ako umaamin. I just tend to keep it to myself.
I'm kind of proud of myself. Gusto ko si Tristan. Well, it's not that hard but it took me weeks and almost end our friendship just because I can't admit it.
But.. how did it happen?
How in the world would I learn to like Tristan? Paano nangyari 'yun kung dati ay ayaw na ayaw ko sa kanya. Makita nga lang siya ay nasisira na ang araw ko pero ngayon halos gusto ko ay 'yung palagi ko siyang nakikita.
No one has the answer. Not even myself. It's hard to answer when I don't know how and when. Nagising nalang ako na gusto ko na siya. Everything about him make me smile. The truth is I tease him every time I see him because I just want to hear his voice.
What's the percentage that someone like me would like someone like him? The answer would be zero or even negative pero ano ako ngayon? Kinain ko lahat ng sinabi ko because I still did anyway.
Sigurado akong aasarin ako ni Tiffany pag nalaman niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Number 1 shipper pa naman namin 'yun. Malamang sasabihin niya na she's right and will tease me non stop. But she will also be the happiest that finally, I admit it to myself.
Wala naman kasi akong hindi magugustuhan kay Tristan. Bukod sa paminsan ay nakakainis siya, wala, he's perfect like he's made for girls to fall in love with. He's everything a girl could ask for, actually.
Pero hindi dahil doon kaya ako nagkagusto sa kanya. I hated him at first, his guts and even his looks. Dahil alam niyang gwapo siya he can get away with everything that he does. I guess I just like him because he is Tristan. The one who annoy, tease and make me laugh all at the same time. He is the one that can make everyone love him with simple gestures. Ginagawa rin naman nila Joseph o nila Michael ang ginagawa niya sa akin but he's just a bit different from others.
These are the thoughts that goes through my head during the ride home. Kailangan ko lang pala makauwi para marealize ang mga ganyang bagay. Emote pa sa bus, Jade.
Well finally hello home. I missed you.
Dala dala ko ang mga cupcakes na ginawa ng Mama ni Tiffany. Pinadala niya talaga sa akin dahil alam niyang uuwi ako. Tiffany's Mom is really sweet and considerate. Hindi ko lang alam kung bakit nakukulitan sa kanya si Tiffany. I guess we all are like that to our mother.
"Uy cupcake 'yan?"
"Yup, galing sa Mama ni Tiffs."
"Namiss ko 'to. Walang tatalo dito." Halos tutulo na ang laway ng kapatid ko. Sabay sinamaan niya ako ng tingin. "Tagal mo kasi hindi umuwi!"
Nasabi lang ni Tiff's sa Mama niya na type namin ang gawa niya ay palagi na siyang gumagawa pag alam niyang uuwi ako.
"Sorry na. Exam week nga kasi." Tapos tumingin ako sa mesa at kay Mama. "Ma, ano ulam?"
"Ikaw talaga. Halika na kumain na."
xx
Pumasok si Ate ng kwarto ko na may dala dalang cupcake.
"Anong ginagawa mo?" Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama.
"Ate paano malalaman kung may gusto sayo isang tao?"
Napalingon agad sa akin si Ate. "Bakit?"
"Wala lang."
"Hmm.. pag sinabi niya sayo. Or when he shows it. Mahahalata naman siguro kung hindi normal." Kumagat siya sa cupcake.
"Paano kung sweet lang talaga siyang tao?"
"Ayun lang. Paasa 'yan, hindi sweet." Tumawa siya. "Word of advice, you should always be able to differentiate kung nilalandi ka lang ba o hindi para hindi ka masaktan."
Ngumuso ako. So paano nga? Hindi ko rin masabi dahil hindi rin naman niya ginagawa kay Tiffany o kay Rhian mga ginagawa niya sa akin.
"Kanina ko pa talaga napapansin. Sabi na may kakaiba kang aura! In love ka sis noh?"
Bigla kong hindi napigilan ang pag ngiti. Binawi ko agad nang mapatingin siya sa akin.
Tinulak niya ako dahil nakita niya ang pagngiti ko. "Totoo nga? In love ka?"
"Hindi. Ate naman!"
Pinausog niya ako at tumabi sa akin. "Hindi ko rin alam ah. Pero si Aldwin kasi, palagi niya ako niyayayang umalis. Sympre kilala mo ako pakipot effect muna," Ngumisi siya.
"Pero makulit talaga siya. Kahit na sinabi ko nang ayaw ko. He always push it, he has his way to make me go out with him."
"Pag ganon ba may gusto na?"
Naglibit balikat siya. "Tignan mo naman kami na ngayon. Pero usually ganon naman talaga. Ikaw, bakit mo ba tinatanong 'yan. May nagugustuhan ka na?"
Todo iling ako pero hindi na ako nakapagexplain dahil may dinagdag siya.
"Ay meron pa pala! When he argues with you." Tinuro niya ako. "It not healthy pag palagi kayong nag aaway but know that he argues only because he cares."
Tristan always coincidentally shows up near my condo. At pag may ayaw akong bagay ay palagi niya akong pinipilit. Tristan always has something to say since he thinks he is smart so given rin na we always argue and recently we just had a fight.
"So what do you think, sis? Gusto ka rin niya?"
So does this mean that he like me too? But he made it clear we're just friends the last time I saw him though.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.