True enough they were there. All of them! Si Oliver na nakatayo sa gate habang nasa kotse ang iba. Sinigaw pa ni Rhian ang pangalan ko at kumaway.
"Surprise!"
Isa isa silang bumaba ng kotse. Nakapang outing outfit sila dahil lahat sila ay nakashorts at sando sa mga lalaki tapos crop top at off shoulder sila Rhian.
"Seriously? Bakit kayo nandito?" This is unbelievable. They are here! "Anong trip niyo?"
"You couldn't come so we bring the party to you." Tiffany said.
"Gulat ka noh?" Tawang tawa si Rhian.
Umiling ako because I'm too surprised right now.
"Seryoso?" Tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Ay, word of the day lang? Nandito na nga kami, o." Tumawa si Rhian.
"Ano ba. Nakakagulat kasi! Seryoso na, anong ginagawa niyo dito?"
Tumingin ako kay Tristan para humanap ng sagot. Tumaas ang kilay niya at nagkibit balikat lang.
"This is counted as out of town naman diba? So we're here. And para makasama ka rin." Tiffany trailed.
"The truth is," Rhian started and they all glanced at each other with smiles. They all smirked like they're planning to do something I'm not going to like.
Tapos lumapit si Joseph sa akin at binulungan ako. "We're kidnapping you."
Bago pa ako makareact ay hinila na ako ni Michael. I found myself being dragged to Tristan's car.
"Wait! Hindi pa ako nagpapaalam!" Sigaw ko. I don't know if our neighbors could hear me but I'm really shouting because they are kidnapping me for real.
"Don't worry, Jade, pinagpaalam ka na namin." Rinig kong sabi ni Rhian bago nagsara ang pinto.
Pero nakapambahay pa ako while they are all dressed up.
Gusto ko man bumaba at tumakbo pabalik sa bahay ay hindi ko magawa dahil nakahawak si Tristan sa kamay ko.
"Not a chance." Then he locked the door.
"Hindi niyo man lang ba ako pagpapalitin ng damit?" Nakauniversity shirt pa ako at animal print na pajama.
Iling lang ang sinagot niya sa akin.
"Wow. Hindi na ako nainform hindi pa ako pagpapalitin ng damit. Great!" Sarcastic kong sabi.
Akala ko niloloko lang niya ako because he always do that to me but when then I saw Rhian's car moved and Tristan started driving. Holy shit! They are not joking.
"I told you last night. Ikaw lang 'tong hindi naniwala." Aniya.
Sino naman kasing maniniwala?
"Fine. Since mukhang hindi na ako makakapagpalit talaga. Itatanong ko nalang kung saan tayo pupunta."
Nagkibit balikat lang siya habang nagmamaneho.
"Damot."
Daya wala akong kaalam alam sa nangyayari. I don't know anything until they showed up earlier, well until now.
Bigla rin ako may napansin sa set up.
"Tsaka bakit ba ako nandito? I should be with the girls."
"Ayaw mo ba akong kasama? I was told that I'm fun to be with."
"No you're not. I don't even want to see your face. Nakakairita kaya."
"Hmm.. I thought you miss me."
Lumaki ang mata ko tapos umiling.
"Okay," Then kinuha niya 'yung phone niya at inabot sa akin. "Call them. Ask them to stop para makalipat ka."
Napatingin ako sa kanya. Nagbibiro lang naman ako. Why is this guy so serious? Kinuha ko 'yung phone para ibalik sa lagayan.
"On the second thought, mas okay dito, tahimik." Humalukipkip ako. Alam niya talaga kung paano ako mapapatahimik.
Then he smiled for a second. Tignan mo 'to!
"Sabi na namiss mo talaga ako."
Kanina pa 'tong si Tristan.
"Gusto mo ako nandito kasi namiss mo rin ako?" Tanong ko. Aasarin ko rin sana siya at naghihintay ako ng sagot ng bigla siyang ngumisi.
"Rin? So you did miss me." Tumango tango siya habang nagdadrive.
That's not my point though.
"Epal mo talaga noh?" Hinawi ko ang buhok sa pagkairita.
Nanliit lang ang mata ko sa kanya habang inaantay na mapansin niya ako.
And by doing that I also checked him out a bit. In fairness bagay talaga sa kanya ang ganitong look. I don't like it when men wear sando. But look at him! Bakit ba kasi bagay sa kanya ang sando. He's making me change my perspective.
"Matutunaw na ako niyan." Aniya. "Oo na, may damit ka sa kotse ni Tiffs. Galit ka na naman."
"Galit talaga ako. Sinong matinong tao ang gagawa ng ginawa niyo? Wala, Tristan. Wala, kayo lang."
"Sino ba may sabing matino kami?" Sagot niya. "So stop whining."
"Sabihin mo lang kung gusto mong umuwi. Ayaw mo ba kaming kasama? Hahatid na kita pauwi sa inyo." He added.
Seryoso na ang boses niya ngayon kaya alam kong hindi na siya nakikipagbiruan sa akin.
"Hindi na. Baka singilin mo pa ako sa gas." I folded my arms.
"I thought so." He turned to look at me.
Sinamaan ko siya ng tingin but I smiled afterwards. I really hate this guy because he's the only one who can make me smile and irritate me at the same time.
"Wala ka bang balak sabihin kung saan tayo pupunta?"
He sighed, "Beach." He said like I was asking an obvious question.
"Tsk, ayaw pa sabihin kanina."
Sa totoo lang naeexcite na ako sa kung anong mangyayari sa outing na 'to.
I guess this year's Christmas break would be a memorable one.
Medyo malayo layo rin ang binyahe namin bago nakarating sa lugar. Kawawa nga 'tong si Tristan siya lang ang nagdrive samantalang sa kabila ay palit palit sila.
Hindi naman ako makapagoffer dahil hindi naman ako marunong. Ginusto rin naman niya 'yan.
Siya ang masipag na palaging nagdadala ng sariling kotse. Ayaw kasi niya siya 'yung nakikisakay dahil pag may emergency daw ay madali siyang makakabalik. May sense naman rin ang sinabi niya.
Nagulat ako dahil iisang kwarto lang pala kaming lahat. The last time separate ang room ng boys sa girls pero dahil peak season nagkaubusan na ng rooms kaya isang malaking kwarto ang nabook.
"Nagdala ako ng marami since wala ako masyadong mahanap na damit mo sa condo." Inabot sa akin ni Tiffany ang isang napakaikling shorts at racerback.
"Wala nang iba?"
"Meron." Aniya. "'Yung suot mo ngayon kaya wag ka na magreklamo. Sexy ka naman."
Bihira akong magsuot ng ganito kaya medyo naiilang ako. Paglabas ko ay lahat ay napatingin sa akin.
Saktong nasa may bandang pintuan si Tristan kaya siya ang unang nakita ko. Tumaas ang kilay niya at ngumisi.
"Ano?" Irita kong sabi.
"Anong ano?"
"Nako Tantan! Tigilan mo nga si Jade." Tinulak siya ni Rhian para dumaan.
"Anong ginawa ko?" Tawa niya.
"Mga tinginan mo, pang manyak."
"I like her pajamas more. Mas sexy." Humalukipkip siya.
"Ouch!" I heard Tiffs commented.
Pero hindi ako doon nakaconcentrate. Ano daw, mas sexy?
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
Storie d'amoreI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.