"Jhedea."
I was just standing there staring at him. He really did come here. Akala ko ba sabi niya fine hindi na siya pupunta. Eh ano pala 'to?
So this is why he asked what time is my exam. Akala ko naman gusto lang niya malaman. Ayun pala may iba siyang binabalak.
"Tristan, 'yung totoo? Ito 'yung fine, okay mo?" Tinuro ko siya at 'yung kotse niya.
Nginitian lang niya ako. "Tara?"
Parang wala lang sa kanya na nakasimangot ako. Pangiti ngiti pa siya sa akin. Hindi pa rin ako pumapasok kaya binaba niya ang bintana at tinawag ako.
"Come on, Jade. Just get in. Walang tricycle, baka malate ka lang."
Mariin akong pumikit bago pumasok.
"Sumakay lang ako dahil walang tricycle." I said when I got in.
He just shrugged and smiled before he started the car.
That was true though. Hindi talaga ako sasakay kung may tricycle dahil hindi porket pumunta siya ay papayag na ako sa gusto niya.
Binabasa ko ang notes ko habang tahimik lang siyang nagdadrive. Tapos na akong magreview kagabi at props ko lang ang papers ko para may rason akong hindi siya kausapin. Nabobother kasi ako sa rason kung bakit niya ako gustong ihatid. I get it, kahit on the way ang school sa bahay niya ay hindi naman niya kailangan gawin 'to.
Napapansin ko pa na nililingon niya ako kada stoplight. Una ay hinahayaan ko lang siya pero nung hindi ko na matiis inangat ko na ang tingin ko sa kanya at nagtaas ng kilay.
"Bakit?" Siya pa ang nagtanong.
"May gusto ka bang sabihin?"
He hesitated for a second then ask, "Galit ka?"
"Hindi. Bakit naman?" Pero iritado ang boses ko.
"I don't know. Parang galit ka kasi."
"Oh ano meron sa itsura ko?" Mataray kong sabi.
Hindi ako galit pero hindi ako natutuwa na pumunta talaga siya. I was surprised, really surprised. God, I hate Tristan for this!
"May pasok ka mamaya diba?"
"Yeah."
"Tapos may time kang daanan ako? Dami mong time ah."
"Wala rin akong gagawin sa bahay. As I said, on the way so why not?" Saglit niya akong nilingon. "I would do the same for Rhian and Tiffany."
Ayan nanaman siya saying their names as if maniniwala pa ako sa kanya.
"Really huh." I faked a laugh.
I get it we're close pero hindi naman siguro kami aabot sa ganitong level na close. Inaasar na nga ako ni Tiffany na kaphone pal ko siya dahil lagi niya kaming nahuhuling magkausap.
Which is siya ang laging tumatawag. Hindi ko alam kung wala lang ba siyang magawa o talagang gusto niya akong kausap. I don't want to think that it's the latter though.
Hindi ko nagagawang makipagusap sa ibang boys sa barkada sa phone ng matagal bukod sa kanya. He's the only one I can talk to without running out of words to say. Si Tiffany nga hindi ko naman nakikitang kausap si Joseph or even Michael. Close pa sila sobra nun ha.
Ayaw kong magassume na may something sa amin ni Tristan because clearly wala. I mean hello?
Maybe he's just being Tristan. Iyong tipong gusto niya lahat ng gusto niya magagawa niya.
"Bakit ba ayaw mo?"
Kasi hindi ako immune sa pagiging sweet ng isang lalaki. I don't have walls built to protect me. The problem with me is I fall fast and hard. Kaya habang maaga pa ay ako nalang ang umiiwas.
Kasi nararamdaman ko na na I'm almost there. Kaya habang kaya ko pang pigilan ay gagawin ko.
"Ayaw ko lang." Nagkibit balikat ako.
At this point may awkward atmosphere na akong nararamdaman pero hindi ko pinansin. Wala rin naman siyang sinabi. I thought he gave up the topic already. He did, until we arrived.
Maaga pa pagkadating namin sa may gate ng school kaya may time pa siya para tanungin ako ulit.
"Why? Anong meron?"
"Kailangan ba may rason? Ayaw ko lang. That's it." Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock iyon.
Bakit ba palagi nalang? What's with me and locks!
"Walang meron. Ang point ko is kaya ko naman kaya bakit ako aasa sa iba kung kaya ko?"
"Alam kong kaya mo. Gusto lang kitang ihatid. Bawal ba?"
"Don't push it, Tristan. Sinabi ko na. Bakit ang kulit mo?"
Since ayaw niyang iwan ang usapan medyo naiinis na rin ako. Hindi ba siya makuntento sa simpleng ayaw.
"Diretsuhin mo nalang kaya ako. I can take it, Jade. I just want to know then pwede ka nang pumasok."
I exhaled deeply. Okay here goes nothing.
"Tristan, I'm just curious, may something ba tayo? Wala diba? So why all this? 'Yung pagtawag tawag mo, tapos paghatid and everything. Ano 'yun?"
Siya naman ang hindi nakasagot sa sinabi ko. Kanina ang kulit niya then now he didn't answer. Nakatingin lang ako sa kanya waiting for an answer.
"Hindi ko alam 'yan ang naiisip mo. I was just--"
I cut him off, "Good. Because ayaw kong magkasomething tayo, Tristan."
Wala na akong pakialam kung isipin man niyang assuming ako dahil 'yun naman talaga ang nafifeel ko. Babae ako and I'm vulnerable with all the things he's been doing.
We were quiet for a moment. Kahit ako ay nagulat sa nasabi ko. Hindi ko sana 'yun sasabihin but there, I said it.
"Okay. I get it. Sorry." He said then unlocked the door.
Bumaba nalang ako pagkatapos ng usap namin. I don't know if we're okay though. Basta gusto ko nalang ang makaalis doon at pumasok. Mamaya ko nalang aalamin, I have more important things to worry right now like my exam.
God, first day of exam and then this happened. Great way to start the day and week.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.