Papunta ako sa cafe malapit sa condo dahil nagyayang tumambay si Tristan. Hindi ko alam kung bakit napadpad nanaman siya dito samantalang hindi naman malapit dito ang school niya. In fairness napapadalas ang punta niya dito. Malapit ko nang isipin na baka gusto rin niya 'yung babaeng pinaguusapan nila ni Tiffany.
Malamang nakipagdate nanaman siya doon sa babae.
Ako lang ang may maagang uwian ngayon kaya kaming dalawa lang ang magkasama. And I can't help but to notice na ayos na ayos rin ang itsura niya.
"Shit oo nga pala."
"Bakit?"
Muntik ko na makalimutan na ngayon pala ako dapat mag grogrocery para sa amin ni Tiffany. It's my turn this month at kakatext lang niya sa akin.
"Kailangan ko pala mag grocery."
"Tara hatid na kita."
"Wag na. Malapit lang naman dito 'yun."
"Sasamahan na kita." Nauna na tumayo si Tristan sa inuupuan niya. Ni hindi pa ubos ang kape niya.
"Sandali lang naman ako doon. Pwede naman ako nalang. Magpapark ka pa pagdating dun lalo tayo matatagalan."
He sighed, "Jade, gusto lang kitang samahan para hindi mo na kailangan magcommute, okay? Kung ayaw mo sige kahit ihatid nalang kita."
Napaisip ako saglit. Parang mali ko pa yata na ayaw ko siyang pasamahin sa tono ng boses niya.
Pumayag na rin ako na samahan niya ako basta siya ang magbubuhat ng bibilhin ko dahil siya naman ang nagpupumilit at sayang naman ang laki ng katawan niya kung hindi magagamit.
"'Yan ang mga bibilhin mo?"
Tinignan ko ang mga kinuha ko. Cup noodles, canned goods, chips, juice at gatas. What's wrong?
"Oo. Bakit ano bang akala mo? Na bibilhin ko 'tong buong grocery?" Sarcastic kong sabi. Sinabi ko naman sa kanya kanina na sandali lang ako dahil konti lang ang bibilhin ko.
"That's what you're eating? Instant noodles? Spam? Bumili ka naman ng isda."
"Tristan, wala tayo sa palengke." Sabi ko. Hindi na rin fresh ang isda dito at hindi mahilig sa isda si Tiffany kaya hindi ako bumibili non.
"Tsaka gusto mo bang pagalitan ako ni Tiffany?"
"Atleast buy some vegetables or fruits."
Ang nagger pala nito kasama sa grocery. Parang nanay ko lang kung mag grocery.
Hindi ko siya pinapansin na kung ano ano ang sinasabi habang nasa tabi ko. Basta tinutulak ko lang ang cart at bahala siya sa buhay niya.
Kaya gusto kong ako lang ang magisa dahil walang magjujudge sa bibilhin ko. Ngayon najudge pa tuloy mga kawawang "poor and unhealthy food choices" ko according to Tristan.
"Kahit ilagay mo lahat ng gusto mong ilagay sa cart hindi ko rin mabibili 'yan dahil wala 'yan sa budget ko." Sabi ko dahil siya na ang naglalagay ng gusto niyang bilhin ko.
Kahit na alam kong mura lang ang gulay pero wala akong balak bilhin kaya ko iyon sinabi. Aba malay ko ba na may masasagot pa siya doon.
"Ako na magbabayad."
Huminto ako at tumabi. "Teka nga, kasama ka ba sa bahay? Bakit ka nakikigrocery shopping?"
"Kaya ang payat payat mo dahil kung ano ano ang kinakain mo."
And I'm judged again.
"FYI, hindi ako payat."
Isa pa, wala sa kinakain ko ang "pagkapayat" ko. Hindi lang talaga ako tumataba kahit isang sakong bigas pa na kanin ang kainin ko.
"I'm sure makakain mo ang mga gulay at prutas na 'yan. I didn't get the fruits that you don't like. Lahat 'yan kinakain mo." He said.
"Oo na. Ako na rin ang magbabayad. Hindi rin namin 'to mauubos lahat. Sayang lang pagnasira." Wala rin naman ako magawa.
"Edi pupunta ako sa inyo. I can eat that. Ano pang problema?"
Umiling nalang ako.
May bago na akong nickname para sa kanya. Hindi na Mr. C. From now on he will be Nagger Tristan.
Ngumuso ako habang tinitignan ang mga pinamili namin. Pwede pa ata ito hanggang next month. Siya na rin ang nagbayad because he really insisted. Mas mabilis rin siya sa akin. Nilalabas ko pa lang ang wallet ko ay nabigay na niya ang card niya.
Binibigay ko sa kanya ang bayad pero ayaw naman niyang tanggapin. Kasi nga siya naman daw ang kumuha non.
"Oh." Gulat ni Tiff nang pagbuksan niya ako ng pinto at nakita niya ang dami ng ginrocery ko.
"It's either you're wonderwoman or you had help. I'm guessing it's the latter. Tantan?"
"Nope, I'm actually wonderwoman in disguise." I scowled. "Can you help me with these?"
"Bakit ba kasi ang dami mong binili?" Sabi niya tapos pinatong ang hawak na plastic sa mesa.
Nilabas niya ang mga gulay at prutas sa plastic.
"Totoo ba 'tong nakikita ko? Diet month ba this month?" She teased me.
"It's Tristan!" Naiinis nanaman ako pag naaalala ko. Kailangan ko lang naman magrestock ng food at ng junk foods ko pag nagaaral pero kung ano ano ang pinaglalagay niya sa cart.
"Wait, hulaan ko. Unhealthy daw ang binili mo for sure." Ngiti niya.
"He's really annoying noh? Sinesermonan rin ako niyan pag nakikita akong kumakain ng instant noodles. Imagine, kalalaking tao ha." She chuckled.
Tinulungan niya akong magligpit at ang saya rin niya dahil nakalibre kami ng groceries for this month. That means more money to buy clothes for her.
Since wala naman pasok bukas ay nanonood nalang kami ng movies.
"What do you think of Tantan?" Tiffany asked out of nowhere.
"Okay lang." I shrugged.
Bumangon siya at humarap sa akin. "I mean never ka ba talaga magkakagusto sa kanya?"
"Hindi naman never. I mean okay naman siya as a person pero magkaibigan kami and ang awkward pag biglang naging kami."
"Wag ka nga parang lola mag isip dyan. Anong awkward? Hindi na 'yun uso ngayon. Mas okay nga 'yun. You can always spend your time together like you're friends."
Umiling ako, "Hindi ko 'yun naiisip sa kanya, Tiffany."
"Bakit naman? Bagay naman kayo. Shiniship nga namin kayo ni Rhian secretly." Ngumiti siya.
"He is Tristan. I'm Jade. Parang hindi naman kami bagay." Ngumiwi ako. "Baka pagtawanan lang kami."
"I hate it when you're being like that. Ang ganda ganda mo kaya. You don't see it yourself but others do. Promise, maganda ka. And you're the best girl I've ever met."
Tumaas ang kilay ko sa kanya at tinignan niya ako ulit. "Well hindi ka nga lang masyadong nagaayos. Pero maganda ka na." She assured me then she hugged me.
Hindi ko naman sinabing pangit ko. What I mean is mataas kasi ang tingin ko kay Tristan. It's like 'yung level niya nasa taas tapos ako nasa baba.
Hindi ako 'yung tipong mabilis mawala ang self esteem but when it comes to Tristan parang ang layo layo ko.
"Pag gusto mo ang isang tao, others opinion won't matter to you. Always go for what you want. Wag mong pakialaman kung ano ang sinasabi ng ibang tao. Ano naman kung may sabihin silang hindi maganda? At least you have Tristan and I bet my life that he will always have your back." She nodded. "And me too."
"I know. But in the first place hindi ko naman siya gusto and I think hindi rin naman niya ako gusto. So this discussion is done." I nodded.
What's the point of this anyway?
"Sinasabi ko lang kasi. Kahit na hindi na si Tantan. Let's say may mameet ka na gustong gusto mo. Just go for it. At kung ayaw niya sayo, edi ayawan mo rin."
That's so Tiffany. Iiyak lang 'yan pero hindi niya ipinipilit ang sarili niya sa ayaw na sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomantizmI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.