Pagbaba pa lang ng kotse ay naramdaman ko agad ang init kahit na ber months na. Lalo na at tanghali na kami nakarating due to stopovers and traffic.
Walang wala dito ang Manila, dahil kung mainit doon mas intense naman ang init dito. But of course I'm not complaining since I love the sun especially when combined with the beach. Habang naglalakad kami papuntang hotel ay may nakikita na akong ilang nagsusurf at ilan nagsusurfing lessons.
"I'm excited! It's my first time to surf." Rhian giggled.
"Ikaw nasubukan mo na?" Tinanong ako ni Joseph dahil katabi ko siyang naglalakad.
"Yup, masaya. Though mahuhulog ka talaga sa una pero worth it."
Had my first surf experience with my cousins. Sila ang nagturo sa akin magsurf at simula noon nagustuhan ko na.
"Iyon o! Magaling ka pala, Jade. Paturo naman!" Malakas na sabi naman ni Michael.
"Walang kwenta 'to si Tan magturo eh." Oliver dissed Tristan.
Kumunot lang ang noo ni Tristan at minura siya. "Slow ka lang."
Tinawanan ng lahat si Oliver at napunta ang atensyon ko kay Tristan na nakataas ang kilay sa akin. Kumapit sa akin si Tiff at bumulong, "Tan's good. Really good at surfing." She nodded continuously.
"So?"
Halata naman sa pangangatawan niya na magaling siya. I think he got his color sa pagsusurf. Medyo moreno kasi ang dating niya hindi katulad nila Joseph na maputi.
Dalawang kwarto lang ang binook namin, isa sa babae at isa sa mga lalaki. Ngayon ko lang rin napansin na wala nga 'yung girl from last time dahil nabanggit ni Rhian.
"Thank God hindi siya sinama ni Tan. I don't wanna be roommates with her."
"Maybe this time they broke up for real." Tiff shrugged.
Hindi ako nagsasalita but we shared the same opinion.
I have no hate towards her but I'm not fond of her either. For one, I never hear her laugh at any of their jokes and two, she doesn't even smile! But I must say that she has a talent, she's good at maintaining a poker face. Pero kung tutuusin bagay sila. Isang masungit at isang masama ang ugali.
Iniwan lang namin ang gamit sa room at nagpalit ng damit bago kami lumabas. I wore my two piece underneath my rash guard and shorts. After kasing kumain ay hindi na kami babalik pa sa room.
Diretso na kami maglunch at nagstay pa kami for an hour para magpahinga. Of course the first thing we did was to take picture of everything because everything is just instagrammable here.
Busy kaming lahat sa kanya kanyang cellphone at gopro when suddenly bigla akong hinila ni Tiffany for a picture. Biglang nakisali sila Michael kaya lahat ay nagsiksikan makasali lang sa picture. Iniiwasan kong madikit kay Tristan dahil baka masira ang araw ko. Hindi rin naman mukhang gusto niyang madikit sa akin.
The boys looked really hot with their summer look. And don't get me started with Tristan. Nakasando siya at kita ko ang muscles niya. May tattoo rin pala siya sa may balikat. Nope, hindi ko siya type, I just admire his body. Okay, I will stop looking now.
Set of waves welcomed us as we arrived at the shore. Pinanood namin ang iilang nandoon at tumatawa kami sa tuwing may nahuhulog. Hindi kami kumuha ng magtuturo dahil marami namin sa amin ang marunong at gaya nga ng sabi niya pro si Tristan and almost all of us have tried surfing already.
Pinanood ko sila na sinusubukan pero nahuhulog rin agad. Tawa ng tawa si Michael at Oliver na nagtutulakan pa ng board. Habang si Joseph at si Rhian ay kasama ko pa. Si Tristan ay kasama ni Tiffany na nagpapaddle.
"Tara? Naiinggit na ako eh." Sabi ko.
"Wait, Jade sabay tayo!" Sumunod na rin si Rhian sa akin.
Sinabi ko sa kanya ang mga basic at normal lang talaga na mahulog. You just need to stand up again and it's fine. Mukhang enjoy naman ni Rhian kahit na hindi siya nakakatayo dahil rinig na rinig ko ang sigaw at tawa niya.
It's been long since my last surf so I was like a child who's craving for candy. I fell on my first try but I just laughed and paddled more. I just paddled and waited until the waves are big tsaka ako tumayo ulit. This time I made it. Sumigaw ako sa tuwa before I fell. That felt great!
Narinig kong pumalakpak sila Oliver habang nagpapaddle sila papalapit sa akin.
"Sabi ko na sayo ako dapat paturo eh!"
"You just need to balance. Paddle ka lang muna then try mo tumayo dahan dahan. Kaya mo 'yan."
I know that's just pure commonsense pero ganon lang rin ang sinabi ng pinsan ko sa akin noon nung first time ko kaya ginaya ko lang.
"Wooo Tantan!" Rhian yelled at Tristan who's trying to stand up now.
I stopped whatever I was doing because I wanted to see how good he is. Para majudge ko rin siya pag hindi siya nakatayo.
Nadisappoint ako dahil nakatayo siya and lasted for long bago siya nagpahulog. Take note, nagpahulog siya at hindi nahulog. Ay hindi na masaya kasi magaling siya. As expected he's pro. Hindi tuloy natuloy ang balak kong pagtawanan siya pag nahulog siya.
Umirap ako pero tumitig ulit nang umahon siya. Kamusta naman ang abs niya? Napatitig ako. Kahit na inis ako sa kanya sympre abs 'yun at wet look.
I totally dig it! That is a secret that I'll tell no one.
Buong hapon kaming nandoon kaya pagkatapos ng ilang oras ay umahon na ako at nagpahinga dahil napapagod na ako. Pinanood ko nalang sila at pumapalakpak sa tuwing nagagawa nila. Tumabi naman sa akin si Joseph dala dala ang board niya kasabay sila Tiffany at Rhian habang tumatawa. Tinanggal ko na ang rash guard dahil nanlalagkit ako.
Naghubad rin si Tiff ng rash guard at binato lang.
"Pagod na ako." She said dragging the letters.
"I feel like dying already. Never thought surfing could be tiring."
"Babae talaga daming reklamo!" Joseph commented.
"Grabe ka naman." Tinignan ko siya. "Hindi naman ako nagreklamo."
"Kung kasama si Erielle malamang nagsusurf pa 'yun." 'Yung boses niya puno ng pangaasar.
"I don't care."
"Wag mo nga ako icompare dun." Umirap si Tiffany.
"Hindi naman sobrang obvious na ayaw niyo sa kanya?" Tumawa ako.
"Uy wala ako dyan. Sila lang 'yun." Tinuro ni Joseph ang dalawa.
"Paano kasi maganda kaya gusto mo! Hindi ka ba naaawa sa kaibigan natin? Ilan beses na kaya, Seph." Rhian said.
"Hayaan niyo na si Tan. Kayo talagang mga babae." Umiling lang siya at tumango sa bagong dating na sila Oliver at Michael. "Tangina ang tagal niyo dun akala niyo naman gagaling niyo!"
Si Tristan ang huling umahon sa dagat. He became more tanned because of the sun which only made him look extra hot.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.