Chapter 45 - Cinderella

6.6K 144 3
                                    

Nasa hallway pa lang ay hinubad ko na ang sapatos ko at naglakad ng nakapaa lang dahil sumasakit ang paa ko.

"Ayaw ko!" Sinipa ko ang binigay niyang tsinelas.

Kinuha niya iyon at sinubukang isuot ulit sa akin.

"Ayaw ko nga sabi! Bakit mo ba ako pinipilit!" Sigaw ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Just wear this baka may matapakan ka."

Tinulak ko siya pero na-out of balance ako at napaupo ako sa sahig. "Ano naman sayo? Ako naman ang masusugatan. Why do you care?"

He squats to look at me. "Stop, Jade."

Nakipagtitigan ako sa kanya kahit na naiiyak na ako. Tinaas niya ang kamay niya para abutin ako pero hinawi ko siya.

I just heard him sigh then next thing I knew he was lifting me. Sa kwarto niya sana ako dadalhin kaya lang nagpupumiglas ako at muntik na akong mahulog kaya sa sofa niya ako nilagay.

Sandali kaming nagkatinginan tapos tumalikod na siya. My words stopped him.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Sabing ayaw kong pumunta dito dahil pinapaalala mo lang sa akin ang lahat. I'm trying not to think about you. I'm really trying. Okay na ako kanina, I just want to get drunk and sleep. Hindi mo ako kinakausap, fine. Tapos bigla bigla mo akong pinipigilan uminom at dinala pa dito. Bakit? You should've ignored me."

"Nung umalis ka that night did you ever think about me? Alam kong galit ka kahit sinabi mong hindi but did you really have to ignore me? You have no idea what I'm going through. You are my first boyfriend and I-- I don't know if you are still now kasi wala kang sinabi. You left me hanging. Hanging with hope that we'll be okay kasi diba sabi mo," Pinunasan ko ang luha ko. "Ang sabi mo kailangan mo lang ng few days. Binigay ko naman sayo ah. Oh tapos? Ano na? Just give me the answer now."

"Lasing ka lang, Jade. Matulog ka na."

"I guess I won't hear it today too, huh?"

He sigh once again and sat at the far end of the couch.

"Let's talk about this when you're sober." Aniya.

"Alam kong nasaktan ka pero nasasaktan rin naman ako. Kung wala kang balak magparamdam then stop doing all of this. Nung sinabi sayo ni Rhian na wala ako sa bahay bakit ka nagtext? Nagalala ka ba? When I'm getting myself drunk out there you dragged me out. Bakit, Tristan? I would like it if you just stop getting concern over things that have to do with me. Ju-- just stop this! Ayaw ko nang umasa, Tristan! Everyday, everyday akong naghihintay ng text o tawag mo pero wala. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ako umiyak kasi naisip ko bakit ako iiyak, hindi naman kami naghiwalay. Magpaparamdam rin 'yun. I waited, waited and waited."

I forced a laugh. "Finally the day has come. Nandito ka sa harap ko pero wala pa rin 'yung sagot na inaantay ko."

"Nevermind. You don't need to answer. Mukhang alam ko na rin ang sagot sa tanong ko. I get it, Tristan. Thank you."

Nakatingin lang siya sa akin sa kabilang dulo ng sofa. Then I cried my heart out. 'Yung sakit na kinimkim ko ng ilang araw nilalabas ko na ngayon. Wala na akong pakialam sa kung anong iisipin niya.

"I can't do this anymore, Tristan."

xx

It's expected that I will wake up with a throbbing head. What I didn't expect is waking up in a strange familiar bed.

Shit. Nasa condo nanaman ako ni Tristan. I'm sleeping on his bed again.

Nasapo ko ang noo ko. It's second time this time. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil nagpadala nanaman ako sa alak.

Jade! You are an idiot. Ugh!

Wala akong nakitang tsinelas kaya nakapaa akong naghugas sa banyo. Nagayos na ako at lumabas ng kwarto.

Wala siya sa couch. Maybe he is in the kitchen again? Makikita niya ako kung lalabas ako dahil madadaan ko 'yun on my way out.

Pumikit ako. I can do this. Just walk and never look back.

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang sapatos ko sa may tabi ng couch pero hindi ko makita ang isa.

Inikot ko ang paningin sa sala para hanapin ang isa pa. Nasaan ba kasi 'yun! I'm no Cinderella, hindi ako pwedeng umalis ng isang paa lang ang meron ako.

Kung kailan naman ako nagmamadaling umalis tsaka naman nawawala ang sapatos ko. Way to go, Jade.

Then bigla kong naisipan tumingin sa kitchen. Dahan dahan akong lumingon only to find Tristan holding my other shoe.

Tumaas ang kilay niya. "Looking for this?"

"Uh.." Awkward akong tumawa.

Lumapit naman ako at mabilis na kinuha 'yun then I ran.

I know, I know I look weird but I don't have a choice. I want to stay away from him as far as possible. Hindi ko nga alam kung bakit dito ako nagising.

Hindi naman siguro ako nagpupumilit na pumunta ulit dito diba?

"You don't want to hear my answer?"

That stopped me from running. I turned around to face him.

"Answer saan?"

"You don't remember?"

Nagiwas ako ng tingin at umiling.

The moment he asked me that I know I'm in deep shit again.

Palpak ka talaga kahit kailan, Jade!

"Nevermind." Aniya. "Hatid na kita."

"Ahh hindi na!" Tinaas ko ang kamay ko. "Uuwi nalang ako magisa. Okay na ako. Thank you." Sabi ko habang umaatras until the reach the door.

This is already weird and awkward as it is. I don't want things to get more awkward by allowing him to drive me home.

"Okay."

And he just agreed to me. Well I didn't expect that. That's kind of.. new.

Dati pipilitin niya talaga ako at magaaway pa kami bago ako sasakay sa kotse niya pero ngayon he just said what, okay?

So he just said it for the sake of it right? He didn't really mean it.

Okay fine. Kung ayaw mo edi wag!

Tiffany is still in deep slumber when I got home.

Inalog ko siya para gisingin pero hinawi niya lang ako dahil matutulog pa siya.

Then I remembered what I did last night. I don't really remember, just some parts I can remember.

When I said I don't wanna lie anymore and be honest with Tristan. I didn't mean to be that honest. Hindi ko inakala na masasabi ko 'yun lahat sa kanya.

I'm surprisingly brave.

And stupid.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon