After that morning, I kept thinking if I was too harsh or just plain straightforward. Diba ang gusto naman niya diretsuhin ko siya? I did what he want.
So now hindi na niya ako pinapansin. Hindi naman mali na gusto ko lang protektahan 'yung sarili ko sa maaaring mangyari. Well ngayon wala na talagang mangyayari dahil kahit itext ako ay hindi na niya ginagawa.
Panay ang tingin ko sa phone kung meron bang messages galing sa kanya. Kahit wrong send man lang o kaya chain message ay tatanggapin ko pero wala.
Ang hirap na rin tumanggi sa tuwing niyayaya ako ng barkada na sumamang tumambay. Wala na akong rason na masabi kasi. Lalo na at medyo nakakahalata na si Tiffany.
"Anong meron sa inyo ni Tantan?" She asked me one time.
"Wala. Wag ka nga gumawa ng issue." Patay malisya kong sabi.
"Hindi. I mean anong meron? You don't do phone calls anymore and pass siya sa mga lakad pag nalaman niyang kasama ka." Tumagilid ang ulo niya.
I was about to say something but she interrupted.
"Wag mong sabihin wala lang, Jade. Isa ka pa! Akala mo ba hindi ko napapansin na sasama ka lang pag hindi siya kasama?"
Pero ngayon ko lang nalaman na kaya pala hindi ko siya nakikita recently is because his purpose is to avoid me. That was a childish move, by the way.
"Basta. May nangyari lang, tapos ayun hindi na kami nagusap."
"Nangyari? Ano?" Nanlaki ang mata niya.
Nanlaki rin ang mata ko, "Wag nga kung ano ano ang iniisip mo."
"Oh my God, Jade!" Tapos tinakpan niya ang bibig niya. "Ginawa mo na?"
"Ang alin?"
"'Yung revenge mo?"
"Hindi. Basta. Tsaka wala na akong balak ituloy 'yun. Move on na ako."
Or hindi ko na matutuloy kasi hindi naman na kami naguusap.
"Bakit? Nagbago yata isip mo." She eyed me curiously.
"Basta tsaka magkaaway na nga kami."
"Malay mo pag okay na kayo ulit. Naku, Jade sinasabi ko sayo, hindi ka matitiis nun."
"Bahala na." Nagkibit balikat ko.
"Ayan tayo, e. Alam mo, ewan ko sayo. Ayaw mo pa kasi aminin naiinlove ka na sa kanya."
Ngumiwi ako. "Tiffany, ang layo nanaman ng iniisip mo. Hindi ako naiinlove."
Or that's what I think. Hindi pa naman talaga, ah. It's almost pero hindi pa totally masasabing in love na ako.
"And even if I am, I doubt kung ganun rin si Tristan. Sa sinabi ko ba naman."
Knowing her she wouldn't stop until she knows what's going on so I told her. It's not like this is a secret that I can't tell.
"So war kayo ngayon, ganon?"
Hindi na ulit ako natulog sa bahay ni Tiffs after that day. Ang dahilan ko ay nahihirapan akong pumasok. Sinabi ko nalang na mas may oras pa akong magreview kung dito ako sa condo magstay.
In reality, I'm not taking the risk that I might see Tristan again. Iniiwasan ko siya ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach pag nagkita kami.
I shrugged, "Maybe."
War ba kami? Or are we just playing the not talking game but are still friends. I would like to think it's the latter if that's even a thing.
She clapped, "Sabi ko na nga ba! I'm so smart." Ngiti niya.
"Sus, wag kang mag alala. Magbabati rin kayo."
Hopefully.
"Hindi ko naimagine na mamimiss ko 'yung maingay mong cellphone!" Sabi niya kinagabihan.
Tumayo siya at umupo sa kama ko. "Kidding aside, I don't think he did those things para you know, mag kasomething. I think ginawa niya 'yun kasi gusto niya lang."
Ngumuso ako. Naisip ko na rin 'yan pagkatapos kong iprocess ang nangyari. Pero hindi ko pa rin babawiin 'yung sinabi ko. The only thing I regret was sana sinabi ko ng mas maayos.
"I don't know how his brain works but I know him since high school."
Lalo tuloy ako napapaisip dahil kay Tiffany. This make me wanna grab my phone and call him and apologize.
"Alam ko. Pero ayaw ko pa rin na ganon siya sa akin. Hindi naman kasi 'yun normally ginagawa ng lalaki diba."
Napangisi si Tiffany at tinukso ako.
"Uy takot mafall. Hindi naman masamang mainlove. It's not a sin, Jade."
Yeah. But after watching Tiffany change boys like changing clothes. Nope, definitely not ready yet.
xx
Hindi naman sa hinahanap hanap ko siya pero hindi lang ako sanay na hindi kami ulit nagpapansinan.
Kung dati lang ay sasabihin kong it's totally fine with me at mas maigi kung hindi niya ako pinapansin but hell, nakakamiss rin pala. Hindi lang si Tiffany ang nakakamiss ng maingay kong cellphone. Nawala lang siya tumahimik na ulit. Ngayon ko lang narealize na hindi ako palagamit ng cellphone kung hindi dahil sa kanya.
"Kung hindi ko alam na single ka, iisipin kong nagaway kayo ng boyfriend mo." Humarap sa akin si Rhian. "Tulala lang, girl?"
"Totoo 'yan, Rhian. Sinabi mo pa. Agree ako dyan!"
Tinignan ko si Tiffany at kumunot ang noo ko sa kanya. Shut up, Tiffany!
"Baka naman may boyfriend ka talaga? Fuck, bakit isa isang lumalove life mga tao?" Sabi ni Michael.
Inakbayan ni Oliver si Michael at ngumuso kay Tiffany.
"Pare alam mo naman."
Tumawa lang ito. Parang may sikreto ang dalawa na hindi sinasabi.
"Pero di nga, may boyfriend ka?" Hinarap ako ulit ni Michael.
"Wala. Wag mong pansinin 'yan dalawa." Inalis ko ang usapan at nag isip ng bagong paguusapan.
Kahit na naiba na ang usapan ay lumilipad pa rin ang utak ko. Kaya siguro wala ngayon si Tristan kasi nandito ako. Nung sinabi ni Tiffany sa akin tsaka ko lang talagang napansin kaya parang nagiguilty tuloy ako.
Those words that I said I didn't mean it that way. Hindi ko naman sinabing wag na kami maging magkaibigan, ang akin lang wag siyang sobrang sweet.
"Tara na guys. Matutulog na si Tiffs."
Since nasa bahay kami ni Tiffany ay wala akong kasabay bumalik sa condo. Maagang umuwi si Rhian. Since sanay sila na palaging si Tristan ang kasabay ko ay tinanong ako ni Michael.
"Ikaw, Jade?" Aniya.
Ayun lang. Hindi ko alam ngayon kung paano ako uuwi.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomansaI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.