Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo kaming nagenjoy at lalong dumami ang order namin. Hindi ko rin napansin na nakarami na rin ako dahil nararamdaman ko na na malapit na ako sa limit ko. Si Tiffany ay lasing na dahil kung ano ano nang sinasabi.
"Buti sinagot mo na si Oliver. Baliw na baliw 'yan sayo kung alam mo lang."
Napaubo si Oliver at tumingin kay Allana.
"Hindi pa 'yan dati ganyan kay--" Tinakpan ni Michael ang bibig ni Tiffany.
"Ano ba! May sinasabi pa ako."
Michael draped his arm over Tiffany's shoulder. "Tara samahan mo ko."
"Ayaw ko!" Sigaw niya. "Naguusap pa kami ni Allana!"
Nginuso ni Oliver si Tiffany. Nagets agad ni Tristan.
"Tara na? Hahatid ko pa si Jade."
Napatingin ako sa kanya nang narinig ang pangalan ko. "Ako? Okay lang ako! Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo ako kailangan ihatid."
"Kj mo Tantan! Hindi pa kami uuwi. Sabay kami uuwi ni Jade, I got you." Tinapik ako ni Rhian.
I remembered I just giggled. She did too. Then we both drank more. Nagreklamo pa kami dahil naubos na ang lahat ng inorder naming alak.
"Sige uwi na tayo. Lasing na rin kasi sila."
"Sinong lasing? Kami?" Ani Tiffany. "Hindi kami lasing! I can still count to 10."
"That's it. Tara na." Sumingit si Michael. Hinila na rin ako patayo ni Tristan.
"Hindi ako lasing. Diba?" Nginitian ko pa si Tristan.
"Yeah. You don't get drunk. Happy? Hatid na kita. Uuwi na sila oh."
"Okay lang ba sila?" Narinig ko pa si Allana na nagtanong kay Oliver.
"Yeah. They will take them home."
They basically dragged the three of us outside dahil ayaw pa namin umuwi.
"Tristan!" I whined when there's just the two of us left. "Ayaw ko pa umuwi."
"Tayo nalang naiwan. Umuwi na sila. Saan mo pa gustong pumunta?"
"Maiiwan nanaman ako magisa sa condo." Simimangot ako.
"Tiffany will be there too."
"Sino?" I yelled. "Ayaw ko pa nga umuwi!"
"Saan mo gusto?"
"Let's go to your house!" I giggled.
"What?" Kumunot ang noo niya. "Do you just go to any guy's house when you're drunk?"
"Hindi nga sabi ako lasing!"
Pinasok niya ako sa kotse niya at kinabitan ng seatbelt. Nang inistart niya ang kotse ay humarap ako sa kanya.
"Tristan.."
Hindi niya ako pinansin kaya nilakasan ko ang boses ko. "Tristan!"
"Hmm?"
I laughed then poked his cheek. "Bakit ang gwapo mo?"
"Kasalanan niyan kung bakit ako nahulog sayo! Bakit hindi ka na mataba tulad dati? Ang cute mo kaya nang mataba. Ang sarap, sarap, sarap mong kurutin!" Tawa ko at kinurot ang mukha niya.
Inalis naman niya ang kamay ko at hinawakan. "I'm driving baka maaksidente tayo sa ginagawa mo." Pero tumatawa siya.
"Anong nakakatawa?"
"I'm right. You're far more entertaining than any movies."
"Movies?" Excited kong sabi. "Nood tayong movie?"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.