Chapter 35 - Ice Cream Date

6K 157 5
                                    

I just realized that the two of us never really hang together unless kasama ang buong barkada. He call and text but that's it and I'm craving for more. I want more of him 'yung tipong nasa akin lang ang atensyon niya. Might be selfish but that's what I feel.

Hindi ko rin masisi ang barkada because they know nothing. Pakiramdam ko tuloy we are secretly dating. Why are we even keeping this a secret from them.

Surprisingly Tiffany hasn't said anything to them too. She just kept quiet about this whole Tristan thing from them. I wonder kung napagusapan nga nila.

But seriously, I want to hang with him more. 'Yung dalawa lang kami and not with our friends.

Hindi rin naman ako nagrereklamo sa kanya baka kasi kung anong isipin niya. Dapat na rin siguro ako makuntento at least I get to see him.

"Anong ginagawa mo?" Tumawag siya.

"Wala naman. Bakit?"

"Baba ka. Nandito ako."

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. "Ngayon? Bakit?"

"I'm on my way home but I want to see you first."

Tinignan ko ang oras at mag 10 o'clock na.

"Pag niloloko mo lang ako lagot ka talaga sa akin, Tristan!" Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.

He chuckled, "You know I wouldn't do that to you."

"Oh please. You would."

I just wore my hoodie and shorts. Baka kasi isa lang 'to sa tricks niya. He like pulling those kind of tricks. Like last time magkasama kami tapos tinawagan niya si Tiffany at niloko. Inis na inis si Tiffany sa kanya kaya simula nun hindi na naniniwala sa kanya si Tiffs kahit na totoo.

Tumingin ako sa madalas niyang hintuan na spot at nandoon nga siya. Lumapit ako at binaba niya ang bintana. "Get in."

Sinilip ko pa ang loob kung may kasama ba siyang iba. I smiled because it's just him this time. Just me and him.

"Saan tayo pupunta?"

"Saan mo gusto pumunta?" Mapangakit niyang tanong. Tumaas ang isang kilay niya.

"Hmm. Ice cream?"

He pouted, "I was thinking of something else but alright."

Sa gitna ng pagmamaneho niya ay nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero parang wala siyang ginawa pero nakangiti naman siya. Nagdrive pa rin siya gamit ang left hand niya at ang right hand ay hawak ang akin.

Okay, kinikilig ako! Nasabi ko na na thing ko ang one hand driving especially now that it's my man doing it.

"Bakit bigla kang nagyaya?"

"Do I need a reason if I want to see my girlfriend?"

I was surprised to hear him say that. We never really said it out aloud. Alam namin sa sarili kung ano kami but this is a first. My heart almost skip a beat at that.

Ni hindi nga namin makuhang magsabi ng I love you or I miss you tapos ngayon bigla siyang nagsasabi ng ganyan.

"A-anong girlfriend pinagsasabi mo dyan?"

Binaba niya ang spoon niya then pursed his lips as if thinking. "So you're not? What are we then?"

"Friends." Binalik ko sa kanya ang sinasabi niya.

Hah, it's your turn.

"We hold hands, we text and call everyday, we hang out," then he leaned forward and raised his hand to whisper. "We also shared a kiss."

Tumaas ang kilay ko, "So? Isn't that what friends do?"

Hindi ko alam pero hindi siya naaasar sa ginagawa ko. Malamang pag ako ang nasa pwesto niya ay pikon na pikon na ako. He rather find this conversation amusing.

"Ah so you're saying I could do the same to Rhian and Tiffany?"

Pinanliitan ko naman siya ng mata. "Oo. Try it then."

"Eh bakit parang naiinis ka?" Ngisi niya.

"Hindi. Ang sabi ko nga subukan mo diba." I frowned.

"Let's stop this nonsense. I only do those kind of things to the person I like. Ikaw 'yun, Jade." He poked my forehead.

Papakilig nanaman 'tong lalaking 'to!

"Alright I'll consider this as our first date then."

"Date?" He chuckled.

"Why not? We never really dated before. Hindi nga tayo lumalabas na tayong dalawa lang." May hint ng pagtatampo sa boses ko. Because really gaya nga ng sabi niya halos ginawa na namin ang ginagawa ng magboyfriend-girlfriend pero never kami nagdate.

Ngumuso siya at nagisip. "How about tomorrow?"

"Hindi pwede. Uuwi ako sa amin, e."

"Ayaw mo kong kadate?"

"Gusto." He caught me off guard there.

Ngumisi naman siya sa naaccomplished niya.

"I knew it. Okay, consider this as a date then."

Fine. I'm not asking much. Kuntento na ako sa ganito, 'yung simple lang, like right now where we are just eating ice cream and as usual arguing and teasing. This is actually my kind of date not the fancy one.

Late na kami nakauwi dahil tumambay pa kaming dalawa sa loob ng kotse habang nakikinig ng music pagkatapos mag ice cream.

Huminto siya sa tapat ng condo.

"Ano oras ka uuwi bukas?"

"Before lunch. Depende sa oras ng gising ko."

"I can't see you this weekend then."

"Yup. See you on Monday?"

"Miss mo na ako agad? Alright, Monday."

Excited na tuloy ako magmonday dahil alam kong magkikita nanaman kami. Feeling ko wala akong kwentang anak dahil mas excited pa akong makita siya kaysa sila Ate.

"It's getting late. Akyat na ako."

"Wait,"

Tapos hinila niya ako palapit at naglanding ang labi niya sa labi ko.

This time was definitely longer than the last time. Nakapikit lang ako pero alam kong humiwalay na siya pero hindi pa rin niya inalis ang pagkakahawak sa mukha ko.

He even gave me one last kiss bago siya tuluyang humiwalay. "There. Good night, Jhedea."

But seriously? Why do we always have to do this inside his car?

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon