Chapter 5 - "You're Good"

11.6K 251 1
                                    

We stayed in the beachfront after dinner with beer in our hand. Nakapabilog kaming lahat and I have no idea how I ended up sitting beside Tristan. Nginitian ako ni Tiffany. Oh she's liking this too much.

"Hindi halata sa mukha mo na umiinom ka pala?" Tinuro ako ni Oliver.

"True, alam mo akala ko nga nung una may boring akong roommate. Lilipat na sana ako, e." Tumawa si Tiffany.

"Well don't judge a book by its cover nga kasi." Sagot ko. I don't know how I looked like in their eyes but I don't look that much of a good girl.

"Yeah. Really don't judge. Hindi katulad ng iba na pretty face tapos bitch pala." Dagdag ni Rhian but I feel like may pinapatamaan siya dahil sa tono ng boses niya. Pero wala naman pumansin kaya hindi ko na rin pinansin pero nagkatinginan kami at napangiti siya.

Nilapit ni Tristan ang bote niya habang nakatingin sa akin. Tumaas lang ang kilay ko sa kanya dahil akala ko kung ano.

"Cheers," he said. Doon lang ako natauhan. Oh he meant cheers.

Tipid akong ngumiti at nakipagcheers ako. Magaling naman ako sa plastican kaya alam kong kaya kong magsurvive ngayong gabi. Nope, hindi pa rin ako naniniwala na sa inuman nagsisimula ang pagkakaibigan.

"Grabe when was the last time we actually chill like this?" The question was hypothetical pero may mga sumagot pa rin.

"Before research papers and mini thesis happened, I guess."

"Before college happened!" Humalakhak si Joseph.

"Oa sa before college." Tumawa kaming lahat.

Saktong nakahiram si Oliver ng gitara sa isang grupo rin ng barkada though I don't know why they would bring one here. Pero pasalamat na rin ako because I got to see him play it. Hindi ko inakala na magaling pala siyang tumugtog. Tumugtog lang siya at kumanta kami hanggang sa hinihingi na ng may ari 'yung guitar niya.

"We should do this more often. Ang galing mo dun infairness." Rhian said.

"Lasing ka lang Rhian. Palagi mo nga kami pinapaalis pag nasa bahay mo."

"Duh who wants you in anyone's house. Nagkakalat lang kayo doon! Outing kasi."

"Walang aabsent sa birthday ko ah." Tinuro kaming lahat ni Tiffany but I feel like she said that specifically for me. "Ang umabsent FO."

"Bakit papainom ka? Yes!" Michael and Joseph shared a high five.

"Oh ditch na tayong lahat. Sa bahay tayo papainom ako!" Pangaasar ni Oliver sa kanya.

Una hindi ako masyado makarelate sa usapan dahil halos kakakilala ko lang sa kanila. But I'm having fun by just listening to them revealing each other's secrets and stories. Sa daming kwento ay bumili pa kami ng extra beers. Nakatatlong bote palang ako habang ang iba ay nakakarami na.

"Pinakahindi ko pa rin makakalimutan 'yung sinampal ka nung babae when you tried to kiss her." Tawa ng tawa si Tiffany habang sinasabi iyon at tinuro pa si Michael.

Ang lakas rin ng tawa ni Rhian. "Ay oo I remember!"

"Nah. Mas epic pa rin 'yung tinawagan mo ex mo habang umiiyak!" Nakaisip naman bigla ng comeback si Michael. "Please? Tayo nalang ulit." He mocked Tiffany.

Natatawa lang ako dahil kilala ko 'yung ex na tinutukoy niya at saksi ako dahil nakita ko siyang umiiyak sa condo at palaging nag-aayang manood ng nakakaiyak na movies.

"Fuck you I was just drunk that time!"

"That's what made it funnier." Gumanti ng tawa si Michael sa kanya.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon