This week goes by the word chill. Sympre first week pa lang ng class and all the professors did was to explain the course syllabus. But I can't say the same thing for next week because some of them has no chill.
Imagine kakameet pa lang ay sinabi nang may 4000 words na paper para sa finals? That only means na kailangan ko talagang sulitin 'tong linggong 'to. Also I can't miss Tiffany's birthday.
"Kinakabahan na ako kay Sir Ely. Marami daw bumabagsak dun diba?" Ani Ryza.
"Kailan ka pa ba bumagsak? Eh paano pa pala ako?" Sumagot si Carol.
Natawa naman ako. Si Carol ang pinakahindi nagaaral sa amin pero siya rin ang pinakahindi nagaalala.
"Alam mo naman paranoid 'yan si Ryza!"
"Oh kumain ka nalang fries! Pampawala stress." Inabot ni Carol kay Ryza ang fries.
"Pwede ba. Wag nga natin pagusapan 'yan. Anyway, puntahan ka ba ni Art dito?"
"Busy iyon." Sagot ni Ryza. "Alam mo naman pag medtech."
"Boboyfriend ka nalang kasi 'yung busy pa! Pero okay lang, girl. Bawing bawi ka naman sa future." Mahina siyang tinulak ni Carol.
"Hoy grabe ka. Hindi ko naman siya binoyfriend dahil doon."
Halos gabi na kami umuwi kahit wala naman talaga kaming ginawa sa mcdo.
"Uuwi ka bukas?" Tanong ko kay Tiff.
"Yup! Ay oo nga pala, sumabay ka nalang kay Rhian sa Saturday."
"O baka gusto mo kay Tristan?" Naisip niya bigla.
"Ayaw ko nga. Okay na ako kay Rhian."
Actually friends na pala kami ni Tristan sa Facebook. Of course I was the one who added him. Pero Facebook friends muna kami for now. Wala pa kami sa stage na sasabay ako sa kanya.
And speaking of Facebook. Nagmessage pala si Rhian sa akin about the surprise on Saturday. They are planning to surprise Tiffany at her house kaya talagang sasabay ako sa kanya.
Nag message ako kay Rhian na sinabing uuwi si Tiffany kaya sakto na magagawa 'yung surprise.
**
Finally Friday na. Medyo masaya ako dahil walang pasok bukas at paparty pa kami. Inaantay ko nalang matapos 'tong araw na 'to para makauwi na ako at matuloy ang pinaguusapang plano namin.
Medyo magulo pa ang plano dahil sa mga boys na maraming gustong gawin na kalokohan sa surprise kaya hindi pa mafinalize. Basta magkikita muna kami at paguusapan ang lahat bago didiretso sa bahay nila Tiffs.
Umuwi na rin si Tiffany sa bahay nila dahil umaga lang ang pasok niya ngayon.
Nag-ayos ako ng gamit at naghanap na ng susuotin para bukas. Buti nalang sinabi niya ng maaga at nakapagdala pa ako ng damit galing sa bahay. Ang hirap pa naman ng last minute naghahanap.
Inantay ko talaga mag alas dose para mag greet kay Tiffany kahit na kanina pa ako inaantok dahil maaga ang klase ko kanina. Although napagusapan namin na walang mag grigreet kaya lang ay baka masyadong obvious. So I greeted her but no long cheesy messages, just a simple happy birthday. Sigurado akong magtatampo 'yun.
Natulog na ako pagkatapos kong bumati. Pag gising ko ay tinignan ko agad ang phone ko at may text na si Rhian kung saan kami magkikita mamaya.
Naligo na ako at naghanda. Nagpants muna ako at t-shirt pero dala ko na ang damit ko mamaya. Ganon rin si Rhian.
"Nag greet ba kayo?" Nagtanong si Rhian.
"I just said happy birthday." Sagot ko.
"Ako hindi pa. Parang ang sama ko tuloy. But it's part of the surprise naman so.." She trailed.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
Storie d'amoreI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.