Chapter 42 - Tug of War

6.2K 128 4
                                    

"Hoy saan ka nanaman nanggaling? Nakipagdate ka nanaman! Parang wala naman akong room mate dito!" Narinig ko ang boses ni Tiffany pagkabukas ng pinto.

"Grabe ilan hours lang naman!" Tawa ko habang nagpapalit ng tsinelas. "May pasalubong ako sayo, nagluto si Tristan. Para sayo daw."

Kuminang naman ang mata niya sa dala kong tupperware. "Okay, I forgive you." Tumawa siya.

Binuksan niya ang tupperware at madramang sinabing, "Yes finally real food!"

"Kung araw araw naman ganito, okay lang kahit gabi ka na umuwi basta alam mo na." Biro niya.

Tumawa naman ako. Marunong naman magluto si Tiffany kaya lang nakakatamad rin kasi na galing ka nang school paguwi mo ay magluluto ka pa. Yup, there are two lazy girls here in this unit.

"Pero ang sipag rin ni Tantan ah. Hindi ko inakala sobrang effort siya."

A for effort na talaga si Tristan. Biruin mo pupunta siya dito tapos babalik sa kanila tapos ihahatid ulit ako pauwi. Kahit na sinabi ko nang ako nalang ang pupunta ay ayaw niya dahil gusto niya dadaanan niya ako.

Hindi na rin ako nagreklamo because I love being in his car too. Sobrang dami naming moment sa kotse niya. Siguro pag nagpalit siya ng kotse ay sobrang mamimiss ko.

Pero the best sa lahat ay 'yung mukha niya kanina. Hindi ako makaget over sa itsura niya. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o ano because saying he's surprise is an understatement.

"W-what?" He even stuttered which he rarely does.

Ngumuso ako at nagkibit balikat. It feels nice to tease him once in a while. Palagi nalang kasi ako ang pinagtritripan niya.

"Jade, say it again." His lips curving.

Nakita kong umandar ang kotse sa tabi namin kaya inalog ko siya because he's still stunned.

"It's green. Go na."

Hindi ko na inulit ang sinabi ko. It was embarrassing for me too because it's the first I said it. I just feel like I want to let him know how I feel.

"May tanong lang ako ah? Alam ba niya na gusto mo siyang gantihan?"

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Bakit mo naman bigla natanong?"

"Wala lang. Bigla ko lang naisip and because you know, you guys are so inlove." May hint ng panunukso ang boses niya.

"Nope, hindi ko sinabi." I don't find it necessary since I don't think on doing that anymore.

"So wala kang balak sabihin?"

Nagkibit balikat ako. "Maybe, maybe not. Kailangan ba?"

"Hindi naman but did it ever occur to you that baka one day malaman niya?" Tumaas ang kilay niya.

"Then I'll explain." Simple kong sagot.

"No. You don't get the point." She said sternly. "His ex cheated on him. Masasaktan talaga si Tan pag nalaman niya na ganon rin ang ginawa mo sa kanya. Trust is really important in a relationship. Dapat alam mo 'yan."

"I know. But I didn't cheat naman. Maybe I lied and my purpose is kind of different pero hindi ko na naman tinuloy."

Wala na sana akong balak aminin sa kanya ang balak ko talaga na makaganti kaya ko siya cinlose kasi hindi naman na 'yun importante ngayon.

Sure that was my initial motive but it changed when I got to know him.

"He still deserves to know. Pero opinyon ko lang naman 'to, it's up to you pa rin naman kung sasabihin mo. Pero kung hindi naman, don't worry I won't say a word."

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon