Chapter 39 - Cheers

5.8K 144 2
                                    

Ngayon ni Oliver ipapakilala officially ang girlfriend niya sa amin. Nagplan kami ng dinner somewhere tapos paparty pagkatapos dahil hindi pa natupad ni Michael ang libre niya.

But I bet the boys already met her. Lalo na 'tong si Tristan! May damit nga siya sa condo niya, e.

Dapat ay sabay kami ni Tiffany pero gumawa nanaman siya ng excuse kung saan wala akong choice then asked me to go with Tristan. What's new anyway.

"Do I have to return her clothes?" I asked Tristan.

He just shrugged.

"Bakit siya may damit sa condo mo?"

This time he gave me a smile. A naughty one.

"Ah no. Don't say it. No." Hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya.

Tumawa naman siya. "What's wrong? I thought you want to know?"

"Nope. I'm not curious at all."

Hinawakan niya ang kamay ko na parang natural lang 'yun para sa kanya at sabay kaming pumasok ng restaurant.

Nakita ko agad kung saan nakapwesto ang barkada pero wala pa si Oliver at ang girlfriend niya.

Una ay walang nakakapansin dahil busy ang lahat sa kwentuhan pero nang magreact si Rhian ay napunta sa amin ang lahat ng atensyon.

I attempted to withdraw my hand but he held it more firmly. Napayuko nalang ako sa hiya.

"Ano 'yan? Kayo na?" Nagsalita si Michael.

Nagkatinginan kami at nagkaroon ako ng pagkakataon alisin ang kamay ko. He just laughed at me and sit beside Michael.

"Mahiyain." Umiling lang siya at tumawa sila ni Michael.

Ako naman ay tumabi kay Tiffany. Magkatapat kaming dalawa ni Tristan pero hindi ko siya tinitignan.

"Kailan pa 'to! Bakit wala akong alam?" Ani Rhian. "Hoy Tantan!"

Ngumisi lang siya at hindi sumagot.

"Oh alam na sino magpapainom mamaya." Sabi ni Michael.

"Tumatakas ka ah. Ikaw kaya!" Sabi ko sa kanya.

"Sus. Tsaka kayong dalawa. Nagdedate pala kayong dalawa! Kaya naman pala palaging may pahatid hatid." Tukso niya sa amin.

"Wag ka nga. Hindi ka nga nagoffer na ihatid ako kahit isang beses."

Doon ay napatahimik siya. May sasabihin pa sana siya kaya lang ay hindi na niya tinuloy. "Ako na nga magpapainom, binabara mo pa ako. Grabe ka talaga, Jade."

"Anong meron?" Napalingon kami sa kakadating lang na si Oliver.

"Hoy Oliver alam mo ba na sila na? Ang daya diba."

Hindi na rin nagulat si Oliver. His reaction mirrored Tiffany's earlier. Napalingon ako kay Tristan na ngumiti lang. Sinabi niya kay Oliver!

Nagkibit balikat lang si Oliver at hinila palapit ang tahimik na girlfriend niya. "You know Tiffany, Tristan and Rhian right?"

"Jade, Joseph and Michael." Tinuro niya kami isa isa. "Stay away from Michael." His whisper was enough for all of us to hear though.

"Woah. Ako talaga? If there's someone, ikaw 'yun bro!" Nagreact agad si Michael.

"See."

"Allana guys."

Actually mahiyain si Allana. Tahimik lang siya at nakikitawa lang at ngumingiti sa tuwing magaasaran kami. Nakita ko ang sarili ko sa kanya nung una rin akong sumama kay Tiffany pero mas makapal ata ang mukha ko sa kanya dahil mabilis kong nakasundo ang lahat.

Alam ko mahiyain siya pero hindi maalis sa isip ko kung anong ginagawa nila ni Oliver sa condo ni Tristan. I blame it on the clothes! Kung bakit ba naman kasi may damit siya doon!

Si Allana 'yung tipong girly girly type pero hindi maarte. Hindi rin siya masyadong umiinom dahil ang bilis niyang mamula. Isang baso pa lang ay mapula na agad siya.
Ayaw ko naman siya pigilan dahil hindi naman kami close tsaka nandyan naman si Oliver. I'm sure babantayan naman niya ang girlfriend niya.

"Sarap talaga uminom pag libre. Cheers oh!" Tinaas ni Joseph ang baso niya.

"Thanks Michael." We said in unison pang asar lang tapos nagcheers na.

Nakicheers rin si Allana kahit na namumula na. Si Oliver naman ay nagrestroom.

"Wag ka na uminom pag hindi mo na kaya." Sabi ni Tristan.

"Okay lang ako." She gave an assuring smile.

"You sure? Kaya pa?"

"Hingi ka ng tubig." Utos ko kay Tristan. Nagtawag naman siya ng waiter at humingi.

Pagbalik ni Oliver ay naginarte rin ako. Hindi naman kasi ako pinapansin ni Tristan pag umiinom. Never nga niya ako pinigilan. As far as I remember siya pa ang gustong magpainom sa akin palagi.

Like right now gusto nanaman niya akong icheers.

Umiling ako at tumanggi. "Hindi ko na kaya. Nasusuka na ako."

He chuckled. "Seryoso ka? Nasusuka sa pangalawang baso?"

Tumango ako at lalong humaba ang nguso ko.

"I've seen you drank half a bottle tapos sasabihin mong nasusuka ka na sa pangalawang baso? It's weird." He's mocking me.

Ayaw ko na magdrama nakakainis! Nanliit ang mata ko at humarap sa kanya. "Bakit ka ba painom ng painom sa akin pero si Allana.."

"So that's why.." he trailed. Ngimisi siya at umiling. "Jade, kaya mong uminom and I like that. Pag hindi mo kaya I will also stop you but you can so bakit kita pipigilan when I know you're enjoying?"

Alright I'm being nonsense again. Gusto ko lang naman magpalambing sa kanya. And I admit I love hearing those words from him. I like it when he's talking sweet to me.

"Don't change for anyone. Not for me." He grabbed my face for a second. "I like you this way. Cheers?" Inabutan nanaman niya ako ng baso.

"Sabihin mo lang kung plano mo akong lasingin, Tristan."

He leaned and whispered. "That's my plan."

Lumayo naman ako at pinalo ko siya sa braso. Pilyo rin talaga si Tristan!

"Hoy kayong dalawa wag kayong magmoment!" Tinulak ni Rhian si Tristan.

"As much as I want to block my ears, naririnig ko kaya nga whispers niyo." She raised her arms. "I'm getting goosebumps because of you, Tantan!"

Madilim sa loob pero naramdaman ko ang pagkapula ng mukha ko.

"Anong masama sa sinasabi ko? Totoo naman. I like that--"

"Tantan! Stop. Gets ko na."

Okay binabawi ko na. I don't like it when he's like that. Ako ang nahihiya pag may ibang taong nakakarinig eh!

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon