Chapter 14 - Creep

6.7K 163 1
                                    

Hindi kami sobrang close but I can say that we're friends. Pag magkakasama kasi kaming lahat we don't usually talk because we always talk in a group or between us girls.

"Next week, Ate. Uuwi ako. Marami lang kasi akong ginagawa." Ate called me one Saturday night.

Gusto ko na rin umuwi kasi namimiss ko na ang luto ni Mama pero dahil sa conference ay hindi ako makakauwi. It's scheduled on next week so I can't be not here when my group needs me.

"Miss na kita. Marami akong kwento! And you know puro ako ang nakikita ni Mama dito sa bahay kaya please magpakita ka na."

Tumawa ako, "Oo na. Next week nga. Pasabi pala kay Mama miss ko na luto niya."

"Baka naman kaya ayaw mong umuwi kasi nagboboyfriend ka na."

"Tamang hinala ka nanaman, Ate."

"Pero kung ganon wag ka na umuwi. Okay lang dyan ka na tumira."

Baliw rin 'tong si Ate. Tama bang ipamigay ako sa boyfriend?

Pinanood ko si Tiffany mag-ayos sa harap ko at natetempt talaga akong sumama. But no, acads must come first. Paguusapan pa kasi namin ng committee ang final updates at mga dapat pang gawin.

Ang bummer talaga. Imagine Saturday night tapos may meeting kami when I'm supposed to be going with her sa night out. (Yes I like night outs simula nang makilala ko siya and sila Rhian) Can't blame me though because they're really fun to be with lalo na pag nagtatalo na si Michael at si Tiffs.

"Ayaw mo ba talagang sumama?"

Umiling ako. "I can't diba."

"Since finafinalize niyo nalang naman, can't they like text you nalang or call? Grabe naman 'yang leader niyo." Umikot ang mata niya habang inaayos ang palda.

Buti pa si Tiffany parang laging walang inaalala. Parang twice ko lang siya nakitang nagworry sa studies. She's always chill while I'm always the ngarag one. Unfair lang talaga ang life sa akin.

"Hindi talaga girl. Hindi ka pa ba aalis?"

"Inaantay ko pa si Oliver. Dadaanan niya ako."

"Sa lobby ka nalang kaya magantay para hindi kita nakikita dito?" I joked.

She stick her tongue out at bumalik ako sa pagtitig sa Facebook.

Iisipin ko nalang na idadagdag ko nalang sa allowance ko ang perang magagastos ko ngayong gabi. Team bahay means no gastos.

"As much as I want to annoy you more, nandyan na si Oliver. Text mo nalang ako kung gusto mong sumunod. Bye, Jade."

Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Baka naman mag uno na ako sa subject na 'to sa sobrang sipag ko. Kailan pa ba ako umattend ng mga meetings? Never. I was always the one who never runs out of excuses.

Pinost na sa group namin ang last papers na dapat ipapirma sa mga sponsors at kailangan ko pa palang humingi kay Tristan ng powerpoint para iplay sa mismong day ng conference.

Wala pang thirty minutes ay natapos na namin ang paguusapan. Kung alam ko lang sana nag mobile data nalang pala ako.

Well paninindigan ko na ang hindi ko pagsama at nakakatamad na rin sumunod.

Kung ano ano nang laro ang nilaro ko sa phone para malibang nang bigla akong nakatanggap ng message galing kay Tristan.

Tristan:

Bakit hindi ka sumama?

Tamang tama because I don't want to be the first to text him.

Me:

Dapat ba akong sumama?

Tristan:

I don't know.

Then may kasunod na message pa siya.

Tristan:
Ayaw mo ba akong makita?

Ano daw? Saan nanggaling 'yan? Pag sinabi kong ayaw I would be lying pero pag sinabi kong hindi baka isipin niyang gusto ko siyang makita. Labo.

Me:
Ayaw, jk. Student duties lang. May kailangan pa pala akong ibigay sayo. Saan pala kayo?

Tristan:

En route. Beer pong. Tatalunin pa naman kita ulit.

Me:

Asa. Just be thankful na wala ako kung hindi pre-game pa lang lasing ka na.

Tristan:
That was a good one. Made me laugh.

Hindi na ako nagreply pagkatapos. Baka sisihin pa niya ako pag natalo siya sa game nila. Tsaka sinong nagtetext habang naglalaro? I guess only Tristan. I can imagine him holding a ball in one hand while his phone on the other.

xx

Nagmeet kami sa usual meeting place namin and surprisingly he got the usual spot again. I don't know how he can do that samantalang pag ako humanap nga lang ng pwesto hirap na hirap na ako.

"May tanong lang ako. I'm just really, really curious about this one, okay?" Pambungad ko bago umupo. "How can you manage to get this spot every time?"

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Do you know what happened to the cat?"

I rolled my eyes then groaned. "Damot mo naman. Dali na."

"I don't know. I'm just lucky, I guess?" Then he freaking smiled. "'Yan na ba 'yung papers?"

Yeah I almost forgot ito nga pala ang pinunta ko dito. "Yup. Last na 'to then nagsend rin pala ako ng details sa email mo."

Tumango tango siya at may nginuso siyang drink sa akin. "Napansin ko kasi na hindi ka umoorder so I ordered for you."

Nag alangan ako at tinignan ko pa ng matagal ang inumin dahil hindi ko alam kung tatanggapin ko.

"It's because I don't drink coffee." In the end tinanggap ko rin.

Ako lang sa family ko ang hindi mahilig uminom ng kape. Si Ate naging coffee addict na nung nagsimulang magtrabaho. Si Mama naman ever since mahal na mahal ang kape. Ganon rin si Papa. Minsan naisip ko kung ampon ba ako dahil lang sa ayaw ko sa kape.

"I know. That's not coffee." Proud pa siya sa sarili niya.

"Paano mo nalaman?" Napataas ang kilay ko.

"I notice things. And I know that you hate cucumber too."

"Do you know that you sound like a stalker right now?"

Tumagilid lang ang ulo niya at ngumisi.

"Wag kang ngumisi. You look like a creep."

"Tama bang ganyan ang trato mo sa akin? I helped you with your subject then I gave you something to drink tapos sasabihin mo creep ako?"

"For the record thank you, Tristan. Kung hindi dahil sayo baka nasingko na ako." Ngising ngisi siya and I can't watch it because I hate it so much.

"But you're still a creep."

So I had to ruin it.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon