Chapter 17 - Landi

7.3K 152 0
                                    

Umuwi na agad ako sa amin pagkatapos lahat ng dapat gawin. Naiwan mag-isa si Tiffany sa condo dahil magaayos pa siya ng damit sa dami ng dinadala niya every time na umuuwi siya.

And right now she just texted me asking kung nakita ko ba daw ang swimsuit niya. How would I know? Sinabi ko nalang na baka nasa drawer o di kaya nauwi na niya sa bahay nila.

"Uy may katext siya." Napatalon ako sa boses ni Ate.

Nagleave na rin siya sa work kahit na ilan araw pa bago magpasko dahil tinatamad na siya. "Sayang ang leave at pasko naman." Her words.

In short the word is lazy. And since she's bored doing nothing she is annoying me instead.

"Uyy si Tiffany lang." Sagot ko.

Tumabi sa akin si Ate sa upuan. Una ay hindi siya nagsasalita at pinapanood lang ako pero maya maya konti ay sinisimulan nanaman niya.

"Jhedea umamin ka, sigurado ka ba talagang wala kang boyfriend?"

"Ate naman.. palagi mo nalang 'yan tinatanong sa akin. Nandito lang ako nung nakaraang linggo. Ano, nagkaboyfriend na agad sa isang linggo?"

"Aba malay ko. Kaibigan ko nga isang araw lang sinagot na. Sayo nga isang linggo so it's possible."

Tinigil ko ang pagtitext at humarap sa kanya. "Makinig kang mabuti, okay?" Tumango ako. "Wala akong boyfriend. Wala. Kaya tigilan mo na ang pagtatanong."

"Eh manliligaw? Wala rin?"

Unti unti akong umiling. Now that I'm thinking about it, I never had one. Meron nung high school pero hindi ko alam kung ligaw ba 'yun o hobby lang niya akong sundan.

"Ano na mangyayari sa beauty mo? Ganda ganda mo tapos single for life ang peg mo?"

"Grabe parang ang tanda ko na kung makasingle for life ka dyan. Hindi pa nga ako nakakagraduate."

"Kung sabagay baka mamoblema pa si Mama pag nagboyfriend ka. Aral ka muna, sis." Pagkatapos ng mahabang monologue niya ay umalis nalang siya bigla at nagpuntang kusina.

Baliw rin talaga ang isang 'yun. Hindi malaman kung ano ba talaga dapat ang sundin ko ang maghanap ng love life o mag-aral.

xx

Boring rin sa bahay pero okay lang dahil may maingay naman akong kapatid. Sometimes she just barges into my room and say some nonsense things tapos aalis.

May group chat rin kami sa Facebook at sinesandan ko sila paminsan ng walang kwentang snaps. They all just want me to stop but I can't. The filters are just too cute!

"You're quiet but you're annoying." Sabi ni Tristan sa akin isang beses nang pinuno ko ng wacky faces and snapchat niya.

So now I decided to annoy him since wala akong magawa and it's night time so marami akong energy para manggulo ng tao.

Nakita kong nakita na niya pero hindi siya nagreply. I'm sure naiinis 'yun ngayon. I could almost imagine his face when he saw the photo.

Minutes later I got a call from him instead of a reply.

"Wala ka nanaman magawa?" He's irritated.

"Ganda ko kaya dun." I defended myself.

"Yeah. So stop sending me those snaps with filters. Mas maganda ka ng walang filters." Aniya.

I cleared my throat. Pabigla bigla naman 'to magsabi, hindi ako prepared sa comeback niya! Kinilig ako ng slight.

"Mas gwapo ka kasi pag naiinis ka." Sabi ko naman.

"Nilalandi mo ba ako?" Tanong niya sa isang mapang asar na boses. "Wag mong sabihin type mo 'ko?"

"Kadiri ha? Swerte mo kung type kita noh. Namimiss lang kitang asarin. Magkaiba iyon."

"Mag ayos ka kaya ng kwarto para may magawa ka. I can see your room in your snap."

Oh my god. Hindi ko naalala na nakikita pala ang kwarto ko! Pero hindi naman magulo ah. I like it this way, madali kong nahahanap ang mga gamit.

"Fyi malinis kwarto ko. I just have many things, okay?"

I heard him laughed. "Oh wag ka magalit. Galit ka na naman agad."

"Epal mo. Bakit ka ba kasi tumatawag?"

"Ayaw mo bang marinig ang boses ko?"

Teka, quota na 'to sa flirty questions niya ah.

"Ayaw ko, ang pangit. Uy tuloy ba 'yung outing? Saan pala kayo?" Iniba ko na ang usapan dahil baka kung saan mapunta.

"Yup. Punta kami dyan sa inyo."

"Di nga? Sige, punta kayo. Aasahan ko 'yan." Nakiride ako sa trip niya.

"Oo nga. Diba sabi mo namimiss mo na ako?"

"Asarin. Namimiss asarin."

Nagtatanong ako ng maayos tapos pinagloloko nanaman niya ako. Tawa tawa pa siya. Tuwang tuwa nanaman ang isang 'to lokohin ako.

"Maglinis ka ng kwarto, please." He teased before hanging up.

Napatingin tuloy ako sa kwarto kung magulo ba talaga. Hindi naman..

Nagising ako ng maaga dahil kay Ate na nakikipagusap sa cellphone. I think she's doing it purposely kasi sa dami ng sulok ng bahay kung saan siya pwedeng makipagkwentuhan dito pa talaga niya napili sa kwarto ko.

Kaya maaga pa lang ay badtrip na ako.

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tinanong ako ni Mama.

"Wala." Tipid kong sagot.

Bumalik ako sa kwarto iniisip na wala na si Ate doon at baka makatulog ako ulit pero nandoon pa rin siya.

"Bat ka ba nandito? May sariling kwarto ka naman."

"Mas malamig sa kwarto mo." Sagot niya bago nilibot ang mata sa kwarto ko. "Mag ayos ka nga ng kwarto. Minsan ka na nga lang nandito."

Why is everyone judging my room? How can I make them understand that my room isn't dirty or messy, there's just many things.

"Ang aga mo nagising? Excited ka na maglakwatsa noh? Ihanda mo na things mo for later." Finally lumabas rin siya.

Hindi ko na siya pinansin dahil hindi ko naintindihan anong lakwatsa pinagsasabi niya. Mamaya ko nalang siya tatanungin.

Kakatapos lang namin magtanghalian at naghuhugas ako ng mga plato nang narinig ko ang doorbell. Sumigaw ako at tinawag si Mama. Pumasok siya sa kusina.

"Ako na dyan. Buksan mo ang gate."

"Naghuhugas ako, Ma. Si Ate."

Tinignan ako ni Mama and I know that look. "Ikaw ang hinahanap niyan, sige na buksan mo na."

"Mama, wala naman maghahanap sa akin."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Tristan sa akin. Sabi niya na pupunta sila dito pero binalewala ko lang iyon because seriously?

But I still went to open the gate.

Thinking about it now, joke lang 'yun diba? Kausap ko lang siya kagabi.

Pagbukas ko ng gate ay napaatras ako.

No way.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon