Chapter 30 - Kaibigan

5.8K 143 2
                                    

"Sorry, Jade. Hindi ko alam na magpapahatid si Mama. Commute ka nalang okay lang?"

I sighed as I heard that from Tiffany. Sympre ano pa bang magagawa ko. Magcocommute nalang ako tutal hindi naman rin ako kumportable magpahatid dahil nahihiya ako.

Habang naglalakad ako patungong gate ay naririnig ko ang tunog ng kotse sa labas. Niloloko naman ata ako ni Tiffany. Akala ko ba wala si Uncle Danny. Nakangiti kong binuksan ang gate at napahinto ako nang nakita ko kung kaninong kotse ang nandoon.

At kung sino ang nakatayo sa tabi ng kotse. It was Tristan.

I blinked twice to make sure that I wasn't imagining things. He was still there, staring at me.

My heart starts beating so fast and I couldn't tell if it's because I was surprised or simply because of Tristan.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko na hindi ko napansin na nakabukas pa ang bibig ko hanggang sa nagsalita siya.

"Jade."

He just said my name. Nothing special, just my name so why does my heart need to beat so fast. Magkakasakit ako sa puso pag nagpatuloy 'to.

I cleared my throat and calm myself. "Anong ginagawa mo dito?"

Am I the only one sensing a deja vu here?

I can just pretend I didn't see him, right? Baka hindi naman dahil sa akin kaya siya nandito? Bakit niya naman ako pupuntahan?

Of course that has to be it so what I did is I walked right pass his car and waited there. What I didn't expect is 'yung paglapit niya sa akin.

Nilagay niya ang kamay sa bulsa bago nagsalita. "Paano ka papasok?"

"Magpapara ako ng tricycle." Sagot ko.

"Mahirap ang magcommute dito. You are aware of that, aren't you?" Now he sounded like mocking me.

Napaharap ako sa kanya, "Narinig mo--" I stopped when I realized what I'm about to say.

Walang hiyang Tristan 'to narinig naman pala ang sinabi ko kagabi.

"I mean hindi naman siguro. Maaga pa naman ako. I can wait." Tumingin tingin pa ako sa paligid. Sa totoo lang malilate ako pag naghintay pa ako dahil ang akala ko talaga ay mahahatid ako ni Uncle Danny.

"Are you sure?" Tumaas ang kilay niya. "Pwede kitang ihatid. We're still friends right?"

Friends? Yup, of course we're friends. I thought I felt something different when he said it. 

"That is kung gusto mo lang naman." Tinuro niya ang kotse niya.

Tinignan ko ang oras. Pwede pa naman siguro akong maghintay kahit 5 minutes pa.

"At this rate baka hindi ka na umabot pag hindi ka pa sumakay. Your class starts at 9 right?"

Ayan nanaman si Mr. know it all. Of course he knew my class today starts at exactly 9am and there's no time to be late.

"Don't worry, I'm here as a friend. Pwede naman kitang ihatid bilang kaibigan mo diba?" He smiled. "We are right?"

I nodded. Sumakay na rin ako dahil wala akong choice. Yup, that was just the reason and not because I miss him. But I really did miss talking and joking with him if only he would stop emphasizing the word friend to me.

As usual he's quiet during the drive. Kaya ako ang nagsalita.

"Bakit ka nandoon? Hinatid mo ulit Mama mo?"

He nodded without looking at me. "Why, do you think nandoon ako para sayo?"

"Of course not." Nanlaki ang mata ko at iniwas ang tingin.

He laughed, "It's okay. I forgot you're the curious one."

Bakit siya nakakatawa ng ganito samantalang ako gusto ko nang magpakain sa lupa. Why would I ask such a thing in the first place?

"Thank you."

"Gawain 'to ng isang kaibigan diba?" He flashed his smile before unlocking the door.

Pilit akong ngumiti. Nakakairita na 'yang friend na 'yan ha. That word is slowly getting into my nerves. Isa pang 'friend' hindi ko na mapipigilan sarili kong hindi magreact.

Naiinis akong pumunta ng room. Hindi nga ako nalate pero sana pinili ko nalang magcommute kaysa pagpahatid sa kanya. Hindi na talaga ako sasakay doon without any reason.

"Uy friend. Ginawa mo na 'yung paper?" Kausap sa akin ni Carol.

"Pati ba naman ikaw?" Tumaas ang boses ko. Napatingin sa akin mga classmates ko. Tsaka ko lang narealize sino ang kausap ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Anong problema mo? Ano, nagawa mo na?"

"Hindi pa. Baka mamaya ko pa umpisahan."

xx

Pagkatapos ng klase ay agad akong bumalik ng unit para mag ayos ng gamit na dadalhin ko pauwi sa amin.

Habang nasa bus ay tinawagan ko si Tiffany dahil naiinis talaga ako at kailangan kong ilabas. Baka rin alam niya kung anong problema ni Tristan.

"Kung tumawag ka para magreklamong nalate ka. Sorry na."

"Hindi. Actually I was not late."

"So bakit inis 'yung boses mo?"

"Nagkita kami ni Tristan."

"Oh. So anong nangyari?" She suddenly became so interested.

Kanina lang parang inaantok 'yung boses niya.

"So nagkita kami sa labas ng bahay mo. Hinatid niya ako. Sounds familiar diba? Tapos he kept on mentioning kaibigan, friend to me. Nakakairita lang kasi paulit ulit. I get it we're friends, bakit pa niya kailangan idiin sa akin. Laki ng problema niya."

Tinawanan lang niya ako, "Mas malaki ata problema mo girl. Sabi ko na kasi sayo. Nahulog ka na. Aminin mo nalang."

"Nako Tiffany pwede ba. Wala naman ako dapat aminin."

"Ano palang kinagagalit mo sa kanya? Magkaibigan naman talaga kayo ah. O baka naman kasi iba na ang gusto mo?" Tumawa siya. "Magka-ibigan instead of mgkaibigan?"

"Alam mo lalo lang ako nastress nung tumawag ako sayo. Bakit ba ikaw pa tinawagan ko?"

"Because ako lang ang makakatulong sayo. What, do you want to tell Oliver? Or Michael that you're falling for their best friend?"

"Tigilan mo na ako." I scowled. "I'm not falling."

"Right. You're not." Tumahimik siya bigla kaya akala ko titigilan na niya ako but instead may naisip pa pala siyang comeback.

"Because you already fell."

"Tiffany! Hay nako. Bye na nga."

"Call me when you are ready to admit it. I'm just here, waiting." Madrama niyang sabi bago niya binaba.

But I'm certain that I'm not there yet. Almost but not yet.

But there is also a chance that I was wrong.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon